1

849 21 0
                                    

"Goodevening Ladies! and gentle men,folks! I'm Rafaelle Madrigal Daughter of Ramon and Lou Madrigal this night...will be the night...that I will......fall for you over again...."

Shete! ang hirap naman magenglish eh..kakabulol! bat kelangan pa kasi ng speech speech na yan! bahala na nga sila Dad gumawa neto! lyrics ng kanta nasusulat ko eh!

nga pala! magpapakilala pala ako'

RAM po! di po ako nangangampanya nagpapakilala lang'! hehe

sabi nila....

pasaway??

salbahe??

bully??

mapangasar daw ako! weh di nga?!

sige na nga medyo lang!

16 years old palang ako upcoming fourth year high sa pasukan pero nakakatamad mag-aral,sa totoo lang nakapasa ako nung third year dahil sa mga ever loyal kong mga classmate na kahit di ako pumasok automatic present parin ako!

bakit?

kasi yung sexytary namin na si Farah ay gusto sakin yun! kaya inuuto ko lang para di ako lagyan ng absent!

meron di akong taga sulat,at taga gawa ng assignment.taga sagot ng seatwork at quizzes o diba all in one na, nu pa poproblemahin ko? kilala ang pamilya namin sa school ko kaya walang palag mga teacher pati principal,takot lang nilang mawala ang investment namin!

**********************

"Master Raf..pinapatawag ka po ng daddy mo.." sabi ni butler Felix habang naglalaro ako ng Tennis sa xbox 360 kinect ko

"Sige susunod na ko dude!" sabay tapik ko sa balikat niya

agad naman siyang lumabas ng game room ko

ganun ako,barkada turing ko sa butler at maids namin astig nga daw sabi ng mga friends ko kasi payag akong makibonding sa kanila sila lang naman kasi karamay ko dito sa bahay tuwing nasa business trip sina Dad.

nagpunas muna ako ng pawis at nagpalit ng damit bago humarap sa Daddy ko alam kong pagagalitan ako nun pag nakita nyang madungis ako

tuluy-tuloy akong pumasok sa opisina niya dito sa bahay at hindi na ko kumatok bakit?! di naman niya ko empleyado!

"Yes Dad?" sabi ko habang kumuha ako ng apple sa may mini pantry niya sa opisina

"Maupo ka Rafaelle" awtorisadong utos niya

agad naman akong umupo,kakagat palang sana ako ng apple ng nagsalita ulit siya

"Ano nanaman kabalbalan ang ginawa mo sa school niyo ha?" galit na tono niya sakin

"Anong kabalbalan Dad?" balik tanong ko sa kanya na lalo niyang ikinainis

"You know what I mean Rafaelle Alexandra!" at malakas niyang inihampas ang kamay niya sa Table

pero ako? kalmado parin dahil sanay na ko sa kanya "Ah..you mean yung pagsulat ko ng pentel pen sa uniform ng kupal na si Miguel?" patango yango ako habang sinasabi ko yun

"Kababae mong tao Ram! lalaki kinakalaban mo! paano kung saktan ka nun!" galit parin si Dad na nakatingin sakin

"yung barkada naman niya nauna eh! sinira nila yung sleeves ng blouse ni Gina kaya gumanti lang ako! alam ko naman takot silang galawin ako no" pagtatanggol ko ng sarili ko

"the point is Ram! masyado ng matigas yang ulo mo!" napatayo si Dad at humarap sa bintana sa likuran niya

"ganito naman na ta---" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli at humarap sakin na may kasamang duro ng kanyang kamay

"No! from now on sa public school kana magaaral! kung saan walang nakakakilala sayo! at walang tutulong sa'yo!"

"What??! but Dad!" pagmamaktol ko sa kanya

"No more Buts Ram! my decision is final! pinaayos ko na sa secretary ko ang paglipat mo at sa pasukan mo nextweek dun kana magaaral"

kahit anong gawin kong pagtutol ay di naman talaga papayag yun na magbago pa ang isip!

kainis! bakit sa public school?!!! pwede naman sa ibang school nalang eh!

=================================================

GUYS PLEASE SUPORTAHAN NIYO PO ITONG NEXT STORY KO! PLEASE.....

One That Got Away (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon