Prologue

2.2K 37 4
                                    

Prologue

~Yna~

Araw-araw, walang nakakakita sa akin. Kasi nga, wala akong kaibigan. Hindi rin sila makakalapit sa akin dahil hindi ako sumasalita. Problema kasi sa mga tao ngayon, plastik. Maganda nga ang ugali sa una, pero marumi naman pala ang kanyang moralidad.

Mayroon akong kaibigan noon. I trusted her so much na naging sandigan ko siya tuwing ako'y nasasaktan, nalulungkot at sa tuwing masaya ako. I shared my best moments with her. May mga videos nga kaming ginawa dahil bored kami eh. May journal kaming dalawa kung saan namin nilalagay ang aming mga saloobin at mga momento namin which is worth keeping for. Plus may malaking scrapbook pa kaming dalawa kung saan namin nilalagay ang aming pictures together at mga pictures ng aming mga crush.

Nung nag-first year high school na kami, doon ko naranasan ang first ever shocking yet heart breaking discovery: hindi ko pala siya tunay na kaibigan. Ang twinnie ko, ang pinakamahal kong kaibigan, ang girl in shining armor ko, nasa isipan ko lang pala.

Nalaman ko na bina-back bite niya pala ako. Ewan ko ba kung anong ginawa ko sa kanya. Pinapakita niya sa lahat ang aking mga tinatagong sikreto, tinatagong hinanaing sa iba kong mga "kaibigan" at mga bagay na unting sumisira sa aking reputasyon. Isa siyang sharp shooter: kung saan siya malayo, doon siya titira sayo nang malakas.

After that, we had the worst and biggest fight sa aming history ng pagkakaibigan. Muntik ko na siyang birahin sa buhok at putul-putulin ang bawat hibla nito dahil sa panloloko niyang ginawa. Sayang ang anim na taong pagkakaibigan namin. Sayang ang malaking trust na binigay ko sa kanya.

Dahil sa pangyayaring iyon, kinumbinsi ko ang aking ama na lilipat ako sa ibang paaralan to avoid her presence at all costs. Hindi na rin nagdalawang-isip si daddy dahil sa nakita niyang depresyon at lungkot na kumain sa pagkatao ko.

Kaya nun, I vowed to myself to never trust anyone again and to have a close connection to any human being. Ayokong masaktan nanaman gaya nung sinaktan niya ako.

Pagka-second year ko, may mga kaibigan pa rin ako pero hindi nga lang kami ganun ka-close. Nag-uusap lang kami tungkol sa studies namin. Walang personalan.

Siguro dahil sa aking pagiging KJ or pagiging expresionless or pagiging pangit, ni isa man lang ay walang nag-dare na makipag-kaibigan sa akin.

Third year highschool ko, hindi ako nag-attend sa prom. Wala kasing lumapit na lalaki sa akin at ayaw kong makipag-draw lots sa mga walang partner. Sobra nga ang galit ni mommy dahil sinayang ko raw ang tsansa for having memorable memories sa aking highschool years. Well duh? Mas mabuti ngang manood na lang ng The Flash at The Big Bang Theory kaysa sasayaw ako the whole time wearing the painful 3 inch heels and a dress. Mas memorable pa yun eh.

Ngayon, 4th year na ako. I'm still the same cold-hearted yet demure Yna Lopuz but I decided to open my heart a little dahil graduating na ako and surprisingly I wanted this year to be a very memorable one to me.

Dahil dito, nakita ko ang lalaking nagpatibok sa puso kong bato: si Finn Viza. Huwag niyo akong tanungin kung bakit ko siyang nagustuhan dahil ako rin ay litong-lito sa aking sarili.

KRING! KRING! KRING!

O siya pala, bell pala namin yun. Tapos na ang klase.

"Hay salamat! Tapos na ang karumal-dumal na klase! Makakalabas na tayo sa kulungan! Yeheeeey!" sigaw ng kaklase ko. At mistulang naging zoo ang klase. Iba-iba ang maririnig mong mga ingay: may elepante, may manok, may tigre, may unggoy, may ibon at marami pang hayop na hindi mo makikilala ang kanilang mga ingay.

Tatlong minutong lumipas, lumisan na ang mga hayop/mga bilanggo. Ako na lang ang natitira sa klase dahil nagko-kontemplate pa ako sa mga bagay-bagay.

Tiningnan ko ang relo ko. 4: 43 p.m. Siguradong marami na ang nag-hihintay sa kanto ng jeep. Tumayo ako sa kina-uupuan ko at pumunta sa locker ko upang mag-ayos na nang gamit.

●□●□●□●□●□●□●□●□●□●□●□●□●□●□●□●

Nilagay ko ang mga librong hindi ko na kailangan pang pag-aralan sa locker ko. Kumuha ako ng mga larawan sa mga pahinang pag-aaralan ko pa sa aking physics na libro. Ang kapal-kapal kasi nun at mahihirapan akong bitbitin iyon.

Nang ibinalik ko na ang libro ko sa loob ng aking locker, ibinaling ko ang aking atensyon sa isang pink and black envelope na nasa itaas ng aking mga libro.

Dahil isa akong Pandora, kinuha ko iyon at kinuha ang folded piece of paper.

Dear Yna Lopuz, 

Greetings, Yna!

I know that you have these love-like feelings towards Finn Viza. Halatang-halata sa inosente mong mga mata ang iyong nakakaibang tingin sa kanya.

Instead of locking away these feelings of yours, how about give it a chance to show it to him?

If you want him to notice you, search this on Google: how to catch your crush's attention. Click on the very first search result. If you choose not to do this, would you rather be living in a dull, lifeless world?

The choice is yours, Yna.

From, XX

Tumindig ang balahibo ko nang tinapos kong basahin ang letter. Sino bang nakakaalam nitong munting sikreto ko? Paano niyang eksaktong nalaman ang aking pagtingin kay Finn?

Pinasok ko ang papel sa backpack ko at nagsimula na akong lumakad. Punong-puno pa rin ang aking utak ng mga tanong.

Sino kaya XX?

Ten Steps How to Catch your Crush 's AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon