Chloe's POV
"Having fun"
Oh grabeh, sa tingin mo masaya ako? Itanong mo kaya kay Luffy?! Lumingon ako para makita kung sino man yung nagsalita, tsk. Parang nangiinsulto eh, kita na ngang ang haggard ko na.
"Nope", sabi ko sabay lingon.
"Ano? Stunning pa rin ako sa kagwapuhan?"
"G-Gr-Grey?", sabi ko na nauutal at naiilang pa. Atras ako ng atras, abante naman nang abante tong mokong na toh! Sh*t! Nakulong nako, napasandig na lamang ako sa pader.
"Yes?", sabi niya sabay lagay ng dalawa niyang kamay sa parehas na magkabilang gilid ko.
This is not good..."namumula ata chocolate ko?", dagdag niya at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "You want a kiss?"
I just smirked, nagulat siya at inilayo ang mukha niya sa mukha ko, kuya! Di lang ikaw ang nagulat! Di ko alam sa stimuli ko pero nagrereact na naman to ng wala sa oras.
"Kiss me? Kiss this!"
Taena. Sinampal siya ng conciousness ko, sorry ka nalang. Tigasin yata ito? Hinawakan niya ang mukha niya, "Bakla!", sabi ko sabay belat sa kanya, talikod with flip ng hair at umalis sa mga wala niyang hiyang kamay.
"Bakla?"
"Oo!"
"Ako?"
Humarap ako sa kanya, "Why not? Your perfect!"
"Eh, kung tuluyan kaya kita ng halik dyan"
"Hindi mo yun magagawa kasi bakla ka! Bakla! Bakla! Ba-!", bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko, "Bitawan mo nga ako!"
"Sabi mo bakla ako? Edi okay lang kung hahalikan kita diba?"
"Ew! Hindi ako pumapatol sa mga kauri ko! Hindi ako malandi katulad ng iba dyan!"
"Ganun?", ang lapit na talaga yung mukha niya sa akin, nagpupumiglas ako pero hindi ko talaga kaya ang lakas niya. Ang lapit na!! Fudge! Ayoko sa'yo!!
"Pare, mukhang nagkakamali ka ata ng hahalikan?", napatigil ang pagtatrato ni Grey sa akin nang dumating si Kevin! Ay Keeve! Tatawagin na kitang Knight in Shining Armor!
"Sino ka ba para sabihin mo 'yan?", sabi ni mokong.
"Ako? Bestfriend niya, eh ikaw?"
"Hah! Ikaw?! Ano nalang ako? Eh, boyfriend niya ako?"
"Ikaw? Ang pagkakaalam ko kasi may girlfriend ka ng iba at saka ang pagkakaalam ko rin NBSB si Chloe eh, alam mo yun? No Boyfriend Since Breakup?", sagot ni Keeve. Stockball na 'yan.
"Eh g*go ka pala eh!" Hala eneng! Biglang nagsuntukan yung dalawa, inaawat ko na pero hindi naman nila ako papasukin, hala sige! Rambolan nalang kayo dyan habambuhay mga kuya?
"Tama na nga 'yan!", pumagitna ako, sige! Magsuntukan kayo! Pag ako natamaan, alam niyo na ang mangyayari sa kaluluwa ninyo! "Ano?! Gusto niyo pang magsuntukan?! Hala sige! Ipapadala ko pa kayong dalawa sa gym at gagawa ng event dito sa school ng boxing!"
Tumigil naman silang dalawa at tumahimik, "Buti naman at naintindihan niyo, aalis na ako at baka pagalitan pa ako ni Prof. Oak dahil sa inyo!"
Aalis na sana ako nang bigla akong hinigit ni Kevin at.. hinalikan?! Nagulat ako! Nope! Hindi lang nagulat! Gulat na gulat! Pati nga si Grey ay nagulat din.
Pero guys, sa cheeks lang naman. "Sige Bes, mauna ka na" paalam ni Keeve sakin.
"Ah-ahaha, si-sige!" umalis ako at naglakad na parang robot.
BINABASA MO ANG
One Piece [ON-HOLD]
Teen FictionSequel of: It's All About Love Link: http://www.wattpad.com/story/7732255-it%27s-all-about-love A story which is based on Chloe M. Tan's story life. What will happen to her and her ex? Magkakatuluyan pa ba sila uli or she will have her revenge and f...