Chapter 2: Number

13 0 0
                                    

"Oh, Mr. Angeles. Di ka pa ba tapos?", sabi ni Mrs. Ramos, ang head librarian. Late na pala.

"Uhmm... Tapos na po, Ma'am. Nagche-check lang po ako for errors sa project ko. Magsasara na ba po ang library?"

"Oo eh. Tapos na kasi ako sa mga gawain ko."

"Ah sige po. Aalis na po ako. Thank you po."

"Sige. Mag-ingat ka."

I smiled at her then went my way. Haay. Ang daming gagawin. Assignments, projects, exams... Isali mo pa yung contest na sasalihan ko next week. Nakakapagod pero dapat kayanin.

My name's Christopher John Angeles. 16. Top of the class sa school namin pero pagdating sa bahay... You can say I have problems. Hindi naman kami broken family pero malapit na. Dati kasi, nalaman ni Mama na may ibang babae si Papa. And I guess you know what happened next. My mother cried while my father stared with guilt carved on his face. He tried to comfort her but he knows that the more he gets near her, the more she gets hurt. At nagsabi na lang siya ng mga "sorry" na hindi naman naririnig ni Mama.

And I witnessed it all. I cried silently as I watched them fight in the room where they used to watch romantic flicks together. I never should've peeped in that room. Hindi ko sana nakita ang pag-aaway na wawasak sa pamilya ko. And when they both got out of the room, they saw me crying and they hugged me while saying countless apologies.

Then I made them promise. Gusto ko kahit man lang sa highschool graduation ko, magkasama silang magsasabit ng mga medalya ko. Kaya ngayon, iging-igi ako sa pag-aaral. Ugh... I was very young then. Still, that memory is so vivid as if it happened yesterday.

....

Naglalakad na ako papuntang gate nang meron akong nakitang tumakbo. *Gulp* S-si Ms. President!

I just stared. Di ko alam ang gagawin ko. You may ask why.

Here's why: I like her.

Yes. A nerd like me is having a crush on somebody. So what? Normal naman yun di ba?

Then she turned to me and stared at me. This is so awkward. We stared at each other for a few moments. This moment is wonderful. Nakatitig ako sa kanya... Nakatitig siya sa akin... It's like we...

Then, tiningnan niya ako in a curious way. Gaah! Nagulat ako sa sarili ko. Namamanyakan ako sa sarili ko. Nakakahiya to. I felt blood rushing up my face. Nag-blush pa ako sa harap ng babae! I quickly composed myself and bowed as a sign of apologizing. Nakakahiya kasi, tumitig pa ako ng matagal. Words can't seem to find their way out of my mouth. Natatangahan ako sa sarili ko. This is too much and I have to go.

Kumaripas ako ng takbo hanggang makalayo ako sa campus. What an epic way to say goodbye to a girl, Chris. By instinct, I bit my fingernails. My heart is rapidly beating. Wow. I'm very nervous.

Pag-uwi sa bahay...

"I'm home," sabi ko habang tinatanggal ang shoes ko.

"Chris! Andyan ka na pala!", sigaw ni Mama mula sa kitchen. Naaamoy ko ang dinner namin. Sinigang, huh?

Pinuntahan ko si Mama. Dinatnan ko siyang naghahalo ng sabaw. She got a sight of me and greeted me with a hug.

"Musta school?", she started.

"Ok lang po... Si Papa?"

"Ayun. Nasa babae niya. Bukas pa ang uwi."

"Ma," I hinted.

She looked at me sadly and sighed. "Yes. Alam ko. Yung promise."

"I'm... I'm sorry," I felt guilty. "I shouldn't have made you swore on that stupid promise."

"No, dear. Don't call it stupid. Okay lang naman eh. Ito na nga lang ang nagbubuklod sa atin."

I smiled shyly,"I love you, Ma."

She kissed me on the forehead and said "I love you" back. You may think it's childish but to me, it's precious.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis. Humiga muna ako sandali. After 5 minutes, bumangon na ako upang mag-aral. Kinuha ko na ang mga kailangan ko at nagsimulang mag-brainstorm. Man, I'm beat. Medyo nakakapagod ang pag-aaral ngayon ah. Habang sinosolve ko ang isang particular na equation, nag-ring ang cellphone ko.

1 new message from Tyler.

Ano na namang kailangan ng mokong na to.

[Tyler: Hey hey. Chris. Pwedeng patulong sa project sa Science. Di ko gets masyado ang procedures eh. XD Otw na ako sa bahay niyo. Thank you!]

Guh. Di ko pa inaaprubahan papunta na ng bahay ko? Seriously?! Hay. Wala akong magagawa. Kilala na ako nun eh. Di umaayaw sa request.

[Chris: K.]. Deserve niyang ma-K-zone.

Nag-ring ulit ang phone ko.

[Tyler: Thanks bro. Maaasahan ka talaga. :D Actually, nasa may pintuan nyo na ako.]

After that, nag-ring ang doorbell. Sinabi ko kay Mama na ako na ang magbubukas ng pinto. And it sure is Tyler. Bumulantang sa ang nakangisi niyang mukha.

"Let's go project-makin'! Yeah!"

I just sighed at sinamahan siya papuntang kwarto ko. Sinimulan ko siya agad na tulungan para makauwi siya agad. Grabe. Istorbo. I avoided conversations para matapos agad. But then, he said this.

"I know you won't help me for free."

"Ha?" Na-curious ako.

"Dahil tinulungan mo ako, may reward ka."

He paused for a moment. I looked at him in a confused way.

"Hihingin ko ang number ni Ms. Pres para sayo!"

O_O---> O///O

Crap. I'm going red again.

"Whatda? Dude, anong-"

"C'mon. Wag ka nang mag-deny. Halata ka no."

"P-pano mo nalaman?" I gave up.

" Sus. Eh lagi ka naming inoobserbahan ni Mandy for fun. And yeah, we totally know na may crush ka kay Riley."

Hindi ko siya sinagot. Ughh. Ganun ba ako ka-obvious? Paano kung alam to ni Ms. Pres?! Panic-mode: ON.

"Relax, Dude. Everything's fine. Hindi to alam ni Riley. Safe ka pa... For now," he ended with a mischevious grin.

Argh. Naiinis na ako dito.

"Hoy, wag mo nga akong pagtripan. Ugh. O yan. Tapos na yang project mo. Layas!"

"Aww. Pinapalayas ako ni bespren. It hurts. Pero expect the number tomorrow, loverboy." He jokingly said as I pushed him through the door.

"Loverboy mo mukha mo!" At sinarhan ko siya ng pinto.

"Is everything okay?" Tanong ni Mama.

"Ah. Opo. Wala po yun."

"Oh. Siya. Kain na tayo."

I ate dinner and headed straight to my room . I glanced at the window and stared at the ceiling. Haaay. Ako magkaka-number ni Ms. Pres.? Not bad.

-------------------------------

(A/N)

Sorry for the loooooong wait. XD

Thank you for reading. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd + Girl=LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon