Bye, ulit :'(

50 0 0
                                    

[A/N; Update Again :)]

September 10, 2013 </3

Tuesday ngayon, Edi may Chapel kami. Sa PCU kasi puro tungkol ito kay God kaya kailangan namin mapanatili ang Christianity namin. [The word?]

Nagtataka ako kasi hindi ako pinapansin ni Cheska at ni Christine, kaya tinanong ko kay Emman yun. Tapos nagulat ako nung may pinaabot na letter sakin galing daw kay Emman, Edi tumingin ako kay Emman, Sumenyas siya na basahin ko daw,

"Galit daw sayo si Cheska at Tine :("

Tumingin ako kay Emman, nagtanong ako kung bakit tapos sabi niya di niya daw alam. Inisip ako after ng Chapel kakauspin ko na lang si Emman.

Nagtataka kayo kung bakit kami naging close ulit ni Emman? Gusto niya maging kami ulit, gagawin niya daw lahat. Kaya go lang ako, Siya daw bahala kung masasaktan siya pag hindi siya yung pinili ko.

Nung nasa School na kami, Break. Kinusap ako ni Emman, Kaya pala sila nagalit sakin kasi nabunyag na naman ang secret ko, namin. Nabasa ni Emman yung mga text namin ni Dinio sa cellphone ko, Hindi ko rin alam kung paano napunta sakanya yun. Kinausap ko yung mga taong nagalit at nag-sorry at magso-sorry narin ako sa taong masasaktan ko ngayon, ng sobra.

Sinabi ko kay Emman na makikipag-break ako kay Dinio, Hindi dahil sa kanya kundi para sa mga kaibigan ko. Eto lang ang sinabi sakin ni Emman bago ko magawang makipagbreak kay Dinio,

"Huyy. Sorry ah," --Emman

"Sorry saan?"

"Sorry kasi makikipag-break ka kay Dinio, dahil sakin, samin."

Tumango na lang ako at tinawag si Dinio,

"Dinio, usap tayo." Na-shock siya kasi hindi na Babe ang tawag ko sakanya, yung mga time na 'to pinipigilan ko na lang umiyak eh. Parang hindi ko na kaya. Sinundan niya ako tapos umupo kami sa sahig malapit sa bintana.

[Gagawa na lang ako ng lines dito, nakalimutan ko na kasi yung mga pinagsasabi ko sakanya nun eh. Kahit this year lang yun, pasensya na. pero same parin yung nangyari]

"Uy, ah. Paano ba? Dinio, hindi ko alam kung paano ko sasabihin eh .." Naiiyak na ako, Hindi ko kayang mawala siya. Pinigilan ko na lang umiyak,

"Uhm. Nagalit kasi sakin sila Christine .." sabi ko,

"Nalaman nila na M.U parin tayo, Eto lang ang kaya kong gawin para hindi na sila magalit. Dinio, pwede bang break na muna tayo?" Wala na, nag-broke down na ulit ako, Napaiyak na ako.

Nagsalita rin siya,

"Okay, Ingat ka lagi ah." Napaiyak lalo ako sa sinabi niya, Ano ba yan Dinio. Bago siya umalis pinat niya muna yung likod ko. Regrets. 

Nakita ng bestfriend kong si Don na umiiyak ako, Tinago niya muna ako dun sa may upuan. Tapos nagusap kami,

"Oh. Nanyare sayo?" Tanong niya,

"Break na kami." Pinipigilan ko na lang yung iyak ko,

"HA? Bakit naman?!"

"Nagalit sila dahil dun eh."

"Ang tanga mo naman, Bstfrnd."

Aray ah, Ako na nasasaktan dito. Tinignan ko siya, He got the signal na bakit niya ako minura.

"Ang tanga mo .."

Isa pa, paki-ulit. Sarap sa tenga eh. :D

"Ang tanga mo kasi sinira mo relasyon niyo dahil sa kanila. Ano bang pakialam nila? Buhay mo yan, Desisyon mo yan. Kaibigan mo sila dapat sila ang sumosuporta sa mga desisyon mo at sila ang nagbibigay ng lakas ng loob mo. Ang tanga mo talaga, hindi mo ba naisip yun? Bstfrnd, Kung ako sayo. Kausapin mo sila ng maayos, tingnan mo si Dinio," 

First, Wow. Ang dami ng sinabi niya tsaka dun din ako nabigyan ng napakalaking regret, 2nd tinignan ko si Dinio, Nakayuko lang siya sa table niya. Grabe, Parang ayaw ko ng mabuhay.

May subject pa kami eh, Kaya bumaba na kami. T.H.E Time, Hindi ko mapigilan tumingin kay Dinio, Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung okay lang siya kahit alam kong hindi dahil sa nagawa ko, at sa lahat gusto kong mag-sorry sakanya dahil sa nagawa ko.

Meant to be (Based on a True Story) -- Sequel :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon