today was a fairytale. ♥ October 2, 2013

30 1 0
                                    

October 2, 2013

Nakakainis. Lagi na lang magkasama si Ashley, Katrina at Dinio. Yeah, Oo. Mag-EX si Ashley at Dinio, Kahit ayaw kong aminin nagseselos ako. Kahapon pa kaya yun,

*Flashybacky*

Kakatapos lang ng Practice namin sa Field Demo, Pagka-akyat ko kasabay ko sila Christine, Katrina, Ashley, Piollo at ang Diniobells ko. Nagtataka ako kasi simula nung pagakyat namin napansin kong wala si Ashley, Katrina at Diniobells. Pati si Bstfrnd Don. Wala rin. Wala tuloy akong makausap, Oo nandito sa tabi ko si Christine pero busy siya kakabasa sa Wattpad eh, sa cellphone ko pa, Wala rin akong magagawa. Hahaha. Mahal ko yan si Christine eh, XD May pumasok sa pinto namin, Si Piollo.

"Rena" Sabi niya,

"Yeyyss?"

"Si Ashley at Dinio magkasama sa Gym ah .." Hala, Napatingin ako kay Christine,

"Aww. Magkasama sila, Mag-EX pa naman." Wow, Diniinan talaga ni Christine yung word na "Mag-EX" at nang-asar pa. 

"Ahh. Hayaan mo sila," Sabi ko, pero parang .. ewan. HAHAHA! Malamang nagseselos ako, Mahal ko eh. [NUXX!]

"Gusto mo sabihin ko umiiyak ka?" Suggest ni Piollo sakin,

Um-Oo naman ako, Ang sama ko rin eh. Kaya bumaba na si Piollo, Sasabihin niya na ata. Hehehe. Naguusap kami ni Christine, Shempre, One-Sided Conversation lang. Tinitignan ko yung binabasa niya pero lumalayo siya, ALAM NA! XD Joke.

Maya-maya pumasok na si Piollo, "Paakyat na sila," Hinihingal pa siya, "Hindi ka tumakbo?" Nung pagkasabi ko nun pumasok na si Ashley at Katrina, Hinihingal. Ang sama ko talaga. XD "Akala ko naman umiiyak ka!" Ahh, Gusto mong umiyak ako? XD "Joke Lang yun, Joke namin ni Piollo" Napangiti ako, Nagseselos kasi ako. U knowww. XD "Pinagod mo kami." Sabi ni Katrina, "Sorry ah. " Tapos nun pumasok na yung lalakeng yun, Diniobells!! Hahaha! 

Nagpaalam na sila, kasi may Teacher na sila, Si Christine nagpaalam na tapos ayaw ibalik yung Cellphone ko. 

Habang nagka-klase kami inaasar ko si Diniobells,[katabi ko siya] "Naks! Magkasama sila ASHLEY kanina." Diniinan ko talagapangalan ni Ashley, Hahaha. Inaasar ko lang naman siya eh. "So, Pinapamigay mo na 'ko?" sagot niya, "Oy. Wala akong sinasabing ganun."  "Oo, hindi mo nga sinasabi pero pinaparamdam mo." Ouch. Ako pa ata nasaktan. Whyy? Tamang-tama nag- dismissed na si Mam. Last Subject narin naman eh.

Habang inaayos ko gamit ko, siya nasa labas na kausap na naman si Ashley. Nakakasakit na ah. Hayy. Makakasama ko naman siya mamaya eh, Wag na magselos Rena.

Paglabas ko umalis na si Ashley, Tsss. Bahala nga.

*End of Flashybacky*

Yan yung nangyari nun, Kaya selos na selos na ako! Kaka-akyat lang namin, Galing College. Nag-formation na kami para sa sayaw namin, tapos may practice nanaman mamaya at General Rehearsal na namin bukas. Hindi nakakapagod diba? Binigyan kami ng konting time para mag pahinga at practice na, yung ibang kaibigan ko sa kabilang section nasa room namin kaya sa kanila ako nakikipagusap. Himala, hindi magkasama si Ashley at Dinio. Ang sama ko talaga. Hahaha. Naiihi ako kaya niyaya ko si Guia mag C.R, 

"Guia, C.R tayo."

"Tara." Sagot niya,

Humarap ako kay Dinio, "C.R lang kami," Tumango na lang siya,

Habang naglalakad kami ni Guia papunta sa Middle Stairs, nakita ko si Chesca, Ethel at Ashley dun at may Hawak na flower. Huh? Nagulat lang ako kasi ang ganda ng Flower, PINK! Fav. Color ko pa, Nung nagsalita ako napatingin sila sakin,

"Wow. Naks! Kanino galing yan?" Sigaw ko sa kanila pero hindi na ako lumapit kasi parang shock na shock sila eh. Hahaha. Matatawa ka sa mukha nila, Biglang binitawan ni Chesca yung Flower na hawak niya. Tapos nagsalita si Chesca,

"Binigay sa kanya ni Aaron!" Napangiti na lang ako, Hahaha! Ancute ni Chesca! :")

"Ahh. Naks! Haba ng hair!" [Nakalimutan kong ilagay, Monthsary namin ngayon. Sa story ah!]

Tapos tumuloy na kaming bumaba ni Guia at nag-C.R, at umakyat ulit kami after. Nkakapagtaka yung mga kaibigan ko ngayon, parang ang weird ng Actions nila. :/ Kakapasok lang namin ni Guia tapos biglang lumapit si Chesca kay Guia, may binulong. Tatanungin ko sana si Guia kung ano yung binulong niya, ayaw ko na lang baka sabihin chismosa ako. Haha!  Maya-maya, tinawag na lahat para sa practice. Hayy.

*Time Lapse*

Kakatapos lang ng Practice kaya pahinga ulit. Yes! Nung pagka-upo ko, niyaya ako ni Laurence sa Canteen, samahan ko daw siyang kumain, Kaya gorabells lang pagdating sa pagkain .. After niyang kumain, Umakyat na ulit kami tapos nakaupo. Yun lang. Maya-maya, pumasok si Ashley sa room. "Tara Baba tayo." Sabi niya, tapos nagpaalam ako kay Laurence, Habang naglalakad kami tanong ako ng tanong kay Ashley kung san kami pupunta. Nung pagkababa namin ng stairs, nandun si Ethel, May hawak na panyo. "Teka Rena, Lagay ko lang to." Sabi niya sabay lagay ng panyo sa mata ko, Lakas ng tibok ng puso ko. Omg. "Bakit kailangan niyan, May papatay ba sakin?" Taray. Tinawanan lang ako. Tapos nag-start na kaming maglakad, parang papunta kami sa Garden ng School. Yup, Doon nga. Kasi may stairs pa eh. Tapos lakad .. lakad .. lakad .. lakad .. pagkatapos nun nag stop kami. Umaygad, Kinakabahan ako, Hindi kinakabahan basta ang lakas ng tibok ng puso ko .. 

Tinanggal ni Ashley yung blindfold, [Alam kong si Ashley kasi ang ingay niya sa likod ko eh. XD] Nung pagtanggal niya, may nakita akong 4 na lalaking nakatalikod. Sila Bstfrnd Don, Gleven, Cyrus at Angeles. Kilala ko sila [Malamang! Kasasabi lang ng pangalan eh. :DD] mga Close Friends ni Diniobells, Tapos bigla silang umikot isa-isa na may papel na hawak ..

Can

you

my

Yan ang nakita ko sa mga papel na hawak nila after nilang umikot, binasa ko narin tapos may kulang .. [Halata eh :DD] Nung pagka-talikod ko .. Nandun siya,

Si John Daniel Dinio, Nakatayo na may hawak na Flowers at yung Illustration board na may nakalagay na "Girlfriend?" kadugtong ng mga may hawak ng papel kanina. [EMEGHED! KINIKILIG AKOO!!] Binigay niya sakin yung flower na hawak niya, Omg. Sobrang pula na siguro ako dito, sino naman hindi kikiligin sa moment na 'to? Omg. Yung sagot ko na lang ang hinihintay niya, Shempre! Hihindi ba ako dito? .. "Yes!" After ko siyang sagutin, Yinakap niya ako. Omg. Kinikilig na ako!! :")) Lahat ng mga lalakeng may hawak ng papel kanina nag-celebrate. Hahaha! Nakakatuwa sila, Umakyat kami ng Diniobells KO na nakangiti :) Still can't get over. Hahaha. Pag-akyat namin, pinagtitinginan kami ng Classmates ko at Friends ko, Nginitian nila ako. Alam na nila, AGAD. Hahaha. Tapos pumasok na kami sa room, at binigay ko yung Monthsary Gift ko sa kanya, Yung Jacket at Cologne. :)

Hanggang sa mag-uwian, naka-ngiti parin ako. Ang cute talaga! :") Hehehe. Sana magtagal kami nito. :)

The End.

Meant to be (Based on a True Story) -- Sequel :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon