Chapter 2

32 22 0
                                    

Crystal's POV

"Collin! When did you arrived? Bat di ko alam?" Nag tatampong sabi ko

"Wag ka nang mag tampo. I have chocolates for you! Actually... Kararating ko lang.. Dito ako agad dumiretso from the airport" sabi niya saakin

Galing kasi siyang US dahil nag aral siya dun ng 3 years...

"Kamusta ka na?" Tanong niya saakin

"I'm good. Si Raven ba, alam na nandito ka na?" Tanong ko

"Nope. Mamaya pa ako uuwi sa bahay" sabi niya

Collin is the opposite of Raven... Oo nga at mag kamukhang magkamukha sila pero salungat ang ugali nila... Collin is the good guy while the love of my life is the Bad ass Hot guy hahaha Syempre bias ako!

"Sama ako pag pinuntahan mo siya ah?" Naka ngiting sabi ko

"Hanggang ngayon pa rin ba Crystal? Siya pa din?" Inis na sabi ni Collin

Hindi kasi siya saang-ayon kay Raven para sakin...

"Bakit naman hindi sya? Eh mahal na mahal ko yung kakambal mo eh! Sagad sa buto!" Sabi ko ng natatawa

Inirapan niya lang ako bago nag lakad papasok ng bahay namin

"Bahala ka nga." Sabi niya tsaka bumuntong hininga

"Basta sama ako later ha? Namimiss ko na siya eh... Galit kasi kahapon kaya di ko nakausap ng matino" sabi ko tsaka umupo sa sofa

Tumabi naman sakin si Collin kaya sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya

"He's always like that. Hiwalayan mo na kasi!" Inis na sabi niya

"No! Nag hirap akong ligawan siya ah! Tsaka eto na nga lang pinanghahawakan ko eh! Even though he cant love me back...I'm still his girlfriend! Whether he likes it or not!" Mahabang lintanya ko

Loving DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon