Chapter 2
Shane
"SHANE!!!"-halaaa makasigaw makasigaw naman itong---"
"waaaaaah MONETTE!!! Bestie! Kamusta ka na? namiss ki-aray ko! bakit ka ba namimitik??" naputol yung sinasabi ko dahil pinitik ako ni panget sa noo
"manahimik nga kayong dalawa parang hindi kayo nagkita kahapon.. pinagtitinginan na kayo ohh"- asar na sabi naman ni panget,
"sorry po"- sabay naming sabi ni bestie nung tinignan namin ang paligid namin at as in lahat sila napatahimik yung iba nga isusubo nalang yung kutsarang may pagkain nahinto pa ee. Nakahang tuloy yung kamay sa ere pfft hehe
"ikaw naman kase bakit ka sumisigaw? Nahawa tuloy ako sayo"- reklamo ko kay Monette
"eh kasi.. wala trip lang. hahah"- tignan mo tong isang ito parang baliw din ee.
Sya si Monette ka edad ko lang din at ka-course namin bestfriend ko rin s'ya. Mas nauna ko s'yang nakilala keysa kay Mike. Sya nalang magkukuwento mamaya sa inyo how we became friend.hihihi
"kakain ba tayo kakain???" halaaa oo nga pala gutom na pala to
"sorry na panget, tara na kain na tayo, bestie sabay kana sa amin" aya ko na sa kanilang dalawa
"syempre alanga namang humiwalay pa ko sa inyo no." lokaret talaga tong babaeng to eeh. Babatukan ko na to.Nandito na kami sa cafeteria.Umupo na kami pagkatapos umorder ng pagkain.
Monette
"oh kamusta bestie nagawa mo ba yung pinagagawa ko sayo?" -tanong ni bestie Shane, yung pang surprise namin kay Mike yung tinutukoy n'ya pinagagawa niya kase ako ng lettering para sa birthday nga ng panget niya. Ito talagang babaeng 'to parang inlove na sa bestfriend niya ee.
Tanungin ko nga mamaya.Allow me to introduce myself first. I am Monette Santiago 19 yrs. old childhood friend ako ni Shane magkapitbahay kaming dalawa, since elementary klasmeyt ko na sya. Lagi kaming nandyan para sa isa't isa. Damayan kami pag yung crush namin nalaman naming nagka girlfriend o kaya may nililigawan. Alam rin namin kung kailan galit ang isa o kaya pag nagtatampo na. friend ko rin si Mike pero mas close sila ni bestie. At may usapan kaming dalawa na STRICTLY NO SECRETS ALLOWED.
"so anung plano mo sa sem break bestie?"- tanong ni Shane sa akin
"baka sa bahay lang...o kaya sa inyo nalang ako tatambay para hindi boring ^.^"- sagot ko sa kanya
"ahh ganun..."
"ikaw Mike saan ka?"-tanong ko kay Mike
"hindi ko pa alam ee. Saka bakit sem break agad pinag-uusapan natin ee mag mimidterms palang naman ahh."-nakakunot noong tanong ni Mike. Sungit talaga nito.
"okay-okay parang nagtatanong lang naman"- nakataas ang kamay na sabi ko. Panira talaga to ng mood ee.
"hi Monette (:" -napatingin ako sa lalaking nagsalita at-
"oh! Anung ginagawa mo dito?"- nakakunot noong tanong ko sa kanya bakit nandito 'tong lalaking to. Ganda ganda ng araw ko sisirain lang isang mokong.
"para sayo" -sabay abot ng chocolate
"anung gagawin ko jan?" masungit na tanong ko
"ahmm tatanggalin mo yung plastik saka mo kakainin" nang-aasar na sagot naman niya
"ahhh ganun nagawa mo pang mamilosopo ha... UMALIS KA NGA SA HARAP KO!!!"- inis na tugon ko sa kanya.
"sorry na! di ko naman alam na magagalit ka sa akin kahapon ee, kaya ito na oh peace offering"- ngiting ngiti naman na sagot ng mokong