I.

13 0 0
                                    

Of all people, why me? Bakit ako ang napili mo? I'm a failure. Lagi nalang kitang nasasaktan, pero bakit hindi mo ako maiwan? Ano bang nagawa ko sayo para mahalin mo ako ng sobra? Hindi ko kaya na lagi nalang kitang nasasaktan. Kahit na ba sabihin mong okay lang, wala kang pake, mahal mo padin ako, o kahit ano pa.

Mahal kita pero ayoko na lagi kang nasasaktan dahil saakin. Hindi mo alam kung gano kasakit na kada may nagagawa ako na isang bagay na hindi ko alam na nasasaktan na pala kita.

Madami ng beses na pumasok sa isip ko, bakit hindi mo pa ako iwan?

Tutal yun ang deserve ko. Talunan ako. Wala akong kwenta.. Hindi ako karapatdapat na mahalin.

You're too good for me. I'm the worst. You don't deserve me. You deserve someone else na better pa saakin. Na mas best. Yun din ang gusto ng nanay mo sayo, hindi ba? I'm not the best for you. Masakit, oo. Pero ayoko naman na mapunta ka sa babaeng akala mo matapang, pero mahina pala.

Mahal kita pero hindi ko kayang masaktan ka ulit. Mahal kita pero hindi ko kayang sumugal kung ganyan ang kalalabasan ng pagiibigan natin.

Mahal kita to the point na kakayanin kong bitawan ka para makuha mo ang totoong great love na para sayo. Na kung ano ang gusto ng nanay mo para sayo. Alam nating dalawa na hindi ako yon.

Nasasaktan ako ng sobra kasi napakacareless ko. Kung pwede lang na hindi na ako magsalita o gumalaw para hindi na kita masaktan pa.

Yes, it demands to be felt. Pain demands to be felt. Because you can't love someone kung hindi ka nasasaktan. Kasi dun nagkakaron ng pundasyon ang pagmamahal mo sa isang tao.. kasi dun nasusukat ang tibay mo para sumugal pa para sa taong mahal mo.

But on the second thought, am I worth fighting for? Am I worthy to be loved? Of course, everyone is worthy.

Pero feeling ko, hindi ako belong sa 'everyone' na yon.

Naabuso ko na ata eh. Sabi mo nga, I'm familiar na. Familiar na ako masyado sayo. Lagi mo nalang ako pinagbibigyan, bat di ka pa nagsasawa?

Ang bait mo na masyado sakin.. Ayoko masanay. Kasi walang kasiguraduhan saating dalawa.

Naalala ko nga pala, hindi nga pala tayo.

Meron nga tayong nararamdaman para sa isa't isa, pero wala naman tayong commitment.

Sinasabi natin sa isa't isa na akin ka at sayo ako, pero wala naman pala tayong label.

Mahal natin ang isa't isa pero wala nga palang 'tayo'.

My ThoughtsWhere stories live. Discover now