Ganun nalang ba kadali mawala ang ating pagmamahalan na akala ko, magtatagal?
Wag ka magalala, ayoko na kasing masaktan pa kita. Mas mabuti na nga sigurong iwan kita.
Tapos na nga ba tayo? O eto na ang bago nating simula? Bagong simula na kung saan wala ng 'tayo'. Wala ng pagmamahal. Tila isa kang estangherong nakapagbighani saaking puso.
Mahal kita at minamahal padin kita. Pero masakit na.
Masyado na tayong pamilyar sa isa't isa..
Salamat sa lahat.. Salamat sa pagmamahal na kahit kelan ay hindi ka nagkulang, sa pagmamahal na ngayon ko lang naramdaman, sa pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko malilimutan, sa pagmamahal na ibabaon ko hanggang sa pagtanda ko.. At sa pagmamahal mo na binuo ako.
Salamat sa kasiyahan na pinadama mo sakin, sa mga aral na natutunan ko habang tayo, sa alaga na nakapagpalambot ng aking puso, at sa sakit na naging dahilan kung bakit tumibay ang pundasyon ng ating pagmamahalan.
Salamat sa mga alaalang hindi ko malilimutan. Mga alaalang nakapagpasaya sakin habang nasa kabataan ako. Pinadama mo ang mga bagay na hindi pa pamilyar sakin. Mga nararamdaman ko na may hihigit pa pala dun.
Alam mo, ang sakit. Ang sakit sakit. Yung pinaghinalaan mo ako na may iba na ako.. eh wala akong ibang gusto kundi ikaw lang.
Ni hindi ko nga maisip na may kinakasama akong iba kundi ikaw lang. Tapos ganyan ang hinala mo sakin?
Nagkakamali din naman ako. Hindi ako perpektong tao para lahat ng mga gagawin ko ay makakapagpasaya sayo. Akala ko maiintindihan mo ako, kasi kilala mo talaga kung sino ako. Kung ano ang naranasan ko.
Pero oo nga pala, sino nga ba ako? Sino nga ba ako para magalit? Wala ka namang ibang ginawa sakin kundi pasayahin ako.
At the end of the day, ikaw padin ang nasa isip ko. Handa padin akong patawarin ka sa oras na humingi ka ng tawad sa mga ginawa mong kasalanan saakin. Handa padin akong tanggapin ka kahit masakit na. Handa padin akong mahalin ka ng parang walang nangyare, kahit hinang hina na ako.
Ganon kita kamahal. Tatanggapin kita kahit ano ka pa, kahit ano pang nagawa mo, kahit sino ka pa, kahit sobrang sakit na.
Sabihin mo lang sakin kung kelan kita bibitawan, para maging handa rin akong palayain ka at tapusin na ang sakit na naidudulot ko sayo.