Ilang daang taon ang nakaraan ng sakupin ng mga kastila ang pilipinas. Isang kilalang pamilya ang tinitingala sa bayan ng San Sebastian. Ang mga Ibañez.
Ang mag asawang Leandro at Kristina ay biniyaan ng dalawang anak sina Luisa at Gregorio.
Ngunit si Luisa ay umibig sa anak ng kanilang katiwala sa Hacienda Ibañez, si Hector.
Hindi tumutol ang mga magulang ni Luisa ng magpakasal sila ni Hector. Tangap nila ito dahil sa pagiging mabait naman ng binata at masipag.
Ngunit, dumating ang isang araw lumabas ang totoong ugali ni Hector. Hangang sa humantong sa kamatayan ng mga Ibañez.
Ngunit bago nalagutan ng hininga si Luisa ay sumumpa ito para sa susunod na henerasyon ng mga Carbonel.
Ang angkan at lahi ni Hector Carbonel ay isinumpa na habang buhay sila ay magtatago sa dilim at maghahasik ng lagim.
Katumbas ng bawat pag kauhaw ng mga ito sa kayamanan ay katumbas nito ay pag kauhaw din sa dugo ng tao.
Ngunit ang sumpa sa kahuli huling angkan ng mga Carbonel ay mawawala lamang kung matatagpuan nya ang tunay na pag-ibig na nasa dugo din ng mga Ibañez.
Matagpuan kaya ang huling lahi ng mga ibañez upang mawala ang sumpa o tuluyan ng lalamunin ng kadiliman ang huling angkan ng mga Carbonel.
BINABASA MO ANG
THE DARK NIGHTS SERIES
VampireSi Rodrigo Rigor Montemayor ay isang anak mayaman ng mga prominenteng tao sa buong pilipinas. Ngunit sa kabila ng panlabas nitong kakisigan at kagwapuhan ay wala pa syang inibig ni isa mang babae. Marami mang nag kakandarapang mga kadalagahan sa kan...