Chapter 2 Ang Pag-ibig Ni Luisa

12 0 0
                                    

LUISA'S POV
Nakilala ko si Hector nang minsang ma isipan namin ni Gregorio na mamasyal sa kagubatan na sakop ng aming hacienda.

Tumakas lang kami nuon. Nang magawi kami sa gitna ng kagubatan ay pakiramdam namin naliligaw kami.

"Ate, naliligaw ata tayo." Ang kapatid ko na nuoy mukang natatakot na.

Nag uusap kami sa salitang tagalog pag nasa labas kami ng mansyon. At ayos lang naman iyon sa aming mga magulang.

" Hindi naman siguro greg, huwag kang mag alala at makikita din natin ang daan pabalik." Pampa lubag loob ko sa kapatid ko para hindi ito matakot.

Nang biglang may narinig kaming tila kaluskos sa di kalayuan. Biglang napahawak ng mahigpit sa aking mga kamay ang aking kapatid at tila nangi nginig pa ito.

Palakas ng palakas ang mga kaluskos at tila papunta sa kinatatayuan namin. Dala narin ng labis na kaba at takot. Nahila ko si greg at tumakbo kami palayo.

Takbo lang kami ng takbo na tila walang patutunguhan. At sa isang idlap bigla nalang akong nadapa at gumulong pababa.

"Diyos ko!" Sigaw ko ng mapa kapit ako sa isang sanga ng puno.

"Ate! Ate!" Si greg dinig na dinig kong sumisigaw at tila umiiyak na ito.

Takot na takot ako ng mga oras na iyon. Dahil sa isang pag kakamali lang ay tuluyan na akong mahuhulog. Nasa bingit ako ng kamatayan.

"Anong nangyari?" Boses ng isang lalaki na tila pamilyar sa akin.

"Si ate Luisa ko nahulog, tulungan po natin sya."

"Mang Isko yung tali dali!" Boses uli nung misteryong lalaki.

"Señora Luisa andyan ka pa ba? Tanong nito sa akin.

"Oo nandito ako, tulungan mo ako!" Sigaw ko.

Nangangalay na ako. Ilang saglit nalang bibitiw na ako. Masakit na ang aking mga kamay at braso.

"Señora kumapit lang po kayo at tutulungan kita."

Naka pikit na ako dahil sa labis na takot. At di nag tagal naramdaman kong may humawak sa akin at unti-unti na akong umaangat.

"Ok lang po ba kayo señora?" Dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata ng maramdaman kong nakalapat na ang aking mga paa sa lupa.

At namangha ako nang makita ko ang kabuuan ng misteryosong lalaki na nag ligtas sa akin.

Kulay moreno ang balat nito pero hindi sunog. Matangos ang ilong na binagayan ng mapungay na mga mata na tila laging naka ngiti. Ang mga labi nito ay may kanipisan at tila ba kulay dugo sa pula.

Ang kanyang katawan ay bakat sa suot nitong kamisa de chino na may mahabang mangas. Masasabi kong batak ito sa mabibigat na trabaho. At kilala ko sya dahil isa sya sa mga tauhan namin sa hacienda. Si Hector.
~*~*~
Duon nag simula ang lihim na relasyon namin ni Hector. Patago kaming nag kikita kasama ang aking bunsong kapatid. Hindi naman ito nag susumbong sa mga magulang namin dahil magaan ang loob nito kay Hector dahil nga sa iniligtas nya ako.

Itinatago ko ito kahit pa nalaman ng mga magulang ko na iniligtas ako nito sa bingit ng kapahamakan. Natatakot kasi akong baka ayawan sya ng aking mama at papa dahil sa isa lamang syang hamak na trabahante ng aming Hacienda.

Madalas kaming mag kita sa batis ng San Sebastian. Na walang nakakaalam.

Pero kahit may pag kakataong solo lang kami sa aming tag puan ay walang nangyayari sa amin. Ni rerespeto nya ako na labis ko namang hina ngaan sa kanya.

"Yo tambien te quiero" sagot ko sa kanya nang sabihin nyang mahal nya ako.

"Ano? Nag salita ka nanaman ng spanish hindi ko maintindihan." Naka ngiti nitong biro sa akin.

THE DARK NIGHTS SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon