Vanilla Twilight | Andrei Caracut

636 14 0
                                    

Arianne

"Malapit na ako sa school, ikaw ba?" Tanong ko kay Elysse na as usual, late nanaman.

"Syempre, paalis na! See you! Bwahahahaha!" Gagang to. Nakuha pang tumawa ng pang-demonyo.

"Bilisan mo! Male-late ka nanaman! Bye!" Ibinaba ko na ang tawag at inilagay ang phone ko sa bag ko.

Tumigil ang jeep sa tapat ng isa pang waiting shed. Ang may pagtigil pa 'to si Kuya eh kahit ata bunso kong kapatid di na kakasya sa space.

"Oh sa  kanan sa kanan!" Sigaw nung barker sa labas. Siraulo! Sa kanan daw eh hindi na nga kami magkasya dito.

Napalingon ako sa may dulo nang jeep at nakitang may pumasok na gwapo. Yes mga mamshie, ang gwapo niya.

Ito namang mga katabi ko, talagang umurong para naman ang matitirang space na mauupuan ay sa tabi ko. Did I say space? Wala na kayang space. Nako, paano na si kuya.

Pero dahil persistent si Kuya, isiniksik niya ang sarili niya sa tabi ko. Kalahati na lang ata ng pwet niya umuupo, ang tangkad niya pa naman.

And as if on cue,

"Sumakay ako sa jeepney, mayrong nakatabi, di makapaniwala.."

Punyetang radyo yan! Nakakakilig huhuhuhu. Hindi naman nagtagal ay nandito na kami sa stopover sa tapat ng school.

Nagpa-thank you ako kay Papa God dahil yung gwapo, bumaba din. Halos sabay kaming naglakad at di ko maiwasang mapatitig sa kanya.

Okay aaminin ko na, nakatitig talaga ako sa kanya.

At isang unexpected na bagay ang nangyari.

Ang tanga ko, bumangga ako sa poste.

~

Nagising ako sa isang hindi ko naman kilalang kwarto.

"Miss, okay ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong yun yung gwapo sa jeep kanina.

Bakit siya nandito?

"Shet? Namatay ako dahil sa pagkabangga ko sa poste?" Malakas kong sabi.

Tumawa naman siya, "You're funny. Haha, nawalan ka kasi ng malay nung bumangga ka sa poste, dinala na lang kita dito sa clinic. Bakit ka ba kasi bumangga dun?"

Malamang nakatitig sayo.

"Hindi ko din alam eh. Hindi yata ako nakapagbreakfast kanina, pero thanks ah." Sagot ko sa kanya. Medyo kumakalma na ako at nate-take in ko na ang kagwapuhan niya.

"Ingat ka sa susunod ah. I'm Joshua Andrei, by the way. You can call me Joshua or Andrei." Inilahad niya ang kanang kamay niya at inabot ko naman yun.

"I'm Jann Arianne, thanks Josh." Sabi ko at ngumiti naman siya.

Nag-ring naman ang bell. Ibigsabihin magsisimula na ang first period.

"Kaya mo na ba? Tara, ihahatid na din kita sa room mo." Pag-aalok niya.

Eh marupok ako, ayun pumayag ako. Naglalakad na kami papuntang room ko nang bigla naman akong matapilok pero slight lang naman.

RequestsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon