ILYSB | Aljun Melecio

777 28 25
                                    

Song: ILYSB - Lany

AENN

"Hindi nga kasi yun ganun!" Pinalo ko nanaman ang braso ni Aljun. Paano kasi, napakakulit.

"Sabi mo umamin siya na crush ka niya, so diba dapat kinikilig ka? Yieee, kinikilig siya." Tinusok niya pa ang tagiliran ko.

Malapit ko na siya hambalusin, swear. Kinwento ko lang naman na umamin yung kaklase ko sa'kin na gusto niya ako.

"Porket umamin dapat kikiligin ako? Kanina mo pa ako pinagtutulakan ah! Ayaw mo na ba akong kasama?!" I bravely asked my bestfriend.

"Hindi naman! Pero syempre, may nagkakagusto sa'yo, i-a-appreciate mo yun!" Pangangatwiran na naman niya.

"Ewan ko sa'yo, Aljun. Kung ayaw mo na 'ko kasama, sama na lang ako sa kanya." Tumayo ako sa upuan at naglakad papunta kay Kyle na kakaamin lang sa'kin na gusto niya ako.

Agad ko namang naramdaman na may bumuhat sa akin at dinala ako sa labas ng cafeteria.

"Punyetaaaa! Bakit ka nambubuhat?" Tanong ko kay Aljun.

"Masyadong tampuhin 'tong bestfriend ko, nang-aasar lang eh. Tara libre kita ng siomai." Sabi niya at inakbayan ako. Sino ako para tumanggi sa libre?

Matagal na kaming mag-jowa este mag-bestfriend ni Aljun Jay. Palagi kasi kaming magkasunod pag alphabetical order kaya naging close kami.

Tuwing nagkukwento ako sa kanya ng umaamin sa'kin, palagi niya akong pinagtutulakan dun. Kaya nga nakakatampo na madalas.


Matapos ang isang linggo, wala na ulit paramdam si Kyle sa'kin. Okay lang, wapakels. Ang mas may pake ako ay yung bestfriend kong tatlong araw nang no show dahil busy sa training nila.

Text Convo:

Aenn, buhay ka pa?

Oo naman. Ikaw lang naman di nagpaparamdam, duh.

Dinner tayo mamaya! Libre ko kasi miss mo na ako, yieeee😚

Ulul ka. Lemme guess? Di mo masagutan homework mo sa Math?

Grabe siya! Hindi ah! Miss lang kita bestfriend. See you later!! 6 30 pm

O siya. Lokohin mo lelang mo. Sunduin mo'ko mamaya. Ingat!

I smiled while looking at my cellphone. Kung jowa ko lang sana 'to, may karapatan ako kiligin. Kaso ang bestfriend ay bestfriend lang. Malay ko ba sinong gusto nito, basta ako alam kong siya ang gusto ko. Huhu, I cri. Paano ako magugustuhan ng isang Aljun Jay Melecio na ultimo foodtrip nights namin e may nagpapapicture sa kanya?

"Aenn! Nag-text si Aljun, aalis daw kayo mamaya?" Biglang pasok ni Mama sa kwarto ko.

"Nag-aya, Ma. Pwede ba ako sumama?" Oh diba. Mas nauna pa nyang nalaman kesa magpaalam ako.

"Oo naman. Baka naman sabihin mo inilalayo kita sa crush mo."

"Huy Mama? Hindi ko crush yun ah!"

RequestsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon