CHAPTER 3: He's back

23 4 0
                                    

Isang linggo... Isang linggo na rin ang nakalipas matapos yung errr- alam n'yo na 'yun. As much as possible ayoko ng alalahanin pa.

Nandito ako ngayon sa gym ng school namin. Ang tagal kasi ni Jamaila at Joseph e. Actually, wala talaga kaming pasok ngayon. 25th Anniversary lang kasi ng school namin hahahahaha so eto

Tuwing anniversary ng school namin. Maraming booth ang nagaganap. Every Strand from diff. Tracks, naghahanda ng mga iba't-ibang pakulo para pagandahin yung booth na naka asign sa kanila. STEM student ako at ang naka asign sa amin ay Dedication Booth.

(Author's note: DEDICATION BOOTH : lahat ng students na interesado sa booth na 'to ay magbabayad ng 5 pesos then binibigyan sila ng small paper tapos isusulat nila dun yung song na irerequest nila at message for a person. Wala lang hahahaha)

7-8 pm pa ako naka asign sa booth na yun so I still have a lot of hours to enjoy everything.

Bago ko makalimutan, tuwing anniv. Ng school pinapayagan nilang pumasok ang mga outsiders from diff. School. Bawal nga lang magpasok ng bag (any size of bag) at kailangan iwan ang i.d. 'wag kayong ano! Nagkalat ang mga security men dito.

"RRROOOZZZEEELLLLEEEE!!!!!!!!!!"

Ohhhh no... alam n'yo na siguro kung sino 'tong paparating?

May biglang tumakip sa mga mata ko

"Hoy Jamaila Billones! Anong kaabnormalan nanaman 'yan"

"Sorry Bes hahahaha. Nga pala pasensya kung ngayon lang kami. Si Joseph kasi e." Sabay irap sa boyfriend n'ya

"Babe.. sorry na..." Niyakap ni Joseph si Billones!!!!! Awit... -_- yoohooo I'm here!!!

"EHEM...EHEM..." natauhan 'yung dalawa kaya medyo lumayo sila sa isa't-isa

Okay...Nakakaramdam ako na mamaya mag-isa nalang akong mag eenjoy hahahaha. Ayos lang as long as masaya si Jamaila :-D saka para matahimik buhay ko sa kaingayan n'ya

Nagstart na yung program. Ayun boring hahaha (para sakin) yung dalawa kong katabi landian to the max aba! 'Di marunong makiramdam :'(

"Psst!!!"

"PSSSST!!!"

Hindi ako lumilingon baka mapahiya ako e hahahaha baka iba pala yung tinatawag

"Pppssstt!!!!"
Ohh my lumalakas boses n'ya

"Jamaila...huuyy mamaya na 'yang boyfriend mo! Narinig mo ba yung sumisitsit?" Medyo pabulong kong tanong

"Wala 'yun! 'Wag ka nga"
Luh? Okay isnabera ang lola n'yo

"Psstt! Ms.Amber"

0_0 whatttt????? Amber? Teka. Ako 'yun diba? Ako ba? Lilingon ba ako?

Okay..isa..dalawa..tatlo

Dahan dahan akong lumingon

At nasulyapan ng mukha ko ang mukha ng isang lalaki na matagal ko ng inaantay...Nagbalik s'ya

"ANONG GINAGAWA MO DITO!"

Napasigaw ako. Oh myyy

Masaya akong tinupad n'ya ang pangako n'yang babalik s'ya at hahanapin n'ya ako. Pero naiinis ako kasi after ng ilang taon dadating s'ya ng walang pasabi? How nice!

Yung mga malalapit samin na nakikinig sa closing remarks ng Student Council ayun napatingin

*Kriiinggg* *Kriiiinnggg*

(Insert A thousand years song)

UNKNOWN CALLING
0936*******

Sinagot ko yung tawag

Your HighnessWhere stories live. Discover now