CHAPTER ONE

15 0 0
                                    

****

"GET LOST! I DON'T NEED YOU HERE!" umiling-iling na lang ako dito sa pwesto ko. Nagamamadali akong lumabas ng kwarto ko habang dahan-dahan naman pumwesto sa may hagdanan kung saan makikitang nag-aaway 'yung ate ko at ang boyfriend niyang si kuya James.

"Ano bang problema mo Ai?" pilit na pinapakalma ni Kuya James si Ate Aira.

"Can't you get it? I don't need you. Doon ka na sa babae mo." muntikan na akong makagawa ng ingay dahil sa pagkabigla sa narinig ko mula kay ate. Habang si kuya James ay nag-uumpisa ng mainis.

"What? Saan mo naman narinig 'yan? And you even believe that?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Kuya James. Napasabunot na lang siya sa buhok niya.

"Alam ko na ang totoo. H'wag ka nang magsinungaling pa. Sabihin mo nga kilala ko ba? Ha? Kilala ko ba 'yung babaeng lumalandi sa'yo?" isa-isang naglalabasan 'yung mga luha sa mata ni Ate Ai. Alam ko namang nasasaktan na siya. "Umuwi ka na lang muna sa inyo. Baka may mangyari pang hindi maganda. Baka makapagdesisyon ako ng hindi tama. Please. Umuwi ka na." tinalikuran na niya si Kuya James at dire-diretso siyang naglakad papunta sa hagdan kaya naman dahan dahan na may kasamang pagmamadali na bumalik ako sa kwarto ko.

Sumilip ako sa may bintana kaya nakita ko si Kuya James na sumakay sa dala niyang sasakyan at pinaharurot niya ito ng mabilis.

Maya-maya may tatlong katok na narinig ko sa pinto. Sumunod na narinig ko ay ang basag na boses ni Ate Ai. "Anying? Pwede ba akong pumasok?"

Nagmadali akong pumunta sa may pinto, pag bukas ko ay bumungad sa akin ang namamagang mata ni ate Ai at malungkot niyang mukha. "Ate Ai? Anong nangyari? Pasok ka." tanong ko kahit alam ko na ang kasagutan. Binuksan ko pa ng mas malaki 'yung pinto para makapasok siya.

Dumeretso siya sa may kama ko. Pagkasara ko ng pinto ay sumunod din ako kay ate sa kama. Pagkaupo na pagkaupo ko sa kama ay bigla na lang niya ako niyakap at humagulgol. "Anying. Nag-away nanaman kami ni James."  lalo pang mas tumindi ang pag-iyak niya. Hindi rin naman tumagal ang pagyakap niya at humiwalay siya sa akin.

"Sorry Anying. Hindi mo dapat 'to nakikita e." saka niya pinunasan ang mga nag-aalpasang luha.

"Okay lang ate. Kaya nga tayo magkapatid. Diba? Tayong dalawa lang naman ang magdadamayan." hinimas-himas ko ang buhok niya at pinunasan ang basa niyang pisnge.

"Kaya nga laking pasasalamat ko at ikaw ang kapatid ko." bumalik siya sa pagyakap sa akin at sa pag-iyak.

"Magiging ayos din ang lahat, ate. Andito pa naman ako. Mahal na mahal kita, ate." I tried my best para maramdaman niya na hindi siya nag-iisa para kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

"Pang-apat na namin 'tong away, Anying. Sa dalawang taon naming mag-on, pang-apat na namin 'tong away." paliwanag niya habang hindi parin tumitigal sa pagluha.

I let her lean on me everytime na may away sila ni Kuya James. At totoo 'yun. Hindi ko alam kung paano nangyari pero sa dalawang taon nila, apat na beses pa lang sila nag-away. At ang laging rason ay may babae siya. Recently lang may pumutok na usapan na may babae si Kuya James. Sinilip ko si ate na nakatulog na sa kama ko. Pinunasan ko ang ilang luhang dumadausdos sa kanyang magandang mukha. How I wish na ako ngayon ang nasa kalagayan ni Ate Ai. She's quite a famous. Maraming nanliligaw sa kanya bago pa maging sila ni Kuya James, sa ngayon may nagbabalak na mang-agaw sa kanya mula kay Kuya James pero siyempre hindi hahayaan ni ate na maagaw siya. Mahal niya si Kuya James, ang hindi ko lang alam ay kung hanggang saan. Will she still choose kuya James over me?

Lumaki kami na kami lang magkasama, hindi lang magkapatid ang turing namin sa isa't isa, we're also bestfriend, she also acts as a mother, lahat na ata ng pwedeng itawag sa amin na tawag na namin, ofcourse except sa enemies.

Kung pwede ko lang mapawi ang sakit na nadarama ngayon ni ate nagawa ko na sana. But I'm not like her, kung siya siguro ako kaya niya, pero hindi ako siya. I always depend on her, siya lagi takbuhan ko kapag may problema.

1 NEW MESSAGE
JAMES
Nasa bahay ako.

Pagkabasa ko ng text, binura ko na kaagad. Mahimbing na ang tulog ni ate sa kama ko kaya nagpasya na akong lumabas na ng bahay at agarang nagpara ng taxi. Pagkasakay ko binigay ko na rin ang address nila James.

Pagkarating namin ay naabutan ko si James sa labas ng bahay nila na may hinihintay.

"Sa rooftop na lang tayo." tumango na lang ako saka siya sinundan na ngayon ay naglalakad na paakyat. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila. Kahit na ilang beses na ako nakapunta sa kanila hindi parin matanggal ang pagkamangha ko sa laki ng bahay nila.

"Kamusta na si Aira?" pambungad na tanong niya sa akin pagkarating namin sa may rooftop nila. Imbis na sagutin ang katanungan niya, naghanap na muna ako ng pwedeng upuan. Sabay kaming pumunta doon sa may mini sala nila. Umupo ako sa mahaba sofa at kasunod ko siyang umupo.

"Kamusta si Aira?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

"Si Anne ako at hindi si Aira. If you want to know how she is, look with yourself." iritado kong sagot. Naiinis ako sa ideyang ako ang dahilan ng pag-aaway nila. Naiinis ako sa dahil kahit saang anggulo tingnan ako ang third party.

Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap niya mula sa likod ko. Mabilis na inalis ko ang pagkakayapos niya sa akin. Kahit na ayaw kong tanggalin ginawa ko dahil kailangan, baka may makakita pa sa amin. "Baka mahuli tayo, James."

Pero imbis na pakawalan niya ako ay lalo niya pang hinigpitan ang yakap. "Walang ibang tao dito sa bahay maliban sa atin at sa mga maids. Mom and dad are on their offices while Clarence is on his school. Kaya h'wag ka na kabahan." naramdaman ko pang dinampian niya ng halik ang mga buhok ko. This  feeling I'm feelin' right now is beyond wonderful. How I wish he is all mine.

"How's school?" tanong niya at hindi parin tinatanggal ang pagkakayakap sa akin.

"Good I guess." wala kong ganang sagot habang pinaglalaruan ang mga daliri niya sa kamay.

"Okay ka lang ba? You look so bothered." naramdaman kong inamoy-amoy niya 'yung buhok.

"Bakit? Bakit kayo nag-away ni ate?" tanong ko kahit na alam ko naman sa sarili ko ang sagot. Kahit na alam kong ako naman talaga ang dahilan. I glimps of guilt cover me.

"Akala ko ba ayaw mo siya pag-usapan?" buong pag-aalala niyang tanong sa akin.

"I'm just worried. Ate ko parin naman siya. Nasasaktan lang kasi akong makitang nasasaktan siya, kahit na alam kong ako ang dahilan kung bakit niya nararamdaman 'yun." pilit kong pinipigilan ang sarili kong h'wag umiyak, pero may nakatakas na luha kaya tuloy tuloy na nag-alpasan sila.

Naramdaman ko na lang na bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. Pinuwesto niya ako kung saan magkakakitaan kami. Pero hindi ko parin tinanggal ang pagkakayuko ko at pinupunasan ang mga luhang umaagos.

Hinawakan niya ako sa baba at inagat ang tingin ko.

"It's not your fault okay. At hinding hindi ko hahayaang sisihin mo ang sarili mo kung nagkakaproblema kami ni Aira. I love you." buong sinseridad niya na pagpapaalala sa akin.

Wala akong ibang nagawa kundi tumango. Pinunasan niya din ang basang basa kong mukha dahil sa luha ko. At pagtapos ay hinalikan niya ako sa noo.

"I love you, Anne."

"I love you too, James." gaya ng madalas niyang gawin sa akin, niyakap niya ako na para bang pinoprotektahan niya ako sa pwedeng makasakit sa akin. Kahit alam naming siya mismo ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Sumsob na lang ako sa kaniyang dibdib. Rinig na rinig at ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya, sana lang talaga at para sa akin lang 'yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PERFECT LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon