BABAENG NAKAPUTI

1.2K 17 2
                                    


handa ka naba  sa pagbisita nila ?  at sa mga bisitang hahabol pa ...



NOVEMBER 03,2016


katatapos lang ng undas . back to normal na ulit .
buo na naman kami sa bahay ng mga kasama ko pagtapos nilang mag uwian sa mga mahal nila sa buhay dahil sa araw ng mga patay .. kami ng kapatid ko? dto lang sa bahay . may pasok pa sya kaya ako lang naiiwan magisa sa bahay .. wala naman akong napansing kakaiba .. wala namang nakakatakot na nangyare sakin maliban nalang sa aso naming si zoey na bigla bigla nalang tatakbo sa loob ng kwarto na parang may nakikipaglaro sa kanya sa sala na tinatakbuhan nya .. weird pero binalewala ko nalang ..

ngayong araw na to . wala ko sa mood . kumaen , makipag usap , mag ingay . nag cecellphone lang ako , facebook, youtube lang ok nako saka makipag laro sa aso ko .. buti nalang may wifi kami sa bahay . di masyadong boring ..

bandang alas dose ng tanghali na nung nagsikainan sila ako ? hindi ako sumabay .wala ko sa mood kumaen .wala kong gana .

mga bandang ala una kumaen na din ako dahil wala lang wala nakong magawa ii iwas bored lang para lang may magawa ako mag isa ko sa sala habang lahat sila nasa kani kanilang kwarto na ..

pagtapos ko kumaen naglaba nako .nilinis ko ung laundry area namin .. wala lang gusto ko lang magpagod .napakatahimik ng buong bahay .. di pa naman sila tulog kaya lang busy sa cellphone may wifi kase  ..

bandang alas kwatro na ng hapon nung nagpapahinga ko sa sala katatapos ko lang din maligo non at nakacharge ung cellphone ko ng biglang..

"angel ?"  sabi ni kuya heyms habang nasa loob ng kwarto .

"oh?"  sagot ko naman habang nakatingin pa din sa cellphone ko .

"angel , angel asan ka?"  sabi nito

nagtataka ko kung bakit pero di pa rin ako tumayo para lapitan sya ..

"nasa sala ko bakit?"  sabi ko  .

"nasan ka??"  tanung ulit nito ..

at dahil naiinis nako dahil ayaw pa nyang sabihin kung ano man ung sasabihin nya napilitan akong tumayo .. nakita kong bukas ung pintuan ng laundry kaya sinarado ko mhna bago ko tuluyang pumunta sa kwarto ..

"sabi ko nasa sala ko bakit?"   sabi ko sa kanya .

"halaaaaa shitt"   sabi nito . bakas ang takot sa mukha nito at nag uumpisaa na din syang mamutla .

nawirduhan naman ako sa unaasal nya kaya napatiingin ako sa katabi nyang si ate ayeen na nuoy nakaearphone at parang di naririnig kung ano man pinaguusapan namin ..

"bakit? napapano kaba?"  sabi ko sa kanya bago ko tuluyang pumasok sa kwarto ..


napatingin naman samin si ate ayeen pagkapasok ko saka nagtanggal ng earphone para pakinggan ung pinaguusapan namin ni kuya heyms .

"kase nakita ko may lumabas ng kwarto pumasok ng laundry akala ko ikaw kaya tinatawag kita, galing dito sa gilid ng aparador ko"  sabi nito ng walang halong pagbibiro .

"hindi ako un nasa sala ko ii'kita mo naman dun ako galing diba"  sabi ko sa kanya ..

"ano yun kambal?"  sabi ni ate ayeen kay kuya heyms bff sila kaya kambal ang tawagan ..

"May nakita kong babae na lumabas ng kwarto ii kala ko nga sya(sabay turo sakin)  tapos pumasok sa laundry "  paliwanag nito .


"ano itsura?"  tanong ko ..

"di ko nga napansin di ko alam kase nakuta ko lang sa gilid ng mata ko ii"  sabi naman nito ..

"babae ? nakaputi? lumabas ng kwarto?pumasok ng laundry"  sbi ni ate ayeen .

" oo oo nakita mo din? " pagsang ayon naman ni kuya heyms ..


" oo nakita ko . kanina pa andyan un .lumabas na pala"  kampanteng sagot ni ate ayeen samin na parang walang takot sa mukha nya ..

(si ate ayeen siya ung kasama namin sa bahay na nakakakita ng mga multo. bukas ung third eye nya at nasa lahi nila)

"hala ka ayeennnn ! seryoso ?? shittt nakita ko nakita kooooo grrr my goooddd"  sabi naman ni kuya heyms ..


"ikaw naman ngayon kapa natakot ee nakalabas na nga para kang sira ee"  sabi ni ate ayeen
.

"ee malay ko bang andito un sa loob god nakita koooo ayst"  sabi ni kuya heyms ..

"ohh tutal nakita mo na din naman .. naalala mo kanina may iniilawan ako jan sa gilid ng cp ko diba ?" sabi ni ate ayeen ..

"halaaaaa ka ayeennnnnnnn!!!"  sabi naman ni kuya heyms at nag umpisa na siyang mag alburuto sa higaan nya na ung pwesto nya ay parang bata na nakapamaluktot magkasya lang sa pinakasulok ng kwarto kung saan malayo sa pintuan ..

"wag ka matakot pag natakot ka mas tatakutin ka sira"  sabi naman ni ate sa kanya  ..

"di nako makakatulog nito ayst "  sambit naman ni kuyaheyms .

"baliw. para kang tanga ii hahaha"  sabi ko naman kay kuya heyms ..


lumabas nako ng kwarto non at nag cellphone na ulit ng biglang mag aya si ate ayeen na kumaen ng fishball sa labas . at dahil mag aalas singko na ng hapon ay medyo madilim na sa loob ng bahay ..

"buksan nyo ung ilaw aa"  sabi ni kuya heyms bago kami tuluyang lumabas ...

SINO SIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon