Ang Babaeng Nakapangkasal II

1.1K 18 6
                                    


Habang tinatype ko to .. kinakabahan talaga ko ..

december 09, 2016

Nasa ospital ako ng araw na yon .. may sakit yung kapatid ko . Pero bago pa siya pumayag na magconfine , ilang araw na siyang nagstay sa bahay . Sabi nila , lapitin ng multo  ang mga taong may sakit ..

Malapit lang naman ang ospital sa bahay namin wala pang trenta minuto ang byahe para makauwe kaya nag uuwian nalang ako para makaligi makapaglinid ng bahay kahit papano .. ng araw na yun maaga akong umuwe sa bahay dahil sa aso namin na si zoey . inaalala ng kuya ko na baka napano na yun dahil ilang araw ng walang kasama sa bahay .. nasa labas palang ako ng bahay naririnig kona si zoey na tumatahol tahol .

arf! Arf ! Arf! 

Di ko alam kung naramdaman niya ba agad na darating ako kaya siya tunatahol o MAY IBA PA SIYANG TINATAHULAN SA LOOB NG BAHAY NAMIN ..

ng nakalapit ako sa pintuan tumigil siya sa pagtahol . Naisip ko na baka naramdaman niyang bubuksan ko na yung pintuan kaya hinayaan ko nalang ..

baby zoey! Baby zoey .. 

Tawag ko sa kanya habang binubuksan ko yung doorknob . Namali pa kase ko ng kuha ng susi kaya medyo natagalan ng mabuksan ko ang pinto tumambad sakin si zoey . Nagkakakawag ang buntot na parang excited na excited sa pagdating ko .. ilang araw na din naman siyang walang kasama sa bahay kaya di ko rin siya masisisi ...

Ng mailapag kona lahat ng dala ko agad akong naglinis , bumili ng mga kailangan sa lulutuin ko , sa mga inutos ni kuyang bilhin at dalhin naayos kona .. ilang oras  din akong naglinis .. habang nagpapahinga ako napagpasyahan kong mag init ng tubig dahil gusto kong magkape .. nung sinasalin kona yung kape ko biglang tumahol si zoey ..

Arf ! Arf ! Arf ! ...

Arf ! Arf!

Agad naman akong napatingin sa kanya sa pag aakalang ako yung tinatahulan niya . Pero nagkamali ako .

Nakatingin siya sa sala habang patuloy na tumatahol .. nakakapag taka kung sino at ano ang tinatahulan nya sa sala samantalang ako at sya lang naman ang magkasama sa bahay ..

"Sino na naman bang kaaway mo jan zoey ? Ha?" 

Sabi ko ..

Tumahimik naman siya pagkasabi ko non kaya akala ko trip nya lang talagang tumahol sa kawalan kaya di ko nalang pinansin .

habang patuloy kong pinapakulo ang mainit na tubig naisipan kong pumunta sa kwarto namin na nakalock para ihanda na yung gagamitin ko sa pagligo ..nakasalpak don ung susi para di na kami mahirapan sa paghahanap ng susi ng kwarto namin .. pagkalapit na pagkalapit ko sa pintuan ..

"Arf! Arf ! Arf ! ..
   Arf ! Arf ! Arf! ..

Di ko pinansin ang mga tahol ni zoey . pinihit ko ang doorknob pero ayaw mabuksan .. pinihit ko ng pinihit pero ayaw pa din . . Si zoey naman ay patuloy sa pag tahol .. walang tigil . Napakaingay ... ng mairita ko dahil di ko talaga mabuksan ay minabuti ko nalang na isalin na yung tubig na mainit sa tasa ko saka magkape ..  agad din namang tumahimik si zoey pagkaalis ko sa tapat ng pinto ..

Ng matapos ako magkape ay sinubukan ko ulit na buksan ang pintuan pero ayaw pa din . Ilang subok pa pero wala talaga ayaw pa ding mabuksan .. si zoey ay tahol pa din ng tahol dahil  sa pagttry kong mabuksan .. napakaingay nya pa din pero di ko sya iniintindi dahil mas gusto kong mabuksan yung pintuan ng kwarto ...

"Heyyy ! Buksan mo yung pintuan ano ba ! Papasok ako kukunin ko ung twalya at mga damit ko ! Plsss papasukin mo nako buksan ko yung pinto!"  Sabi ko habang patuloy akong nag ttry na mabuksan ung pintuan . Walang tao sa loob ng kwarto namin ......


SINO SIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon