Story # 1: Free Data: Online Game

10 1 1
                                    

Free Data: Online Game

Hello, Joemalin Rose! @brainlessgenius17

Note: Sinulat ko sa notebook ang mga reactions ko sa book mo habang binababasa ko siya at no'ng una ko siyang nakita.

Una, 'yung title ng book. Catchy naman siya, maku-curious ka kung ano bang laman ng book na 'yon. Lalo na sa mga free data users. Wala naman kasi games sa free data 'no. Dahil sa nakaka-curious na title, mayro'n ng 80% chance na i-open ng mambabasa ang iyong libro. Kaya dapat maganda ang simula!*

Pangalawa, 'yung description na nakalagay sa book mo.* Trip ko lang gumawa ng story, pake niyo? Honestly, na-disappoint ako sa part na 'to. It also sounds so arrogant to me.

Pangatlo, the prologue then may introduction pa. Iisa lang naman na simula ang ibig sabihin no'n. Mas okay kung 'yung nakalagay sa introduction ang ipinangbubungad mo sa readers. Although medyo marami ring errors sa introduction part, mas okay siya dahil formal. Kulang-kulang nga lang ang words at may konting grammatical error(hindi ako grammar nazi, so yeah.) pero okay na siya. I suggest na basahin mo ulit ang sinulat mo, ikaw mismo ang makakapansin ng mga iyon.

Pang-apat, ang first chapter. The first few lines were okay.* Natapos kong basahin ng first chapter nang hindi man lang napawi ang uhaw ko. I mean, kulang.

First chapter should at least introduce the characters' life-changing event. Kung saan mag-uumpisa ang journey niya as the main character of the story.

Pang-lima, ang paggamit mo ng emoticon at sound effects. [-.- *CREEEEK*] Iwasan mo 'to. I-describe mo ang nangyayari imbes ng gumamit ng mga gano'n.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Clark ng kaniyang bisekleta. Halos sabay na ang aming takbo kaya naman mas binilisan ko pa. Mauunahan ko na sana siya nang may marinig akong tunog na masakit sa tainga. Parang tunog ng gulong ng sasakyan na kumikiskis sa kalsada. Ngunit bago ko pa malingon ang pinanggagalingan ng tunog na iyon ay nakaramdam na ako ng matinding sakit sa aking tagiliran.

Sa sobrang sakit ay wala na akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata hanggang sa mawalan na ako ng ulirat.

Mas okay, 'di ba?

That's all. Hanggang first chapter lang ang binasa ko dahil hanggang do'n lang ang kinaya ko.

REMINDERS:
*Make a blurb that will catch the readers' attention.
*Always use appropriate punctuation marks. Especially on dialogues, inside the quotation, use periods, question marks, etc.
*SHOW, don't just TELL. Don't use sound effects and emoticons.
*Make every chapter meaningful. Make sure that it has connection with the plot and not just fillers.
*Make the chapters longer as much as possible. Ideal chapter length is 2,000 words.

Goodluck!

-H

Please like our page; Wattpad 101

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wattpad 101: Book ReviewsWhere stories live. Discover now