Andrea's POV
"Sigurado ka ba na ikaw yung sasama sa Aurora?Si sister Antonette.
"Oo saka ngayon lang ako maipapadala sa ibang lugar baka mas ok na yun."Ngumiti lang ako sa kanya.
Sa loob kasi ng mahigit isang taon naging aspirant ako dito sa may kumbento.Pagkatapos nun ay binigyan ako ng outside aspirancy para makapag isip kung bukal ba sa loob ko ang pagmamadre.Pagkatapos nun muli akong pinapasok dito para
sumailalim sa ilang obserbasyon.Hindi madali ang pagiging madre kailangan pa ng mahabang proseso .Kaya laking tuwa ko noong isang buwan ay ginanap ang clothing sakin.Katunayan na isa na akong ganap na novice."Sister Andy may humahanap sayo."Napalingon ako sa isang madreng lumapit sakin.Habang kausap ko si Sister Antonette.
"Sino daw po sister?"Pagtataka kong tanong.
"Yung lalakeng humila sayo sa simbahan."Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.Ano ba tong nararamdaman ko.Hindi tama ito.
Maglalakad na sana ko palayo ng pigilan ako ni sister Cora sya yung kasama namin ni sister Antonette nun sa simbahan.
"Sana lang hindi nya mapagbago ang isip mo."Mahina nyang sabi sakin.Alam ko.ang ibig nyang sabihin.Dahil nasabi ko sa kanya kung sino si Chad sa buhay ko noon.
Nang makalabas ako ng kumbento.Nakita ko syang nakasandal sa may pader.Sunod sunod ang kabang naramdaman ko ng makita ko sya.Pero pilit kong itinago.
"Ano yung ginagawa mo dito?Hindi pwedeng basta basta ka nalang pupunta dito."Mahina kong sabi sa kanya.
"May gustong kumausap sayo."Hinawakan nya yung kamay ko.
Sa di kalayuan may natanaw akong nag iisang nakaparadang kotse.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ng sandaling yun.Pakiramdam ko binusan ako ng malamig na tubig kasabay ng kumukulong langis.Tikom ang palad ko pinipilit kong huwag isampal sa kanya.
"Andrea ."Tawag sakin ni Perrie na maluha luha ang mata habang lumalabas ng kotse."Patawarin mo ko."Lumuhod sya sa harapan ko.Nakatingin lang ako sa kanya at pinilit kong pigilan ang luha kong gusto ng pumatak kanina pa mula ng makita ko sya."Patawarin mo ko."Umiiyak sya at hinawakan ang kamay ko.Pero inalis ko agad.
Nangingig ang katawan ko.Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit ng nakaraan ko.Ang pandidiri ang poot at galit.
"Sinabi nya lahat ng nangyare."Maikli sabi lang ni Chad.Alam kong pinahirapan nya muna si Perrie bago nya iharap sakin.Dahil sa mga sugat nito sa mukha.
"Handa kong gawin lahat kahit makulong ako pagbabayaran ko lahat."Umiiyak parin sya.
Hindi ko na kaya yung makita sya yung pagmumukha nya.Kaya tumalikod ako at tumakbo.
"Andrea."Habol sakin ni Chad.
"Chad please itigil mo na to.Huwag mo ng ipaalala sakin kung man yun."Napaluha nalang ako.
"Kahit kailan hindi mo yun kayang takasan!Kaya nandito ko para itama ang lahat!"
"Tama na."Tuloy ang pag agos ng luha ko.
"Pangako poprotektahan kita at hindi na ko makakapayag na masaktan ka pa ulit."Ang sarap pakinggan ng mga sinabi nya.Pero wala rin yun magagawa dahil nakatali na ko sa simbahan.
"Sana ito na yung huling pag kikita natin."
"Hindi mo kailangang mag madre Andrea para kalimutan ang nakaraan mo!"Umiiyak parin ako.
"Wala kang alam sa sakit na naranasan ko noon."
"Pero nandito na ko ngayon..Sabay nating haharapin yun."
"Umalis kana."Alam kong tama ang ginagawa kong pagtataboy sa kanya.
"Mahal na mahal kita Andrea."Inakap nya ko ng sobrang higpit.Ayokong madala sa bawat salita nya ayokong bumigay ang puso ko dahil hindi na maari.Inalis ko yung pagkayakap nya sakin.
"Chad huwag mo ng guluhin yung isip ko.Isa na kong ganap na madre ngayon kaya pakiusap huwag ka ng magpapakita."
Saka ako tumakbo palayo sa kanya.
Kailangan kong tuparin ang misyon ko ilang taon din ako dito at hindi na magbabago ang isip ko.At isa pa ilang araw nalang aalis na ko dito para gampanan ang tungkulin ko bilang madre sa ibang bayan.
(Ibahin ko yung year na hinanap nya si Andrea sensya na halos 3 years pala bago maging isang novice heheh kaya ginawa kong 3 years)
BINABASA MO ANG
The Badboy's First Love (COMPLETED) TBBC#2
Romance-THE BAD BOY COLLECTION 2 - (A Story About Love and Betrayal) Nagbago ang buhay ni Chad mula ng makilala niya si Andrea.Pero isang araw naglaho nalang si Andrea. "Hindi na tayo pwedeng magsama kahit kailan." Isang text na hanggang ngayon ay paulit...