Chapter 34

19.1K 263 9
                                    

Chad's POV

"Pero alam mo ba hindi nya ko pinakinggan!Pinagpatuloy nyang bugbugin si Chuck!Wala akong nagawa ng gabing yun!Hanggang isugod namin sya sa ospital!Pero ikaw nasaan ka ha!Ikaw sana ang namatay hindi ang kapatid ko!"Galit na galit nyang sabi sakin.

"Huwag mong isisi sakin ang nangyare Cris!Dahil walang may gustong mangyare yun!"

"Pero ikaw ang kaaway nya at hindi si Chuck!Kung sinagot mo lang nung gabing yun buhay pa sana yung kapatid ko!"Talagang ako yung sinisi nya sa pagkawala ni Chuck.

"Cris magkaibigan tayo at kahit kailan hindi ko ginustong mawala sya o sino man sa inyo!"

"Mula ng mawala si Chuck kinalimutan ko na rin kayo sa buhay ko!Lalo ikaw!"Dinurot nya yung kamay nya sakin.

Saglit syang natahik at tumawa."Pero ngayon patas na tayo hindi ba?"Naupo sya sa lamesa at inilagay nya yung kamay sa ibabaw nito na parang hinihimas yung mesa."Dito..Dito sa mesang 'to dito ko sya pinagsawaan."Saka sya tumawa ng malakas.Nakatitig lang ako sa kanya.Kapag nakawala ako dito sisiguraduhin kong pagbabayaran mo yung ginawa mo!

"Hayop ka!Ang dapat sayo mabulok sa kulungan!"Nagpupumiglas parin akong makawala sa lubid na nakatali sa kamay ko.Napapaluha nalang ako sa galit!Ang tagal kong nagdusa ng dahil sayo Cris!

"Dapat nga pinatay ko na rin sya non eh.Pero naisip ko kung mabubuhay sya mas maganda."Lumakad sya palapit sakin."Para habang buhay mong dala dala yung sakit dyan sa puso mo!"Idiniin nya yung daliri nya sa tapat ng puso ko.

Konti nalang .Isip isip ko ng maramdaman kong lumuluwag na yung lubid na nakatali sakin.Hindi ko pinahahalata sa kanya ang pagkilos ko.Tinititigan ko lang sya sa mga mata nya para hindi nya ko mahalata.

"Wala kang kunsenya pati si Andrea dinamay mo!"Sigaw ko sa kanya.

"Sa totoo lang type ko rin si Andrea non kaso naunahan mo ko eh oh diba mabait parin akong kaibigan."Lumakad lakad sya habang pina iikot ikot yung baril sa daliri nya."Kaso lang naunahan kita sa ibang bagay."

"Baliw kana Cris!"Lumapit sya sakin.

Eto na yung hinihintay kong pagkakataon.Itinutok nya yung mukha nya sakin.Mabilis ko syang inuntog gamit ang ulo ko.Saka ko sya sinuntok sa mukha.Kaya sya natumba sa sahig.Hinawakan ko yung t'shirt nyang suot para itayo sya.Pero mabilis nya kong nasuntok.

"Nice try Chad."Itinutok nya sakin yung baril.Saka nya hinampas sa ulo ko.Dahilan kaya nanlabo yung paningin ko.Wala akong ganong makita.Kinurap kurap ko yung mata ko.

"Tayo!"Sigaw nya sakin.

Hinawakan ko yung tuhod ko para tuluyan akong makatayo.Pero sinipa nya ko kaya napabuwal ulit ako.Napasubsob ako sa semento.

Kailangan kong lumaban para kay Andrea!Yun lang ang tanging nasa isip ko.

"Paalam kaibigan."Tangi kong narinig sa kanya.Alam kong ipuputok na nya yung hawak nyang baril sakin kaya ipinikit ko yung mata ko.

Dalawang sunod na putok ng baril..

Dama ko ang tama ng bala sa katawan ko.Pero pinilit kong tumayo.

"Chad."Tawag ng isang lalake sakin.

"Perrie paano mong nalamang nandito kami."Halos bulong nalang ang kaya ng boses kong sabihin.

"Nung isang araw pa kita sinusundan papunta na rin yung mga pulis dito."Halatang tumakbo sya dahil sa paghingal nya.

Nang ibaling ko yung paningin ko nakita ko si Cris na nakabulagta.

"Cris."Tawag ko sa kanya.Nakita kong nakadilat yung mga mata nya.

"Kailangan ng matapos 'to Chad."Si Perrie na tinulungan akong makatayo.

Nilapitan namin si Cris.Mukhang hindi na humihinga.Sa puso ang tama.Napayuko ako at may kalungkutang naramdaman.Sa dami naming pinagsamahang masasayang alaala dito pala matatapos yun sa ganitong paraan.Sa kabila ng ginawa nya kahit papaano naging isang kaibigan sya sakin.

"Kailangan mo ng umalis Chad habang wala pa yung mga pulis."Hinawakan nya ko sa balikat."Umalis kana."Ulit nya sakin.

"Paano ka?"Hawak ko ang tagiliran kong may tama ng bala.

"Ako na yung bahala dito."Ngumiti sya sakin."Sige na umalis kana."

Kahit may tama ako ng baril ay pinilit kong mag drive ng motor.Ilang minuto lang ang ospital dito sabi ko sa sarili ko.Kahit nanginginig na yung katawan ko sa ginaw o sa balang nasa katawan ko ay nagpatuloy parin ako.Nakaramdam ako ng hilo at panlalabo ng mata.Aabot pa kaya ako makikita pa kaya kita Andrea??

The Badboy's First Love  (COMPLETED) TBBC#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon