Maaga akong pumasok kinabukasan. Sa school ko na naisipang pag-aralan ang topics para sa exam namin ngayon. Nakakatamad. Ang daming mga cases na dapat kabisaduhin.
Mukhang good mood ata 'tong Prof. namin ngayon dahil on time pumasok. Ngayon niya pa talaga naisipang pumasok ng maaga. Tsk.
Nagpalinga-linga ako. Wala pa siya. Ano ba yan, di niya man lang naisipang pumasok ng maaga dahil may exam.
"Okay, keep away your notes."
Narinig kong sabi ng Prof. namin. Nako naman. Asan na ba yun?
I raised my hand.
"Sir, ano po ba yung pinaka coverage nang exam? Hehe"
Yeah. Sounds pathetic? Psh. I'm not stupid, I just want to delay the exam for a little bit. Para makahabol siya.
"From our first topic hanggang sa last discussion Ms. Saragosa. Why? Di ka ba nag-aral?"
"Hala Sir. Ganun pala kahaba? Sir, kahit 5 minutes pa po. Di ka pa kami ready."
Nag second demotion naman agad ang mga kaklase ko. Well, totoo naman talaga yung part na di pa kami ready. Lalo na ako. Jeske. Sa sobrang kilig ko wala ng pumasok sa utak ko kanina.
Maya-maya pa ay bigla siyang pumasok. Tagaktak pa yung pawis sa kanyang noo. Hmm. Siguro ay naabisuhan siya ng kanyang mga kaibigan kaya tumakbo siya papuntang classroom.
Right on time, dahil pinush na talaga ng Prof. namin ang exam. Naningil mo na siya tig lilima. Fuck. It means 5 pages yung test? May balak ba siyang ipasulat sa amin lahat ng tinuro niya? Patay na.
Pagkabigay ng test paper ay iniscan ko kaagad at sinagutan ang mga alam ko. Tae. Hindi man lang umabot sa 50% ng total questions ang nasagutan ko. Partida, di pa ako sigurado sa iba.
I chuckled. Wala e, natatawa na lang ako sa sarili ko. Yung mga isinantabi kong topic ay yun pa ang mga lumabas. How unlucky am I? Haay. Bahala na.
Naririnig ko na ang bulungan ng mga kaklase ko. I'm so sure magkokopyahan na naman 'tong mga to. Hindi naman sa nagmamalinis pero hindi talaga ako nangongopya. Wala sa bokabularyo ko.
Napatingin ako sa kanya. And to my surprise ay nakatingin din pala siya sa part namin.
"May sagot ka na sa Part III?"
Mahinang bulong niya.Agad naman akong umiling at nagpakawala ng maliliit na tawa.
Pero bigla niyang hinarap sa akin ang test paper niya na maraming sagot. I know na wala sa bokabularyo ko ang kopya, but the hell! Sa kanya galing e. Ibang usapan yun.Pagkatapos kong makopya ang sagot niya ay agad naman akong lumingon kay Iza na nasa likod ko at tinanong kung gusto niya ng sagot. Umiling lang siya. Kinakabahan daw siya. Hindi na lang ako nag pumilit.
Dahil hindi ko talaga masagutan ang iba ay nagpasya na akong ipasa ang test paper ko. Bago ko kunin ang bag ko ay dumaan muna ako sa gilid niya at nagpasalamat.
"Uyy. Salamat a, wala talaga akong isasagot dun. Haha"
"Wala yun. Binigyan mo rin ba sila?"
"Oo. Okay lang naman sayo diba?"
"Of course! Haha. Sige, una na ako. Ingat."
"Sige sige. Ingat ka ha, ay kayo pala. Ha ha"
Mabuti at nagpasa na rin ng test paper ang mga kaibigan ko. Sabay sabay na kaming naglakad pauwi. Pero habang naglalakad ay di pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko.
Hmm.
I never knew that cheating can be this sweet.