After ng Exam/Hell Week ay napagpasiyahan naming magkakaibigan na mag outing. Well, specifically Swimming. Lima lang kami pero hindi naman yun dahilan para hindi maging sobrang saya ang araw na iyon.
Habang nagpapahinga ay binuksan ko aking facebook account para magpost ng picture. Yeah. ATM. At the moment pictures. Haha.
Medyo malakas ang data kasi hindi na kami nalalayo sa Tagaytay. Nasa mataas na parte kami.
Biglang may nag pm sa akin. When I saw the name of the sender, the excitement and the butterflies are slowly rising.
'Hey Ney :)'
'Hello! :)'
'Hmm. Nagsswimming kayo today?I saw your pictures :)'
Shit. Bakit kaya niya natanong?
'Oo. Haha. Nag a unwind lang after ng Exam Week.'
'Ahh, so kasama mo lahat ng kaibigan mo?'
'Oo. Kasama ko sila Iza. Hehe'
'Ah. That's great! Hmm. Btw, maganda yung place, kaya I'm asking these kind questions. Sorry for the disturbance. Sige. Thank you and enjoy the rest of your day :)'
'Ah, ganun ba? Hehe. Sige :))'
Ano naman daw connect nung mga tinanong niya sa ganda ng place? At tinanong niya pa talaga kung kasama ko ba ang mga kaibigan ko huh? Damn. I think someone's worried.
Umuwi akong sobrang laki ng ngiti sa mga labi. I really enjoyed this day. Really.