Harot Nation

482 24 1
                                    

THOMAS

Nandito na kami ngayon ng nga teammates ko sa dorm namin at walang nag sasalita kahit isa. Grabe sobrang na-frustrate ako sa sarili ko dahil feeling ko hindi ko nabigay ang best ko at pakiramadam ko ako ang dahilan ng pagkatalo namin kanina against Ateneo. Ewan ko feeling ko sobrang walang kwenta kong athlete, teammate, senior at higit sa lahat pinaka walang kwentang co-captain.

Umakyat nalang muna ako sa kwarto para mapag-isa at makapag isip-isip kung bakit ganun lang yung nabigay ko, gusto kong umiyak sumigaw pero parang walang nalabas na luha sa mata ko at boses sa bibig ko gustong-gusto ko na ibuhos lahat ng saloobin ko.

Kinausap kami ni coach kanina sa dug out at sobrang halata sa mukha niya na na-disappoint siya sa pinakita namin syempre alam kong ma fefeel niya yun dahil hindi naman ayun ang tinuro niya sa amin pero sinabi niya din sa amin okay na din daw to para mas ma-motivate kami sa susunod na laban namin. Yes bababa ang morale namin when we face the defending champs dahil galing kami sa pagkatalo but mas titindi naman ang eagerness namin na manalo.

Napag-desisyunan ko na lumabas muna at mag shot kahit ilang beer lang para naman mabawasan ang sama ng loob ko.

***

Nandito ako ngayon sa isang park at naka-upo sa swing bumili lang ako ng mga ilang can ng red horse.

"Alam mo hindi makakatulong ang pag-inom" Sabi ng babae kaya napalingon ako dahil pamilyar ang boses niya

"A-ara ikaw pala! Congrats nga pala dahil nanalo kayo kanina" Sabi ko sa kanya ng medyo masigla para naman hindi na siya mag-alala

"Alam mo hindi ka talaga pwede maging artista" Sabi ni Ara at na-confuse naman ako doon

"Ha???" Sagot ko dahil di ko alam ang pinopoint niya tinawanan niya lang ako at kinurot na pisngi

"C'mon Thomas don't act like you are happy I've been there done that. Natalo na din kami a couple of times kaya alam ko ang nararamdaman mo" Sabi ni Ara at umupo sa katabi na swing

"H-hindi ko alam.... Ewan ko sobrang nafu-frustrate ako sa sarili ko at sobrang naiinis ako dahil kung kailan patapos na ang elims doon pa kami na short" Panimula ko at nakikinig lang si Ara

"Yung goal namin ay ma-sweep ang season pero sa isang iglap lang nawala ang lahat lahay ng paghihirap namin" Dagdag ko and I can't help na may tumulong luha sa mata

"Sabi ni coach bumawi nalang daw kami sa susunod naming game pero wala eh if nanalo kami ngayon edi may pag-asa pa kami na dumiretso sa finals" Sabi ko pa and now I'm crying so hard

"Alam mo you did great toda—" Sabi ni Ara at umupo na kami sa grass at magkatapat kami ngayon

"Nope alam kong sinasabi mo lang yan para gumaan ang loob ko" Pag putol ko sa sinasabi ni Ara at kinurot niya ako ulit sa cheeks at kiniss niya yung cheeks ko na kinurot niya

"Makinig ka kasi muna!!" Sabi ni Ara and I chuckled

"You all did great today nag kataon lang na mas gusto ng Ateneo na manalo today. Yes gusto niyo din manalo but MAS gusto nila remember undefeated kayo nun and you are a team to beat sa tingin niyo ba hahayaan lang nila kayo na makuha ang gusto niyo ng di kayo pinapahirapan? Of course not! Nagkataon lang din na hindi kayo agad nakapag-adjust dahil na-shock kayo sa mga nangyari dahil most of the time eh kayo ang lumalamang ng malaki sa kalaban diba??" Ara told me and I nodded

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SaudadeWhere stories live. Discover now