These are purely based on my perspective.xD
Gusto ko lang rin i-share to sa inyo. Baka sakaling makatulong ako. Hehe.
Sa mga may problema jan sa lovelife, feel free to make chika with me here. Comment lang.
Isama niyo na rin pangalan at address niyan para mapasabog natin ang bahay hahahaha! Joke lang. Peace out!Here are the things I've done to move on. :3
1. Wag mong kalimutan ang LAHAT NG GINAWA NIYA sayo, good or bad man yan. Para sakin importanteng alam mo pa rin yung mga ganyang bagay dahil yun ang magpapaalala sayo kung bakit ka nagmomove on ngayon. Parteh! \m/
2. Wag masyadong magdrama. Puta. Tapos na eh, nangyari na, move on na. Tama nang umiyak ka ng isang bonggang beses (o dalawa). Papangit ka lang kung aaraw-arawin mo ang pag-iyak. Smile ka na lang. Di ikaw yung nawalan. SIYA ANG NAWALAN. Proven na itu. ;)
3. Kung may feelings ka pa rin para sa kanya tulad ng love (pwe), keribells lang, normal lang yan. Mawawala rin yan nang kusa. Di naman agad-agad ang pagmomove on eeh. IT REALLY TAKES FUCKING TIME. Hello sa mga mabilis magmove on haha! Minahal niyo ba?xD
4. Wag magkimkim ng kung ano-ano. Kung may gusto kang sabihin sa kanya o gawin sa kanya. GO NA. NOW NA. Importante ang CLOSURE sa break-up. Kahit pa trip lang yan relasyon niyo. Mahirap yung may gusto kang sabihin pero pinili mong manahimik. Alam niyo yan.
5. Ikwento mo sa iba (mas okay kung sa mga bestfriends niyo, hagulgol all you want WITHOUT SHAME). Why? Ewan. Mas madali lang magmove on pag may napapagkwentohan ka. Pero syempre, wag yung masyadong madamdamin na pagkwento, lalo na yung paulit-ulit. Halimbawa: "Uy pre, namimiss ko siya. Tangina ang tanga ko nanaman." o "Pre, alam mo ba nung kami pa, madalas kaming mag-(insert your chuva here). Minsan nanghihinayang ako pero bullshit yun eh. Niloko ako. Ay puta."
6. I-wish mo lang rin na yang pagkukwentuhan mo ay malasakit sayo/mahal ka. Dapat yung ganito....
Reason of break-up: THIRD PARTIES (puta. andami.)
You: Pre, pano yun? Parang sincere naman siya...
Friend: Edi balikan mo. Magpakagaga ka ulit. Punyeta. Ilang beses ka nang niloko niyan diba? Ano?! Sige lang! Choice mo yan eh!
You: Malay mo pre, okay na ngayon. Baka nagbago na talaga siya.
Friend: Dude, seriously? Shet. Lakas ng tama mo. Basta sinabi ko na lahat ng kailangan mong marinig. Ipapaalala ko lang ha. INIWAN KA NIYA DAHIL PINAYAGAN MO SIYA NA LIGAWAN NIYA ANG BESTFRIEND NIYA. NUNG DI SIYA NAGUSTUHAN NG BESTFRIEND NIYA, BINALIKAN KA NIYA. Isa pa lang yan. Ako naman tong tanga rin na di nagsasawang pagalitan ka sa katangahan mo. Mahal ka namin pre. Di mo ba gets yun?! Kulang na lang patayin namin yang hayup na yan eh! YOU DON'T DESERVE THAT SHIT. Labyu.
You: Thanks pre. Labyu too. :')
Don't take your friends for granted. Never ever. Di ko sinasabing mas importante ang friends kesa sa boyfriend. They're both important, but in different circumstances. :)
7. Wag masyadong MAGPAKATANGA. Di mo ikinaganda yan. Nakakaturn off rin yan sa mga taong nakapaligid sayo kahit ano pang ganda mo.
8. GOD LOVES YOU. Naniniwala ako rito. Kaya wag nating sayangin ang mga buhay natin sa iisang taong hindi tayo mahal. HE made us to experience life and happiness. BE GRATEFUL. Please lang.
9. WAG SISIHIN SI GOD. Kayo lang naman ang may gustong magtiyaga sa taong di ka gusto eh tapos itatanong niyo kay GOD kung bakit ganyan yung nangyayari sa inyo? PAKYU po sa mga ganyang tao.
10. Patayin ang nanakit sayo. (JOKE LANG)
11. Look for activities that will make you busy. BE VERY BUSY. I-occupy niyo lahat ng bakanteng oras niyo haha! Mas madaling magmove on pag busy eh kesa naman yung nakatengga lang tapos ang ending eh umiyak ka lang buong araw diba?
12. Ipakita niyo sa kanila ang sinayang nila (hindi para balikan kayo ah). Tinae niyo na nga, ibabalik niyo pa. Anyways, ayun nga. Ayusin mo lang ang buhay mo. Mag-aral ka ng mabuti, makipagbonding with your family and relatives, gumala with friends, at maghanap ng crush. Effective po ang KPOP hahahaha! Daming pogi. Manuod ka lang ng videos nila, naubos mo na ang oras mo buong araw. ;)
13. After breaking up with proper closure, WAG MUNA MAKIKIPAG-USAP SA KANYA. Di kayo friends niyan eeh. Mag-EX kayo. Pano ka magmomove on kung kakausapin mo pa diba? Maglaan ka muna ng ORAS PARA SA SARILI MO. Masamang damo naman yan eh. Matagal pa yan mamamatay. Pwede lang kayong mag-usap ulit kung pareho na kayong nakamove on nang tuluyan.
14. Take it easy. Wag mong isipin na makakaapekto yung pagbebreak niyo sa daily routine mo. Maaaring parte na nga siya nun pero ehem... BREAK NA KAYO. MOVE ON NA TEH. Sayang ang buhay kung sasayangin diba? Plus, YOU DESERVE BETTER. :)
15. WAG MAG-INOM! WAG MANIGARILYO! WAG MAGDRUGS! Juice colored naman. Di na yan kailangan. Hang over at kapahamakan lang ang dala nyan. Makakasama pa sa katawan niyo.
So.. yan palang ang mga naiisip ko.xD
Applicable naman din to sa boys pero dahil babae ako, pambabae yung perspective na nabigay ko. :)Lastly, have faith. Kaya niyo yan. :D
Ako nga.. Kinaya ko eeh. :')