Chapter 5- What the...?!

232 10 4
                                    

Chapter 5 - What the...?!




Napapailing na tinalikuran ko sya. Adik ampotek! Para syang bata. Akala yata nya nakikipagbiruan ako sa kanya. Sumakay na ako sa kotse ko at umalis na sa building ko.

Muli na namang bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Kokay. Bakit kaya nasabi ni Kokay sa akin iyon? Alam naman nya na ayaw ko sa salitang iyon pero nasabi nya pa rin. Hindi naman kaya napasobra na ako kaya nya nasabi iyon?

Pero kahit na! Hindi nya pa rin dapat sinabi iyon. Napabuntong hininga na lang ako sa naisip. Inapakan ko ang break ng kotse dahil nag stop light na pero ang isip ko ay lumilipad sa malayo. Hanggang sa mapakunot ang noo ko sa nakita ko sa gitna ng highway. Inilapit ko pang maigi ang paningin ko para makasiguradong tama ang aking nakikita.

Lecheng lalaking ito! Ano ang ginagawa nya doon?

Sa gitna ng highway habang nakastop light ay magaslaw na sumasayaw si Feb. Para syang tanga at tila ba alam na alam nya ang kinalalagyan ko. Binuksan ko ang bintana ng kotse upang makita sya lalo ngunit mas lalo akong nagulantang nang malamang may tugtog din pala ang gago. Trumpets. Leche! Sino ba kasi ang nagpauso nun eh.

Argh! I really hate drugs!

Tinignan nya ako sabay kinindatan. Wala na talaga akong nagawa dahil bumulanghit na ako ng tawa. Buset na lalaking 'to. Hindi ko malaman kung anong nilalang ito e. Bigla na lang sumusulpot kung saan at ang nakapagtataka pa ay napakabilis nyang nakarating sa kinalalagyan ko.

Paano nya kaya nagawa iyon? Imposible namang nag-teleport sya eh wala namang nakakagawa noon.

Napatigil ako sa pagtawa nung mag stop ang tugtog at lumapit sya sa'kin. Dumungaw sya sa bintana. Nakangiti ng malaki at halos kita na lahat ng ngipin.

"Ano ayos ba? " he asked while wiggling his brows.

Pinunasan ko ang luha ko dulot ng galak saka sya tinignan. I sighed deeply and nodded. Maya maya ay lumakad sya papunta sa passenger's seat at sumakay. Nakatingin lang ako sakanya habang naguguluhan. Ano bang ginagawa nya? Bakit sya sumakay?

"What are you doing? Bakit ka sumakay sa kotse ko? " Tanong ko. He just smiled at inginuso na ang daan. "Naka-green light na... Let's go!" sabi nya.

At tama nga sya. Nagitla pa ako nang bumusina ang sasakyan sa likuran. Hinayaan ko na lang sya at nagsimula na magmaneho.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makalayo muna kay Francis dahil talagang nasaktan ako sa sinabi nya. Mababaw na kung mababaw pero yun talaga ako.

Almost half an hour kaming bumyahe at sa huli ay naisipan ko na lang na umuwi sa bahay ng pamilya ko. Ang bahay namin na inabandona nila Mommy at Daddy. Lumipat lang ako noon sa tinitiran namin ni Francis ngayon dahil habang nagtatagal ako sa bahay ito ay unti unti ko ding nararamdaman ang kalungkutan. Namimiss ko sila Mom at Dad.

Bumusina ako ng tatlong beses nung nasa tapat na kami ng gate then after a minute ay bumukas ito. May kalakihan ang bahay namin na 'to at pwede mo na ngang matawag na mansion. Bago ka kasi makarating sa mismong bahay ay maglalakad ka pa ng ilang metro. May fountain sa harap ng bahay at sa gilid naman ay malaking garage na kasya ang limang sasakyan. Sa likod naman ng bahay namin ay ang maliit na garden ni Mommy and then ilang hakbang lang ay pool area na.

Bumaba ako matapos kong iparada ang sasakyan ko. Sinalubong naman ako ng mga maid.

"Good morning Young lady." bati nila sa'kin.

Ganyan nila ako batiin at hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi Master ang tawag nila kay Dad noon? I dunno. I just smile. Nilingon ko si Feb na kabababa lang. Binati din sya nung maid then we headed to my parents house. Napangisi lang ako noong makita ko ang pagkamangha sa mukha ng baliw na lalaking ito.

"Wow! Ang ganda at ang laki pala ng bahay nyo." He said, amazement was visible on his face. I just chuckled.

"Yeah, my parent's sanctuary." I said. Napatango na lang sya habang lumilinga-linga.

Pabagsak akong umupo sa couch at pumikit. Nakakamiss din pa lang umuwi dito. Siguro mas dadalasan ko pa ang uwi ko. Maya maya pa ay napadilat ako dahil sa na rinig kong boses na nanggaling sa likod ko.

"Did you missed me, my little sister?"

Napabalikwas ako at dali daling lumingon sa likod. Doon nga sa grand staircase ay pababa ang isang gwapong nilalang. Pamilyar sya sa akin at para bang isang daang taon kaming hindi nagkita. Napatayo ako habang nakakunot ang noo'ng nakatingin sakanya.

"Kuya?!"




********





"Stop looking at me like I am your favorite stranger." He said. I blinked twice and smiled at him.

"Naninibago lang ako. Kailan ka pa dito?" I asked him.

Tinignan nya ako at nginitian tapos ay bumaling sya sa garden kung saan nandoon si Miyuki at Feb na naglalaro. Miyuki is my brother's 4 years old daughter. Nagulat pa nga ako kanina noong biglang sumulpot ang cute na cute na batang 'yon. Mukha syang haponesa at siguro ay dahil iyon sa haponesa nyang ina. Napatingin ako kay Kuya noong magsalita sya.


"Almost a month na ako dito at hinihintay ko talaga ang pag-uwi mo. You know, I just want you to know that I'm still existing and I have here my angel."


"But you didn't call me or even do a way to meet me up."

"Just because I want you to figure it out on your own."

Nginitian ko sya.

"I really missed you, Kuya."


Kuya just chuckled. Maya maya pa'y tumatakbong pumasok si Miyuki sa loob at niyakap ang amang tuwang tuwa sakanyang presensya. Umakyat si Miyuki sa mga binti ni Kuya at umupo sa kandungan nito. Mas lalo akong napangiti.


"I'm very happy for you, kuya. Sana magkaroon na din ako ng Miyuki." nasabi ko nalang bigla ang mga salitang 'yon pero ngiti lang ang ibinigay nya sakin.

Bigla namang nawala ang ngiti ko when someone cleared a throat. Binalingan ko sya at nakita kong nakatayo si Feb sa likod kung saan ako naka-upo.


"What's wrong with you?" tanong ko sakanya.  Lumapit sya sakin at tumayo sa tabi ko habang bigla na lang umakbay at hinimas pa ang balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya.

"I can give you one if you want." walang abog nyang sabi.

Bigla namang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Gago talaga ang lalaking 'to. Kung anu ano ang sinasabi. Nakakahiya kay Kuya. Pinanlakihan ko sya ng mata pero parang walang sakanya iyon. Ang gago, umupo pa sa tabi ko.

"I forgot to ask you... Is he your boyfriend?" Kuya asked me politely.

Para naman akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa tanong nya. Ano ba naman kasi! Pati sya sumasakay sa katarantaduhan nang lalaking baliw na 'to.

Naramdaman ko namang hinihimas ni Feb ang likod ko at hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ng kuryente noong dumikit ang palad nya sa likod ko. Napatitig ako saknya.

Shit!

Why am I feeling this? I wasn't supposed to feel this. But what the heck!

The Model's Secret (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon