CHAPTER 4- TRUMPETS!(part 1)Kinabukasan
Halos hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi at pati si Bakla hindi din ako pinatahimik. Heto nga't nagsumiksik sa kama ko kakahintay sa kwento ko. As if I'm going to tell him. Utot nya. Hindi ko hahayaang pagtawanan nya ako sa katangahan ko no.
Sinubukan kong kumilos pero ang hirap talaga lalo pa at nakadagan sakin ang mga pata ng baklang ito. Nakakaloka naman kasi e. Pagnagising kasi ang Bakla ay siguradong bubuligligin na naman ako ng tanong. Napabuntong hininga na lang ako.
Ano bang gagawin ko dito? Napatingin ako sa bedside table ko nang magring ang phone ko. Napairap pa ako bago ko ito kunin. Tinignan ko ang screen pero unknown number ang nakaflash doon. Ayoko man pero sinagot ko pa rin.
"Elle speaking..." Walang gana kong bati.
"Good morning." Bati ng kung sino man ang kausap ko. Napakunot ang noo ko.
Sino naman ang buwisit na 'to? Ang aga aga kung makatawag parang close kami.
"Who's this?" Tanong ko. Narinig ko pa ang pagngisi nya sa kabilang linya kaya medyo nainis ako.
"Guess who?"
Eh gago pala ito e. Tatawag tapos papahulaan pa sakin kung sino syang bullshit sya. Aba't ang dami nga namang sira ulo sa mundo.
"Sino ba to,ha? Ang aga aga nambubuwisit kang punyemas ka!?" Hindi ko napigilang bulyawan ang hinayupak na lalaki pero nang muli itong sumagot ay napabalikwas pa ako ng bangon. Nagising tuloy si Kokay.
"So punyemas pala ako? By the way, this is Febian Cyrus Del Castillo and I'm here inside your Fashion house waiting for you at gusto ko sanang malaman kung pupunta ka pa ba dito? Para naman hindi ako masyadong maghintay." Sabi nya.
"WHAT?!" nagugulat kong tanong.
"Ah huh?!" Sabi nya.
Agad ko syang binabaan ng telepono at nagmamadaling pumunta ng bathroom. Nagtatanong pa si Kokay kung anong nangyari pero wala na akong oras para kausapin pa sya. Kailangan kong magmadali. Bakit ba naman kasi biglaan? Parang kagabi lang sinabi nya na sabihin ko pag ready na ako tapos ngayon nandoon na sya sa Fashion House? Adik ba sya?.
Matapos ang halos limang minutong ligo ay hindi ko na naisipan pang maglagay ng kolorete sa mukha. Makakain pa nyon ang oras ko. Hindi ko na rin naisipang magsuklay ng buhok at basta ko na lang itong tinali.
"Bakla nakita mo ba yung heels ko?" Tanong ko. Nawala kasi bigla sa shoe rock ang favorite kong heels.
"Hindi Bakla, tsaka bakit ka ba nagmamadali? Ano bang meron?" Tanong nya.
Sinilip ko ang ilalim ng kama ko at doon ko nakita ang hinahanap ko. Bakit ba kasi nandito ito?
"Yung Mr. Yummy mo nasa Fashion House." Sagot ko. Agad kong sinuot ang sapatos ko tapos ay hinablot na lang ang bag ko sa study table.
Nagmamadaling tinungo ko ang garage upang kuhain ang kotse ko at nang makasakay ay ilang beses pa akong bumusina para buksan ng maid ang gate. Pinaharurot ko ito papunta sa Fashion House at muntik pa ako makasagi ng bata. Kinabahan tuloy ako. Buti na lang at mabait ang nanay nung bata kundi lagot na. Nang malapit na ako sa Edsa ay sinilip ko muna ito mabuti. Ayon at ipit na naman ang mga motorista sa traffic. Nag-shortcut na lang ako para hindi ako matulad sa kanila.
After fifteen minutes ay narating ko na ang Fashion House. Ni-park ko lang kung saan ang kotse ko at dali dali na akong lumabas. Buset na lalaking iyon kasi e. Pabigla bigla, nakakainis.
BINABASA MO ANG
The Model's Secret (On Going)
Ficción General"Teka sandali!" hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak na sa underwear ko para pigilan sya. Kunot noo nya akong tinignan. "Bakit na naman?!" Asar na tanong nya. Napairap pa sya at napapalatak pa. "Eeehh...Hindi pa ako ready." Nahihiya kong pahayag...