DREAM HIGH ---------- 1♥

165 4 2
                                    

Princess POV

"bespren!!! oy. babae tumayo ka na nga dyan! " Hay. ayan nanaman ang napakulit kong Bespren.

"uhmmm. ano ba? kita munang natutulong yung tao e!" sabay kuha ko ng unan at tinakpan ang anking mukha, sabado ngayon kaya bumabawi ako ng tulog. ewan kuba dito sa bespren ko bakit ang aga-aga e nang gigising.

"bespren! tayo kana kasi dyan e. di ba may pangako ka sa akin na tutulungan mo akong mamali ng pang regalo para sa debut ni ate Yna?, kaya tumayo ka dyan! pag hindi kapa tumayo lagot ka saakin" hay. ang kulit nya talaga e. anu bang gusto nyang mangyari? e ang aga-aga pa. atat masyado. oung pala, may pupuntahan kaming debut mamaya. debut ni ate yna barkada namin yan ayun. pero kahit na ganyan ang dahilan nya hindi parin uubra sa akin yan.

"PATRICIA MENDOZA!!! ano ba? ang aga-aga pa ah? nmbubulabog kana? " na iinis n talaga ako!!

"HOY PRINCESS GONZALES  anung maaga ka dyan?! ELEVEN NA PO!" eleven?! wait nga, tong babaeng 'to pinag loloko ako. matignan nga ang orasan ng cellphone ko. pagkuha ko ng cellphone. 11 na nga! 

"hala! bat hindi mo naman sinabi kaagad? " napatayo ako kaagad ng nakita ko ung oras.

"FYI kanina pa kita ginigising ikaw kase itong tulog mantika e! tumayo ka na nga nyan, maligo kna!!!"

"oo na" pumasok na ako sa banyo. well, kapag ako naliligo inaabot ako ng isang oras kya ito ang ikina iinis sakin ni Patricia.

magpapakilala nga muna pala ako sa inyo, Ako nga pala si PRINCESS GONZALES. isang 1st year college. simple lang ako. tapos ung girl na knina pa ako ginugulo is ang aking bespren si PATRICIA  MENDOZA. mabait yan kaya nga naging bespren ko e. madalas na dito yan sa bahay kaya super AT HOME yan tsaka---

"princess. anu ba! ang tagal mo namang maligo e.!! bilisan mo. alalahanin mo maaga dapat tayo sa debut bawal ma late!" hay, naputol tuloy ang pagpapakilala ko. epal talaga ung bespren ko. pag pasensyahan nyo na ah?

"teka lang!! atat ka masyado! pwedi mag hintay?" napaka impatient talaga nitong babaeng 'to. nag eenjoy pa akong magbabad sa tubing e.

"bilisan mo na kase! kung kanina pa kase gumising kna edi sana nasa mall na tayo!"  ewan ko sayo!haha

makalipas ang dalawang oras e naka alis na rin kame ng bahay. grabe talaga itong bespren ko kanina pa naka simangot dahil daw sa sobrang tagal ko daw. hay reklamadora talaga. e sya ung nagyaya e. nakarating na nga rin pala kami sa mall at nag simulang maghanap ng pweding i regalo kay ate yna.

"bes, eto kayang teddy bear? sa tingin mo?" actually kanina pa kame naghahanap kaso sa sobrang tagal mamili ni bespren ay umabot ng kami ng dalawang oras sa paghahanap.

"ay naku bes. pang ilang tanong mo na ba yan ah? pwedi na yan. dalian muna magbibihis pa tayo e. ikaw na nga ang nagsabi kanina na hindi tayo pweding ma late kaya bilisan muna!!!" ang kupad talaga ng babaeng ito. sorry kung puro bad traits ang sinasabi ko sa bespren ko ah? sadyang mahal ko lang talaga siya kaya ganyan ako.

"ikaw! palibhasa may pang regalo kana kaya hindi ka nahihrapan" sumimangot na naman.

"e anong magagawa ko e si mama ang bumili ah? tsaka wag mu nga akong sisihin pwede?" sa totoo kase si mama talaga ang bumili ng pangregalo ko kay ate yna tsaka sa tinamad na rin ako, hinayaan ko nalang. naka libre pa dba?

" oo na! eto na nga babayaran na oh! " pumunta na nga siya sa counter. at nang matapos na syang magbayad na pagdesisyunan na naming umwi para mag ayos.

"bes, sa inyo naako magbibihis ah? para sabay na tayong pumunta doon sa venue ng debut ni ate yna" ganyan lagi si bspren kapag may okasyon kaming pupuntahan sa bahay sya nagbibihis

" may magagwa pa ba ako? dala dala mu na ang mga damit mo!"  

"ang mean mo talaga! hala ka! isusumbong kita mamaya kay Ian" what? ian ba ang sinabi nya? ayiie! kinikilig ako. shh! wag kayong mainggay ah? secret lang yun.

"anu naman pakielam ko kay ian ah?" waah!kinikilig talaga ako pag naririnig ko ung name nya!!! pero syempre hindi pinahahalata baka may maka discover e. hahahaha

"ay sus! anu daw pakielam, e deep inside kinikilig ka!!" hala. mind reader ba tong bespren ko?haha

"eh? sinung kinikilig? aber?! "hala baka mahalata ni bespren ang tunkol kay ian. wala kase akong pinagsasabihan about kay ian.

"kitang kita sayo cess,  pulang pula kana kaya" cess nga pala ang madalas na tawag saakin ng mga kaibigan ko. waiit! pula daw? kinuha ko yung mirror at-- pula ang ang mukha ko! OMG! nahalata na nya, pesteng mukha ito! nagpapahalata.!

"natural lang mamumula ko noh! ang init kaya! tsaka wala akong alam sa mga pinag sasabi mo. tara na nga sa bahay! baka mahuli pa tayo. alam mo naman na kailangan nating mag ayos ng bongga! " hala! okay lang ba ung palusot ko? wee. bayaan nyo na.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: ThANK YOU! :) ♥

DREAM HIGH ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon