Part 1

1.3K 36 3
                                    

Laro lang ba ako? [ONE SHOT]

"Levi, matagal na k-kitang gusto. Kahit pa h-hindi mo ako gusto, okay lang. K-kahit pa kalimutan mo nalang na nangyari 'to ngayon at bukas hindi mo na ako pansinin, okay lang sa akin basta nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Gusto kita. Gustung-gusto kita."

Isang buwan na simula nang magtapat ako kay Levi.

Classmate ko siya for 3 years. Gwapo, palakaibigan, at mabait.
Sporty, napakatalented, pero hindi mayabang.

Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sa kanya ng araw na yun pero nagawa ko.

Nakatitig ako sa mga mata niya ngayon at natatakot sa kung anong isasagot niya.
Hindi siya nakangiti at hindi din naman nakasimangot. Emotionless kaya ang hirap basahin. Well, hindi ko naman talaga siya kayang basahin.

Ilang sandali pa ang nakalipas, hindi pa rin ito nagsasalita ng kahit isang letter man lang, wala.

Hangin lang siguro ang marieinig sa paligid.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sobra. Sa tingin ko nakikita na nga sa uniform ang pintig nito. Posible yun.

Napalunok ako at sabay tingin sa mga damo. Nasa likod kami ng school gym ngayon. Kakatapos pa lang ng PE at ewan kung bakit ngayon ko sinabi.

"H-hindi ko masabi ang mga rason kase napakadami pero yun. Gusto kita. A-ah, yun lang ang gusto kong sabihin. Salamat sa pakikinig," pinilit kong ngumiti.

Nagsinungaling ako. Hindi ko gusto makinig lang siya sa mga sinabi ko. Gusto ko ring sana, kung may himala man, magtapat rin siya na may gusto siya sa akin. Na alam kong imposible.

Nagsimula akong maglakad at limang hakbang na ang layo ko sa kanya ng marinig ko ang pangalan ko mula sa mga bibig niya.

"Keera..."

Napatigil ako sa paglalakad. Parang sasabog na talaga ang puso kooo.

Ramdam ko na lumapit siya sa akin.

Anong gagawin ko?

Tumahimik na naman ulit at kahit pa gusto kong lumingon, ayaw makinig ng isipan ko.

Hindi ako makagalaw.

Pati paghinga ko hindi ko na rin alam kung paano kontrolin.

Lalo pa't ramdam ko ang malambot niyang kamay na dahan-dahang humahawak sa kamay ko.

"Gusto rin kita..."

Naalala ko pa ang pakiramdaman ng mga kamay niya nang sandaling yun hanggang ngayon. Agad na nalaman ng buong school ang nangyari at simula nun, naging magboyfriend at girlfriend na kami.

Sino ba namang hindi makakaalam eh hanggang pagbalik ng classroom, magkahawak pa rin ang kamay namin. Nakatulong pa kase magkatabi ang upuan namin.

Ang saya-saya ko ng araw na yun. Puno ng asaran ang classroom. Ako naman ay mas pula pa siguro sa kamatis ang mukha habang siya, nakayuko lang sa lamesa niya at nakatingin sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko. Pinipigilan at tinatago ang ngiti niya.

Laro Lang Ba Ako? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon