Laro lang ba ako? Part 2
Para kaming mga sirang nakaupo sa damuhan na parehong umiiyak.
Ang higpit pa rin ng hawak niya sa akin. Medyo madilim na ang paligid, quarter to 6 na siguro.
Naramdaman kong lumipat siya sa harapan ko at pinunasan ang mga luha ko.
Ngayon lang ako umiyak ng ganito kagrabe.
Kung sa paningin siguro ng mga tao ang OA ng nangyari sa amin, hindi nila maiintindihan.
Mahal ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Tatlong taon ko na siyang mahal. Kaya sobra ang sakit kase sobrang pagmamahal din ang binigay ko sa kanya.
"Sorry. Sorry dahil pinapaiyak kita ngayon." Sabi ni Levi na umiiyak din habang dahan-dahang pinupunasan ang mukha ko na parang bang mababasag ako.
"Wag mo akong iwan Keera please," sabi niya at dahan-dahang hinalikan ang magkabilang-mata ko.
Mas napahigpit ang yakap ko sa kanya.
Mahal na mahal ko siya. Sobra.
Hindi ko alam kung paano pero dumiretso kami sa bahay ni Levi.
Siguro dahil hindi pwedeng ipagpaliban ang pag-uusap na'to at sobrang pagod na ako kaya tinawagan ko ang parents kong magsisleep over ako. Sinabi ko kay Shaira ang sitwasyon at walang pag-aalinlangang nagpresenta itong magcover sa amin.
Wala rin ang Mama ni Levi dahil nagbabakasyon kasama ang boyfriend nito. Divorce na ang parents niya at nag-iisa siyang anak.
Naabutan na kase kami ng 7 kakaupo dun sa damuhan kanina at nakita siguro ni Levi na pagod na ako pero ayokong umuwi.
Nandito kami ngayon sa sala niya at binigyan niya ako ng tubig.
Agad siyang tumabi sa akin na parang aalis ako kapag natapos na akong uminom at pinulupot ang kamay sa bewang ko.
Pareho kaming ang pupula ng mga ilong at mugto ang mga mata.
Nagtama ang mga mata namin ng matapos siya uminom ng tubig. Natawa kami pareho sa mugto naming mga mata.
Para kaming mga baliw.
"Kailangan ko pa palang umiyak ng sobra at makipaghiwalay sayo para mangyari 'to." Biro ko pero nauwi pa rin sa seryoso.
Binaon niya ang mukha sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit.
Gusto ko na namang umiyak. Bakit ba ang emotional naming dalawa ngayon?
Naramdaman kong bahagya niya akong iginiya papalapit sa katawan niya para nakaupo na ako sa hita niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi siya nagsalita ng ilang minuto at nasa ganung posisyon lang kami.
Komportable. Tahimik.
Hindi ganito ang iniexpect kong mangyari sa pag-uusap namin.
Akala ko nasa bahay na ako ngayon at umiiyak ng isang balde pero nasa bahay ako ni Levi at katatapos lang umiyak ng isang balde. Nagtulungan kami ni Levi na punuin yun."Sorry Keera, patawarin mo ko sa mga nagawa ko sa'yo." Sabi niya pero nakayakap pa rin sa akin at ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.
Umiiyak na naman siya.
Pinilit ko siyang tumingin sa akin ng maramdaman ang basa sa leeg ko.
Pinunasan ko rin ang mukha niya at hinalikan ang magkabila niyang mata. Humigpit lang ang yakap niya sa bewang ko pero nakatitig na kami sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Laro Lang Ba Ako? [One Shot]
Roman d'amourMahal kita. Naglakas-loob akong magtapat ng nararamdaman ko sayo. At nalaman kong gusto mo rin pala ako. Sobrang saya ko ng araw na iyon. Pero ngayong magsyota na tayo ni holding hands hindi mo magawa? Bakit lumalayo ka kapag kasama mo ako? Ano b...