"Hoy! Marylle Valencio. Lasing ka na. Umuwi na tayo." Sabi ni Lisa na parang natatawa pa. Walanghiyang kaibigan to.
Medyo malabo na ang pandinig ko. Medyo malabo na rin ang mga mata ko. Dala na rin siguro ng alak na ininom ko.
"Hindi pa ako lasing. Tipsy lang." Sagot ko sabay ngiti ng napakalapad.
"Hindi. Lasing ka na. Tayo na." Sinubukan nya akong iangat mula sa pagkaka-upo pero mabigat ako eh.
Kahit malabo ang mga mata ko, kitang kita ko sya. Si Raymond Constancia. Ang lalaking pinakamamahal ko. Nakatitig siya sa akin.
Kahit lasing ako, ramdam ko at kitang kita ko mula sa mga mata nya ang pandidiri. I hate him but I love him."Oh." Turo ko kay Raymond. Nakatingin lang siya sa akin.
"There you are. The guy who keeps on rejecting me na akala mo naman kung sinong gwapo." Lasing na lasing na nga siguro ako. Hindi ko na mapigilan ang bibig ko eh.
"Tama na yan Mary." Pigil sa akin ni Lisa pero hindi ako nagpa-awat. Gusto kong kahit papaano man lang maibsan yung sakit. Yung sakit ng bawat salitang pinapakawalan niya tuwing kaharap nya ako."What? Nandidiri ka sa akin?" Tumawa ako ng bahagya.
Nakita ko ang pagtayo niya. Lumapit siya sa akin. At bigla nyang hinawakan ang mga braso ko."Let's go."
"I hate you." I said then I passed out."Oh my God. Marylle. Nandyan na ang crush mo sa labas. Nasaan na ang regalo mo?" Mas Excited pa ata si Lisa kesa akin eh. Pero excited rin naman ako. Syempre magtatapat na ako ng feelings ko para kay Raymond. Dalawang taon ko rin itong itinago no.
"Ito na oh." Pakita ko sa kanya ng isang box. Sapatos ang laman nito. Hindi ko kasi alam ang ibibigay ko ngayon na birthday nya.
"Maganda ba ako? Maayos ba ang mukha ko?" Tanong ko kay Lisa. Syempre dapat maganda ako sa harap ng taong mahal ko, diba?"Oo. Dali." Tinulak ako ni Lisa at saktong nasa harap na pala ng room namin si Raymond.
Napatigil siya sa paglalakad. Kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Blanko lang ekspresyon niya. Why is he so damn hot?
Kahit na kinakabahan ako eh, nagsmile pa rin ako. Buti na lang talaga at wala masyadong tao dito, kung hindi mamamatay ako sa kahihiyan.
"Happy Birthday, Raymond. Here's my gift for you." Sabay abot ko ng regalo ko na tinitigan nya lang.
"Do you like me?" Nabigla ako sa tanong nuya. Ni isang letra ay hindi magawang lumabas sa bibig ko.
"What? You like me? Sorry. But I don't like you." Umalis sya sa harap ko. Para akong nabuhusan ng isang malamig na tubig sa sinabi nya. Binaba ko ang kamay kong parang tangang kanina pa naka-angat.
"Marylle." Tawag ni Lisa sa akin.
Humarap ako sa kanya at tumawa.
"Oh my god Lisa! Nakita mo yan?"
Galak na galak kong tanong sa kanya."Alin? Yung pagreject nya sayo?"
"No. He just talked to me. And he is so freaking hot saying those words infront of me." Tawagin niyo na akong baliw pero wala akong paki-alam.
"So, magpapatuloy ka pa rin?" Tanong ni Lisa.
"Ofcourse yes. Ngayon pa ba ako susuko na kinausap nya na ako?"
"God. Marylle. He just rejected you. He said he don't like you. Saan ba ang hindi malinaw doon?" Kumirot ng bahagya ang dibdib ko sa sinabi ni Lisa. Alam ko namang kapakanan ko lang ang inaalala nya pero mahal ko ang pinag-uusapan dito."Katulad lang din natin siyang mga babae, pa hard to get. Basta. Ipagpapatuloy ko pa rin."
Palabas na ako ng school ng mahagilap ng mga mata ko si Raymond. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.
"Raymond!" Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Mas tumakbo pa ako palapit sa kanya pero kung bakit ngayon pa ako minalas ng bongang-bonga. Natamaan lang naman ako ng bola, dahilan ng pagkatumba ko. Nakakahiya. Sa harap pa talaga ni Raymond?
Kinuha ko ang bola at tinapon. Bwesit.
Tumingin ako sa lugar kung saan nakatayo si Raymond kanina pero wala na siya. Nakakatawa lang kasi ang akala ko lalapitan niya ako at tatanungin ako kung okay lang ba ako. Pero, wala.
"He doesn't care." I said.