Kabanata 3

0 0 0
                                    

Iniwan lang ako ni Raymond matapos niya akong halikan sa leeg  noong gabi na yin. Na iwan ako sa labas na tulala. Halos matinaw na nga ako sa sa ginawa niya. Himalang naka uwi pa nga ako.

Hindi ako maktulog gabi gabi kaka isip kong bakit niya ginawa 'yon. Gusto niyang kalimutan ko siya pero paano ko siya kakalimutan kong hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi niya sa leeg ko.

"I received 500 pesos." Sabi ng babae sa cashier matapos kung iabot sa kanya ang bayad ko sa binili kong frappe. Muntik ko na ngang makalimutan ang sukli.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsip-sip ng frappe ko ng may nakitang isang pamilyar na mukha ang mga mata ko. Hindi sya gaanong malayo mula sa kinatatayuan ko. Parang papunta pa nga sya sa direksyon ko. Saka kulang napagtanto kung sino siya.Ang lalaking pinakitaan ko ng aking middle finger. Bakit ba palagi na lang nagc-cross ang landas naming dalwa?

  Nakita niya akong naka tingin sa kanya kaya kumaway siya. Nagkunwsri na lang ako na hindi ko siya nakita.

Agad akong tumalikod mula sa kanya.
"Ano bang ginagawa ng bwesit na yan dito?" Baka nagsisimba Mary? Mall kasi 'to.

Itinapon ko ang lalagyan ng frappe sa pinakamalapit na trash bean  tsaka dalidaling naglakad. Ayoko ng makita siya. Kainis.

Pinadpad ako ng mga paa ko sa Grocery store. Kaya napagdesisyunan ko na lang na bumili ng Dairy Milk. Pampawala ng stress.

Thankfully pagdating ko sa chocolate section, maraming Dairy Milk.
"My love." Sabi ko habang tinititigan ang Dairy milk na hawak ko.

"Yes. My love."
Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Kung ako lang mag-isa dito iisipin kong nagsalita 'tong chocolate. Pero hindi. Mula sa pagkayuko nakita ko ang isang pares ng sapatos kaya dahan-dahan kong inangat ang aking paningin.

Nanlaki ang aking mga mata. Anong ginagawa niya dito?

"Hi!" sabi niya ng may malawak na ngiti at kumaway pa na sadyang nakapagpataas ng dugo ko sa katawan.

Nakakainis lang na sa tatlong beses naming pagtatagpo eh, dalawang beses na dahil sa Dairy Milk.

  "Sino ka?" Nagmamaangang tanong ko. Kailangan kong umaktong di siya kilala para tumigil na sya.

Ang kaninang masiglang mukha nya ang napilitan ng lungkot.
"Nakalimutan mo na ako agad? Ako yung sinabihan mo ng 'I Love You' nong isang araw."
Ano daw? Parang nabingi ako sa sinabi nya.
"Hoy kapal naman ng mukha mo! Mang-aagaw na nga ng Dairy Milk, manyak na manyak pa."

"Naaalala mo naman pala ako eh." Then I realized I fall for his trap. Bwesit. Inirapan ko na lang sya at tumalikod. Mas mabuti ng iwan ko siya kesa pahabain pa ang aming pag uusap.

"Where are you going?"
Paki-alam mo? Baliw. Mas binilisan ko na lang ang paglalakad para di nya ako maabutan.

Dumiretso ako sa lugar kung saan naka lagay ang napkin. Malapit na kasi period ko tapos naubusan na ako ng extra.
Kinuha ko agad ang brand ng napkin na nakasanayan ko ng gamitin.

"Ang galing Dairy Girl, yan din brand ng napkin ng ate ko."
"Sinusundan mo ba ako?!" Agad kong bulyaw sa kanya. Nakakainis na sya ha.
"Of course. Hindi naman ako bumibili ng napkin no." Ang honest naman nya. Bwesit.
Inirapan ko na lang sya ulit at tumalikod. Hindi na nakakagulat na sumabay sya sa akin sa paglalakad.

"By the way Dairy girl, I'm Dalton. And you are?" tanong nya ng nakatingin sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din naman sya. Tumingin ako sa kanya at sya rin naman sa akin. Halata sa mukha nya ang paghihintay ng sagot.

Why Do You Care?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon