Nagising ako ng may narinig akong nag-uusap. Minulat ko ang aking mga mata't nakita ko ang kulay puting paligid. Narito na naman ako sa parehong lugar. Ang lugar na hindi ko gustong puntahan pero dito pa rin ako dinadala ng puso ko.
Tinignan ko agad ang mga tao sa gilid ko. Si Mama at ang isang babaeng doktor na pamilyar na sa akin."Maam, tandaan niyo lamang po na bawal mapagod, matakot o malungkot ng sobra ang anak ninyo dahil hindi po ito makakabuti sa lagay niya."
Tumango lamang si Mama. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.
"Ma." mahina lang tawag ko sa kanya ngunit napatingin agad si Mama.
"Mary." Lumapit si Mama sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko.
Lumapit naman ang doctor.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, ija?" tumango lang ako sa naging tanong ng doctor."Good. Sige po Maam, maiwan ko po na kayo." paalam nito.
Binaling ko kay Mama ang atensyon ko. Pagod ang mukha nito. Halatang walang tulog.
"Sorry, Ma." tanging nasambit ko.
Humigpit ang hawak nito sa kamay ko."Ano ba kasing pinag-gagawa mong bata ka? Alalang-alala kami ng Papa mo sayo. Ilang ulit na siyang tumawag kakamusta sayo." Kaya ayaw na ayaw kong inaatake ako ng sakit kong ito. Nadadamay pati ang mga magulang ko.
I have a weak heart. Simula pa lang ito noong bata ako. Sabi ni Mama ang liit ko raw ni babay ng ipinanganak ako. Mahina rin daw ang tibok ng aking puso. Kailangan nga rin daw akong i-incubate. Simula nooy lage ko nang kasama itong sakit ko na 'to.
Madalas akong pagalitan ni Mama pag umuuwi ako sa bahay ng pagod. Gusto nga sana nilang mag home school na lang ako pero ako ang umayaw. Gustong-gusto kong maging normal. Normal na teenager. Normal na estudyante.
"Buti na lang at na lang at dinala ka nang kaibigan mo dito sa hospital." Naalala ko naman ang pagtulong ni Raymond sa akin sa Mall. Buti na lang at nandoon siya para tulungan ako.
"Laking pasalamat ko kay Brylle." What?
"Brylle po?" Hindi ko makapiniwalang tanong. I thought Raymond is the one who brought me here. Nakita siya ng dalawang mata ko. Siya ang tumulong sa akin. Kahit nanghihina ako nong time na 'yon alam kong si Raymond 'yun. Bakit si Brylle ang naghatid sa akin dito?
"Oo si Brylle. Hindi mo ba siya kilala? Pero ang sabi niya magkaibigan kayo."
"Kilala ko naman po siya. Pero wala na po bang ibang naghatid sa akin dito?""Si Brylle lang naman ang naghatid sa'yo dito. Tinawagan niya nga agad ako gamit ang cellphone mo." Hindi eh. Hindi ako pwedeng magkamali. Raymond was there. Nasa loob ng cinema si Brylle kaya imposibleng siya.
Iniwan muna ako ni Mama. Pina uwi ko muna siya sa bahay para makapagpahinga. Kaya ko na rin nama ang sarili. Bumalik na rin ang sigla ko, pero kailangan ko pa ring nag stay dito sa hospital. Kaya absent muna ako hanggang bukas.
I was just watching tv ng biglang bumukas ang pinto. Akala koy nurse na nagmo-monitor, pero si Lisa pala ito.
Sinarado niya ang pinto at dahan dahang lumakad papunta sa akin. Nakakatawa ang mukha niya. Parang takot siyang lumapit sa akin."Mary." Alam kong nakokonsensya siya. Halata sa mukha niya. Pero okay na naman sa akin 'yun. Nagtampo ako pero nawala na rin.
"Oh?" umakto akong nagtatampo. Gusto ko na ngang tumawa dahil sa pagmunukha niya
Lumapit ito sa akin at kinuha agad ang kamay ko."Sorry talaga. Nakalimutan ko." Umiiyak pa ito. OA naman nitong kaibigan ko.
"Aaminin ko. Nainis ako nong araw na 'yon kasi sa lahat ba naman ikaw oa ang nakalimot."
"Sorry. Sobrang nadala lang ako ng emotions ko. Nakalimutan ko na ang mga tao sa paligid ko dahil kay Louise."
"Nako i-uunfriend talaga kita sa facebook sa susunod.""Sorry talaga, Mary." Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nang kinalas niya ang yakap niya sa akin, agad ko siya tinanong.
"Lis, may na-ikwento ba si Brylle sa'yo?" Umupo muna ito bago sumagot."Katulad ng alin?"
"Na-ikwento ba niya sa'yo kung paano niya ako nadala dito? Sabi kasi ni Mama si Brylle daw ang naghatid aa akin dito." Nakita ko ang pagka-gulat sa mukha ni Lisa ngunit binalewala ko lang ito."O-oo nga. Nasabi niya sa akin. Siya ang nakakita sa'yo at siya rin ang nadala sa'yo dito. Tinawagan nga niya ako." Nagtaka agad ako dahil parang nag-aalinlangan ito sa kanyang sagot, binalewala ko lang ulit ito.
"Para kasing hindi naman si Brylle eh. Parang feeling ko si Raymond, kasi nakita ko siya. He helped me. Nandoon siya sa Mall. Kinarga pa nga niya ako eh."
"Mary baka naman akala mo lang iyon. Si Brylle ang nagligtas sa'yo." Umiling ako.
"Hindi eh. Nakita ko talaga siya.""Gutom lang 'yan." Siguro nga hindi talaga maniniwala si Lisa na si Raymond ang nagligtas sa akin. Alam niya kung paano ako iniiwasan nito. Sa pagkikitungo nga ni Raymond sa akin, siya ang tipong hindi ako tutulungan sa panahon ng pangangailangan. Pero siya talaga ag nagligtas akin. Siguro nga'y dapat ako na lang ang magtanong kay Raymond pag naka balik na ako sa school.
"Okay ka na ba?" tanong ni Lisa sa akin. Matapos ang tatlong araw na absent ko ay napagdesisyunan ko ng bumalik sa paaralan. Ayaw man ni Mama pero nagpumilit pa rin ako.
"Okay na okay na ako." Isa pa tong si Lisa, parang si Mama rin kung makapag-alala. Akala mo namang sinong hindi nakalimot.
Habang naglalakad ay nakita ko si Raymond. Naka-upo sa isang bench, nag-iisa. Siguro dapat ko na siyang tanongin ngayon. Alam kung siya talaga ang nagligtas sa akin.
"Lisa, mauna ka na sa room." Kailangan ko munang ma solo si Raymond.
"Saan ka pupunta?""Basta." Tumakbo ako papunta sa kinauupuan kinatatayuan ni Raymond.
"Raymond!" Tawag ko sa kanya nang makalapit ako. Inangat nito ang kanyang mukha. Huminto ako sa kanyang tapat.
"Raymond, can we talk?" kahit alam kong imposible ay sinubukan ko rin. Kailangan kong makompirma kung si Brylle nga ba ang tumulong sa akin kahit alam kong si Raymond iyon.
"I don't have time for you. Go away." He said at bumalik sa pagkakayuko. I knew it.
"Please. Kahit 5 minutes." He looked at me at akmang may sasabihin pero inunahan ko na siya.
"3 minutes!" alam kong itataboy niya pa rin ako kaya bibilisan ko na lang ito.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. Silence means yes. Para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya pero nagtapang-tapangan pa rin ako kahit hindi na ako komportble
"Nasa Mall ka ba nong Sunday?" agad kong tanong. Please lang sumagot ka ng maayos.
"Yes." he answered na para bang wala ito sa kanyang pag-iisip.
"Sa may cinema?"
"Yes.""Ikaw ang tumulong sa akin diba?" Wari natauhan ito sa aking maging tanong. Kumunot ang noo ko. Ano bang iniisip nito?
"What do you mean? Bakit naman kita tutulungan?" No. Nakita siya ng dalawang mata ko. I can't be mistaken. Bakit naman niya i-dedeny ang pagtulong niya sa akin?
"I saw you!" Tumayo siya at nagsalita.
"You're 3 minutes is over." Umalis siya sa harapan ko. Nanlumo ako sa mga sinabi niya, pero nakita ko siya. Alam kong siya 'yon. Isang bagay na lang ang dapat kong gawin.Tumakbo ako para habulin siya. Nagulat siya ng huminto ako sa harap niya.
"I have to do this." I said at walang ano-anoy niyakap ko siya. I need to hear his heartbeat. I remember how his heartbeat became music to my ear. I remember how his broad chest comforted me.
Mataas siya kaya tama lang ang height ko para marinig ang puso niya."What are you doing?!" Pumiglas siya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya ngunit mas malakas siya sa akin kaya naman tumilapon ako sa sahig ng itulak niya ako.
"Don't ever do that again." He said then walked away.
Hinawakan ko agad ang dibdib ko ng maramdaman kung sumikip ito. Huminga ako ng napakalalim para mas lumuwag ang pakiramdam ko.
Tumayo ako and watched Raymond as he walks away from me.
Raymond is the guy who can make me happy but can make my heart ache in an instant.
Siguro hindi na importante kung sino man ang nagligtas sa akin. I should be thankful na lang dahil kung sino man siya naligtas niya ako.