Chapter 7: and it becomes notourdate....

28 2 0
                                    

Well, Hello again people of the world! Hahaha. :) Tagal ko na naman hindi nakapag update! Me is sorry about that. Tinatamad po kasi eh tsaka wala masyadong nagvovote tapos wala pang nagcocomment. Hindi ako nagkakaroon ng motivation to continue my works :( 

Anywaysss, sana magustuhan niyo ang update ko na ito. :) God Bless!

*Notourdate - pronounced as [not-ur-deyt]*long yu* or [not-our-deyt]

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ALEXIS' POV

Tinignan ko ng mabuti si Schez hanggang sa matapos ko yung kanta. Siya naman, tinitignan din ako pabalik.

Bigla syang nagsalita.

"Uwaaaaaa.. parang inlove na inlove ang bestfriend ko ah"

"Talaga." tapos nginitian ko sya.

"So kailangan ko na pala talagang makilala yang girlfriend mo."

"H-huh?"

"Aba! Sobrang inlove ka oh. Sana hindi niya ako pinagseselosan"

Bigla akong natauhan. Syet, oo nga pala may "girlfriend" nga pala ako.

"Suuus! Ikaw?! pagseselosan? Pfffffftttttt.... HAHAHAHHHAHA. E wala kang panama dun eh!"

"Abaaaa walngya ka ah!!!!! Sige nga ipakita mo nga siya sakin!!!"

"Kapag may time siya."

"Bakit? ano ba yan may trabaho ba yan?!"

"Oo. Model yun eh"

Tapos natahimik siya. 

Punyemas. Sana naman hindi ko kainin tong mga sinasabi ko ano?

"Uyyyyy" Pag-amo ko sa kanya.

"Sige na! Siya na! Basta ba mapakilala mo sakin yan!"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko talaga eh.

"Kapag nga hindi busyyyy"

"Hindi. Basta magseset ako ng date! Akala mo ah"

"Fine fine!"

Wala na din naman akong magagawa kung hindi pumayag diba? Baka mahalata niya pa ako. Hayyyy alexis... ANO BA TONG PINASOK MO?!

Tapos nagkukulitan lang kami ng biglang may nagdoor bell

"O, schez, akala ko ba wala si tita this weekend?"

"Huuh? E oo nga."

"E sino yan? Puntahan mo na nga"

Tapos pinuntahan na nga niya. at sobrang nagulat ako sa kung sino ang niluwa ng pintuan!!

"T-TOP!!!!!" Sigaw ni Schez.

Punyemas ano ginagawa niyan dito.

"Hi Schez, for you." sabay bigay niya ng bouquet of roses kay Schez.

"P-paano mo nalaman address ko?"

"I told you. I have my sources. And if I'm interested with someone, gumagawa ako ng way para malaman ang lahat sa kanila"

Punyemas, ano tong lalaki na 'to? Stalker? ang creepy niya ha.

Pumunta na ako sa may pintuan.

"Ehemmm. ehemmmm..."

Tinignan lang ako nung TOP na yun. Nakakabuwisit yung mga tingin niya ha.

"Ayyy pasok ka muna TOP" yaya naman ni Schez.

Ano ba to niyaya pa niya sa loob!

Hinila ko si Schez.

"Hoy, ano bang ginagawa mo. Bakit mo niyaya yan sa loob? Baka kung ano gawin niyan ha. Ang creepy nya." Tapos umakto ako na parang nilalamig.

"E nandito na din naman siya eh. Alangan naman hindi ko papasukin diba?"

Aba't nagrason pa!!!

Pinuntahan niya yung TOP at binigyan ng juice.

Umupo kami dito sa living room nila.

Ang arrangement ng pagkakaupo namin sa sofa is Ako, si Schez at si TOP.

What a way to ruin my day.

"Guys, labas muna ako. Tignan ko kung ano pa mabibili kong snacks" sabi ni Schez.

Tapos nagnod lang kami.

So naiwan kaming dalawa dito.

Sinira ko ang katahimikan. "Pre, anong ginagawa mo dito?"

Tapos binalik niya sa'kin ang tanong. "Eh ikaw pre, anong ginagawa mo dito?"

Tapos nagsukatan kami ng tingin.

"Eh pre, bahay lang naman ito ng BESTFRIEND ko. Malamang tumatambay."

"Ahhhh bestfriend lang pala eh."

"Ano?!! Anong sabi mo? bakit sino ka ba para sa kanya?"

"Manliligaw niya ako. So I guess may karapatan din akong dumalaw dito sa bahay ng BESTFRIEND mo."

Diniinan pa niya yung salitang "bestfriend". Natahimik naman ako dun.

Tapos nag-smirk lang siya. Walangyang lalaki to ah.

"Alam na ba ni Schez na nililigawan mo siya? Tinanong mo ba siya? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi mo pa siya tinatanong eh. Sa tingin mo papayag siya? Anong ipinaglalaban mo ngayon?"

Siya naman ang tumahimik. 

Nag-smirk ako, nakaganti din.

And as if on cue, biglang nandyan na si Schez.

"Woaahhh.. what's with this atmosphere"

Nginitian ko siya at sinabi kong "wala naman."

Pero mas ikinagulat ko ang ginawa nung TOP na yun. Pumunta siya sa harap ni Schez at may kinuha mula sa bulsa niya.

Bracelet.

"Pwede ba kitang ligawan Schez??"

Nanlaki ang mata namin ni Schez. 

Punyemas, handang-handa ang lalaki na ito ah. Napaface palm na lang ako.

"Huuuuh?" sagot ni Schez.

"Can I court you??" tanong ulit nung TOP

Humindi ka humindi ka.. Humindi ka!!!

"S-S-sige.."

Napaface palm na naman ako!

tapos sinuot nung TOP yung bracelet kay Schez.

Pero nakita kong tumingin siya sakin at nag-smirk

Gagong lalaki na to. Ano bang balak nito??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wattpad Story: The Wattpad Addict (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon