Arya’s POV
“Oh jeez! Oh jeez! Oh jeez!” hindi ako magkandamayaw sa pagsuot ng mahaba kong medyas, sheesh naman, late na ako!
Knock*knock*knock*
“Pasok!” sigaw ko sa kumakatok habang nagsasapatos.
Niluwa ng pintong iyon ang butler kong si Sean.
“Handa na po ang inyong agahan” Magiliw niyang bati sa akin.
“Ah, si-sige, susunod ako hehehe” Ani ko sa kanya, while crossing my fingers, mukhang di kasi ako makakapag-agahan ngayon. Duh late na kaya ako. At di pupwede yun!
“Siguraduhin niyo lang Milady” Ngingiting sabi niya saka sya umalis patungo na atang komedor. Sheesh, at mukhang di ata ako makakatakas sa kanya. Haist naman.
Unang araw ko ngayon sa eskwela. Kasalukuyan akong third year college student na may kursong Engineering, sa Cadwell University, isang elite school na pagmamay-ari ng pamilya ng aking ina. Yeah, nanay ko ang namumuno sa paaralan na iyon, but no one knows, that I’m her daughter, at ayaw kong ipakilala niya ako na ako ang anak niya sa school na iyon, like duh, isipin pa ng mga classmate ko nakakatanggap ako ng special treatment galing sa school, lalo na, ako pa naman ang President ng student council, Anyway, back to reality, late na ako dada pa rin ako ng dada. Asan na ba yung bag ko? Ah, ayun, nasa study table ng kwarto ko, malamang, alangan sa kwarto niyo? Haha. Bumaba na ako para mag-almusal dahil tingin ko wala namang balak si Sean na paalisin ako hangga’t hindi ako nakain, malelate na talaga ako eh tsk! Bakit kaya hindi na lang ako kumain ng kumain no? Tapos wag na lang ako pumasok, parang yun naman ang gustong mangyari ng butler kong yun eh tss.
Pagkababa ko, nagulat ako sa nadatnan ko sa komedor...
“Oh, sweetie, nakababa ka na pala, tara sabayan mo na kaming kumain ng Daddy mo.” Ani ng Mommy ko na ngayon ay ngiting-ngiti.
“Kailan pa kayo nakabalik galing States?” tanong ko sa kanila, nandito pa rin ako sa may entrance papuntang kusina, haha entrance talaga eh.
“Kagabi lang baby, miss na miss na kita, payakap ako sandali sa baby girl kooooo” at biglang tumakbo ang daddy papunta sa pwesto ko. Oops...
“Waaaah ang cute-cute talaga ng baby ko!” Sobrang siglang pagsigaw ng daddy ko habang nakayakap sakin, aray di ako makahinga.
“D-dad, ano ba, h-hindi ako makahinga” huwaaah masusuffocate ata ako.
“Malcourio” tawag ni mommy kay daddy with matching dark aura pa yan. Hahaha.
“W-wifey” nauutal na sabi ni dad, haha kasi naman...
“Ano ang sabi ko sayo?” Malambing na pagkakasabi ni mom, pero halatang naiirita na, haha ano ka ngayon dad.
“A-ano, ka-kashi, huwaaaaaah, sorry na wifey, sorry na! Huhuhuhu” ayan na, para ng batang nagwawala tong dad ko sa ginagawa niyang pagluhod sa harap ni Mommy. Ayaw kasi ni mom na nag-aastang bata ang dad ko sa harap ko, hehehe. Si dad kasi akala mo bata, bukod sa mukha talaga syang bata, eh bata rin kung mag-isip, naman! Pero 39 years old na yan, wag ka! Hahaha.
Ay peste, masyado akong naligayahan sa mga magulang ko na kasalukuyan ngayon na nagbubugbugan, ay si mom lang pala ang nambubugbog hahaha, nakalimutan kong late na pala ako.
“Mom, Dad, tara na po kumain, late na ako” at naupo na ako sa favourite spot ko, sa kabesera ng mahaba naming lamesa, huminto na ang mga magulang ko sa pag-aaway at naupo na sa upuan nila kanina, magkabilaang side sila ng mesa malapit sa akin, bale magkaharap sila. Hahaha wag na magtanong bakit hindi tatay ko ang nakaupo sa kabesera, haha. Batas ako eh, haha joke lang. Gusto ko lang mapagitnaan nila ako.
BINABASA MO ANG
Betrothed (on-going)
Roman pour AdolescentsWhat is Happiness? Wealth? Fame? Is this all enough to obtain happiness in life? Arya Lyn Kendall, is a typical girl we can see in town, she's a leader of student council, smart and talented. Beautiful that makes her sparks to the eyes of others. Sh...