Chapter Two : Her Other Side

22 2 0
                                    

Arya’s POV

Cheesecake!! What the eff does the “Chuckie boy” doing here? Oo chuckie boy, natapunan ng chuckie yun kaya chuckie boy na lang, tutal bastusan na lang din naman, sa ibang pangalan ko sya tatawagin, at hindi ko rin naman kasi alam ang pangalan niya, pero wala na akong pakialam, he’s a jerk! Kala ko gentleman, hindi naman pala. Tsk.

At dahil nga nakatingin ako sa kanya, napansin ko na titig na titig sya sakin, masyado ba talaga akong maganda para titigan? Ay, ano ba tong mga nasasabi ko.

“Pres, okay na ang lahat. Pinabalik ko na ang mga new students sa classroom nila, para makapag-simula na ng klase” ani ni Rhett na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Oo nga pala, magsisimula na ulit ang klase.

“Ahh, sige. Salamat. Ahm, Rhett, okay na ba lahat ng papers ng mga new students? Pwede ko bang matingnan? Gusto ko kasing review-hin ang mga backgrounds ng mga yun.”

“Sige Pres, dadalhin ko na lang sa opisina mo.”

“Okay, salamat Rhett.” Pag kasabi ko nun, umalis na si Rhett, napatingin ako sa gawi kung nasan kanina yung chuckie boy, tss wala na sya, buti naman. Hmmm, bakit nga ba di ko napansin kanina na estudyante ang chuckie boy na yun dito?

Dahil masyado kang naamazed sa kagwapuhan niya kanina? Ay leche plan! Ano ba tong sinasabi ng utak ko?

 Maganda nga sigurong tingnan ko ang background ng timang na yun.

******

So, sya pala ang next CEO ng Fordayce company, isang kumpanya ng mga mamahaling saksakyan. Hmm, not bad. Transferee at third year student na sya ng engineering, kadepartment ko pala toh. Aish! What the, kadepartment ko? Gahd! So his name ay King Rhys Fordayce? Yuck ang panget! What’s with the KING?

“Wala naman palang masyadong interesadong detalye itong chuckie boy na toh. Hmft!” pagkasabi ko nun ay ibinato ko sa ibabaw ng office table ko yung mga papers with information about kay chuckie boy. Kasalukuyan akong nasa office ng student council para tingnan ang mga backgrounds ng mga bagong estudyante, hmm baka isipin niyo kay Chuckie boy lang ako nagcheck ah, asa pa kayo, ahaha. Hay! Nakakapagod palang paupo-upo lang ang ginagawa. Inikot-ikot ko na lang ang swivel chair na inuupuan ko, nagtataka ba kayo na ako na student council president eh wala sa classroom ngayon at nag-aaral? Simple lang, wala kasi ang prof ng engineering students ngayon. Ewan ko kung nasan, wala man lang pasabi. Kala niyo siguro tatamad-tamad ako? Nah, mas masipag at mas matalino pa nga ako kay Rhett eh.

“Ano kayang magandang gawin ngayon?”  ani ko ng nakatingala at nakatitig lang sa kisame. “Wala kasi ang apat na yun ngayon dito, hays” kasalukuyan kasi ngayong busy ang apat, simula na ng mga klase nila, samantalang ako, waaah wala man lang magawa.

*kriiiiiiiing*kriiing*kriiiiiiing

Napapitlag ako sa pagkakaupo kaya naman nahulog ako sa upuan. Leche flan, sino naman kaya tong natawag na ito? Dinampot ko ang telepono para sagutin kung sino man ang tumatawag na ito.

“Hello” ...habang nag-sasalita ang nasa kabilang linya, di ko mapigilang hindi madismaya.

“Okay, I understand... yes, ... when?... okay, we’ll be there.” Di ko na hinintay na magpaalam pa sakin yung tumawag, agad ko na iyong pinatayan. Tss, agang-aga nakakabadtrip agad! I need some chips.

******

CANTEEN

Ano kayang mabili. Buti na lang at may mga klase ngayon, walang katao-tao, ligtas ako sa mahabang pila. Papunta na ako sa isang stall, dahil nahagip ng mata ko ang banana chips, yiieee favourite!

Betrothed (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon