HVB 13
<Colyn's POV>
Colyn, kausapin mo na siya. Sige na.
Kanina ko pa kinukumbinsi yung sarili ko na kausapin ko na si Edrick kaso nagtataka ako sa sarili ko at ayaw magsalita ng bunganga ko.
Kanina pa niya ako hindi kinakausap simula nung pagbalik niya pagkatapos magbayad ng Hospital Bills.
Napapansin ko din na pagnakikita niya yung bulaklak na bigay ni Hawk. Lagi na lang siyang sumisimangot. Yung simangot na halos mahahawa ka.
Tama kaya si Hawk sa mga pinasasabi niya? Teka, ako lang naman ang nagconclude sa sarili ko na nagseselos si Edrick ah.
Argh! Bakit ba ako pinagiisip ni Hawk ng ganito?
Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit sa ulo. Papaalahan ko na nga yung sarili ko na hindi na ako makikipagusap diyan sa Hawk na iyan.
"May problema ba?"
Napalingon ako bigla kay Edrick. Doon ko lang napansin na nasa Parking Lot na kami ng Condo niya.
"Masakit ba yung ulo mo?"
"Ah!" Tinanggal ko yung kamay ko na nakahawak sa ulo ko saka ngumiti. "Hindi. Hindi masakit!" Nilingon ko yung paligid. "Nandito na pala tayo."
"Obviously." Tinanggal nito yung seatbelt nito. Bago lumingon sa akin. "Kanina pa kita nakitang nakatulala at malalim ang iniisip kaya nagalala ako sayo."
"Nagalala ka sa akin?" Wow. Bago to ah.
Hindi na lang ako pinansin nito at lumabas na siya ng kotse. Tinanggal ko din yung seatbelt ko saka ngumiti. Tiningnan ko siya. Lumipat siya sa kabilang side ng kotse saka binuksan yung pintuan sa tabi ko.
Sobrang laki ng ngiti ko. Hindi niya ito ginagawa sa akin sa totoo lang. Masaya ako. Sobra. May gusto na talaga siguro sa akin si Edrick.
Sumilip ito sa akin. Nakalukot yung mga kilay niya.
"Ano pang nginingiti-ngiti mo diyan? Labas na."
Pademure akong lumabas, habang sobrang laki ng ngiti ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang palabas.
Ano ba.. Tinuck ko pa sa likod ng tenga ko yung buhok kong lumagpas sa mukha ko. Nahuhuli ko na ata ang mailap niyang puso. Hee.. Ang Korni.
Nakataas ang mga kilay nito, at mukhang nagtataka sa mga kilos ko.
"Huwag ka na magpacute. Ang sagwa."
"Hmm.." Muli kong tinuck yung buhok ko sa likod ng tenga. "Hindi naman ako nagpapacute ah." Pacute ko pang sabi. Ngumiti ako.

BINABASA MO ANG
Her Virgin Brother
Humor'Ikaw. Ayoko sayo.' sabi ni EDRIK sa Bestfriend ng kapatid niyang si Colyn. Pero ng dahil sa isang pagkakamali nagbago ang ihip ng hangin..