Encounter 1:It's My Life(Angela)

71 2 0
                                    

Angela's POV

Kriiing! Kriing! Kriiing!

"Ugh......ano ba inaatok pa ako....5 minutes pwede?"

Kriiing! Kriiiing!

"ughhhh.....wait lang maya-maya inaantok pa ako eh ..."

*SPLASH*

"Abloblobloblobloblob!" (SFX ng nalulunod xD)

"HAH! hoo! Ma naman ehhhhhhhh !!!!....inaantok pa ako...kainis naman eh " #_#

"Punyemas!Bumangon ka na kasi! May pasok ka pa ngayon...pasalamat ka nga malamig na tubig yung ibinuhos ko sayo eh...oh baka gusto mo yung kumukulo?Teka,kukuha ako sa baba."

At syempre,napabalikwas agad ako ...Aba syempre,ikaw ba,gusto mong malapnos ang balat mo?

"Ma! wag na...maaabala ka pa...hehe no thanks na lang po.You're so caring talaga...kaya mahal na mahal kita eh!..." xD

"Tse! I love you too! Sige na bumangon ka na diyan baka mamaya magbago pa isip ko niyan eh ."

Hehe...pagpasensyahan niyo na yung pag-uusap namin ha?ganyan lang talaga kami....parang mga ewan lang...kala mo galit pero un ung paraan namin para ipakita ung love namin sa isa't isa...Oh ha?taray diba?...hahaha

kaya ayun,naligo muna ako tsaka nagbihis hay,putek......bakit kasi ang ikli-ikli ng palda dun sa school namin eh...above the knee...putek...gawin ba kaming mga Japanese school girls?

ay oo nga pala,bago ko makalimutan , ako nga pala si Maria Angela Romana...oh diba?sagana sa A?kidding aside...bakit kaya ganyan ang pangalan ko?I mean hindi naman ako mahinhin para maging Maria at lalong hindi ako mabait para maging Angela...sabi kasi ng mga magulang ko,nung baby pa daw ako mukha daw akong anghel kaya ayun,pinangalanan akong Angela. Well hindi ba nla alam ang kasabihan "Looks can be deceiving?".....Para sakin kasi makapal ang mukha ko,magaslaw(pero hindi flirt ah!) tsaka medyo boyish...pero hindi ako tomboy...ganito lang talaga akong kumilos at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao...Just be yourself diba? And besides,I don't have to please them para magustuhan nila ako...achuchu!...nano-nosebleed ako sa sinabi ko...masyadong makabuluhan..hindi ako sanay....makakaba na lang nga...

pagbaba ko ng hagdan,nakita ko ang aking mga pinakamamahal na kuya namely Kuya Emerson and Kuya Zane....kumakain na sila kaya kumuha na rin ako ng sariling plato at nagsimula na ring kumain....

"Oh,ba't parang na-late ka ata ng gising?" tanong ni Kuya Emerson

"Hehe...masipag akong bata kaya marami akong ginawang homeworks kaya napuyat ako"

"Sus,homeworks nga ba?Baka naman puro panonood lang ng movies inatupag mo" sabi ni Kuya Zane

"Hindi po kaya! ...ipakita ko pa sayo yung mga homeworks ko eh."

"Sige nga patingin."

aba at mukhang nanghahamon pa 'tong isang 'to?pero wait...bakit kasi ang shungaks ko ..sinabi ko pang ipapakita ko sa kanya eh hindi naman kasi talaga kahapon ginawa yung mga homeworks ko eh...nung isang araw pa...patay ako nito ....

"Asan na?patingin ako.."

"Oh sige na! sige na!.....aaminin ko na....nonood lang ako ng movies kahapon."

"Sabi na nga ba eh.."

"eh pero,ginawa ko naman ung mga homeworks ko ng maaga eh...eh since wala naman akong magawa kahapon,nanood na lang ako."

A.C.E.(A Changing Encounter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon