Himamaliw

447 4 2
                                    

Bakasyon noon, nagplano ang aming buong angkan na magpiknik, at ang napagkasundoan na lugar ay sa tinatawag naming "Mini Boracay". Ito ay isang maliit na isla sa probinsya namin na maihahalintulad sa Boracay dahil sa puti at ganda ng buhangin doon. Aabutin ng isang oras ang byahe gamit ang bangka mula sa bayan namin papunta sa nasabing lugar. Hindi pa naaabot ng elektrisidad ang lugar na iyon dahil wala naman nakatira sa isla. Wala ring pagkukunan ng tabang na tubig sa lugar at tanging mga puno lang ang naroon.

Pagsapit namin sa isla ay naging abala na ang bawat isa. Kaming mga kabataan ay abala na sa panglalangoy sa dagat at ang matatanda naman ay abala sa paggawa ng aming masisilungan na gawa sa dala naming tolda.

Habang kumakain kami ng aming tanghalian ay nagbabala ang aking ama, "Huwag kayong lalayo mga bata, dito lang kayo sa nakikita namin." sabi nya sa amin ng mga pinsan ko. "Kayo naman ay bantayan nyo ang inyong mga anak at baka kung mapano." wika naman niya sa mga kapatid niya.

Matapos ang aming tanghalian ay nagpahinga na ang ilan sa amin, samantalang ako ay namasyal muna sa baybayin. Gusto ko sanang libutin ang magandang baybayin ng maliit na isla.

Hindi pa man ako nakakalayo sa mga kasamahan ko ay may umagaw ng pansin ko, may lumikha ng kaluskus sa itaas ng punong kahoy malapit sa pinagkakatayuan ko. Lumapit ako sa puno upang siyasatin kung anong meron sa itaas nito. Nakita ko na may isang maputing bagay na gumagalaw sa sanga ng puno. Kumuha ako ng bato upang batuhin ang bagay na nakita ko, pero biglang lumundag ang isang puting ungoy sa katabing sanga.

Namangha ako sa aking nakita dahil ito ang unang beses ko na makakita ng kulay puting ungoy. Sinundan ko ang ungoy, nang papasok na ako sa masukal na kakahuyan ay may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang tumawag sa akin, ang tito ko pala.

"Saan ka naman papunta at nandito ka sa sukalan?" tanong niya sa akin habang papalapit.

"Tito may nakita po akong isang puting ungoy." ang nasabi ko habang nakatingala sa puno at itinuturo ang isang sanga. Nagulat ako dahil wala na don ang ungoy at di ko na makita. Tumingala din ang tito ko subalit wala kami pareho nakitang puting ungoy. Inaya na ko ng tito ko na bumalik na kami sa mga kasamahan namin.

Pagdating namin sa aming kubo ay nagkwento ang tito ko sa ama ko na may nakita raw akong puting ungoy. Sabay sabat ko sa pagsasalita ng tito ko, "Opo tatay kulay puti ang ungoy at ang galing tumalon sa mga sanga ng kahoy, sinundan ko pa nga po!" parang nagyayabang pa ako sa pagkukwento ko.

"Anak sinabihan ko kayo kanina na walang lalayo diba?" ang nasabi sakin ng tatay ko na parang may galit sa tuno. "Buti na lang napansin ka ng tito mo at sinundan ka." dugtong pa nya.

Matapos akong pagsabihan ay nag-aya na ng pag-uwi ang ama ko. Hindi ko alam kung bakit pero minadali nila ang pagliligpit ng aming mga gamit at sumakay na kami sa bangka upang makaalis na sa isla.

Habang nasa bangka kami at nagbabyahe ay kinausap ako ng aking ama. "Anak huwag ka sa aking magtampo dahil nag-alala lang ako at takot ako na baka may mangyari sayong masama."

"Bakit po 'tay? Ano po ba nangyari, bakit bigla tayo umuwi? ang pagtataka ko naman.

"Anak baka ang nakita mo ay isang himamaliw." ang nasabi nya sakin.

"Ano po ang himamaliw?" dugtong kong tanong.

"Ang himamaliw ay isang kakaibang uri o bagay na hindi ordinaryo. Nagpapakita ito sa mga bibiktimahin niya. Nag-aanyo itong kaakit-akit sa paningin ng taong nagugustuhan nila para makuha nila ito." paliwanag na ama ko.

"Ano po ang ganun?" ang pag usisa kong dugtong.

"Ang paliwanag sa akin ng lola mo ay isa silang uri ng masamang engkanto o kampon ng demonyo. Kinukuha nila ang buhay ng mga nagugustuhan nilang tao. Hindi ko alam kung papaano pero natatagpuan na lang daw na patay na ang biktima ng di alam kung ano ang dahilan."

Natahimik na lang ako sa mga nasambit ng ama ko, pero sa kalooban ko ay may namumuong takot at ang daming mga katanungan sa isip ko ang naglalaro.

Mula noon ay pinagsabihan na ako ng ama ko na huwag na akong babalik pa sa lugar na pinanggalingan namin. Hangang may natuklasan ako na mga kwento tungkol sa isla na pinuntahan namin.

Sabi nila, kada taon daw ay may namamatay sa Mini Boracay sa tuwing sasapit ang bakasyon at mahal na araw. May ilan daw sa mga namantay doon ay natagpuan na lang ang bangkay sa kakahuyan na nakahandusay at di alam ang dahilan, wala ni isang sugat o galos man lang sa katawan. Mayroon din daw nakikita na nakalutang na lang sa dagat ang bankay, samantalang mahuhusay o marurunong naman lumangoy ang mga namatay.

At dahil narin sa mga kuro-kuro ng maraming tao sa aming lugar ay naisip ko na isa ngang himamaliw ang nakita ko dahil imposible naman na magkakaroon ng puting ungoy sa lugar na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HimamaliwWhere stories live. Discover now