♔ Completed ♕

682 25 11
                                    

Edward's P.O.V.

I can really say that I'm an excellent stalker of you, Marydale Entrata. I've been following you for a long time already, yet kahit isang beses ay hindi mo ako napansin. Or baka naman napansin mo ako, di mo lang pinapahalata sa akin?

I miss you. I miss talking to you. I miss laughing with you. I miss annoying you. I miss it when you call me by my name. I also miss calling you by your name. Everything, May... I miss everything about you.

Your straight, long hair that perfectly falls na dati rati'y wavy pa at medyo magulo. Your thick eyeglasses dati na ngayo'y pinalitan mo ng contact lens. Your hatred of using makeups na ngayo'y naging habit mo na. Your goodness in everything na ngayo'y unti-unting nawawala na.

Maymay, di pa ba talaga kita kilala? O sadyang nagbago ka lang talaga?

You ran away from home, bought a condo unit and lived there. Your parents know about it. Ayaw lang nilang ipaalam sayo kasi alam nilang pag nalaman mong alam nila kung saan ka ngayon nakatira, ay mas lalong lalayo ka pa. I always visit your family's house. Walang araw at gabi na hindi sila umiiyak. You're their beloved unica ija and it breaks their heart that you chose to live away from them.

Nalaman ko din na heart breaker ka na ngayon. Like ng nangyayari ngayon. You're talking to Cornillo Yong.

"Yong, I don't love you. I'm breaking this up." walang emosyong usal mo sa harap ni Cornillo.

"B-but Maymay naman, Saan ba ako nagkulang? Binigay ko naman sayo ang lahat ng gusto mo." pigil iyak na sabi ni Cornillo. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata at iniiwasan nya ang urge na tumulo iyon.

"Tsk.", singhal mo. "Lahat ba kamo? Pwes para sakin, kulang pa iyon."

Napaatras bigla si Yong. "Ano pa ba kulang? Sabihin mo May. Ibibigay ko sayo. May magttwo weeks palang tayo, break na agad?"

Nang masabi ni Yong iyun, nginitian mo siya. Yung mapait at tipid na ngiti. "Wag na. Di mo maibibigay sakin ang kaisa-isang gusto ko. Tsaka ano ngayon kung magttwo weeks pa lang tayo? Nakalimutan mo atang heart breaker ako at never akong nag aaksaya ng panahon sa oh so called na love na yan?"

Magsasalita pa sana siya ngunit pinigilan mo siya. "Excuse me. I'll be going back to the classroom." Di mo na hinintay ang sagot nya at nag walk out ka kaagad.

Naiwang mag-isa si Yong at maya-maya'y nagsimula nang pumatak ang kanina pa niyang pinipigilang luha. Umalis na ako doon kasi baka may makakita pa sa akin.

Nauna akong pumasok sa classroom. Wala pa ang lec nung nakapasok ako. Ngunit lumagpas na ng 10 minutes ay wala ka parin. Saan ka na naman ba pumunta ha? Ngayon ay late kana, kasi andito na ang lec.

The lecturer was discussing about the next lesson when someone entered the room. It was you. Busangot na busangot ang mukha mo. Talo mo pa ang nilalang na binagsakan ng langit at lupa.

"Ehem. Good morning Miss Entrata." bati ng lec.

Di mo siya pinansin at nagdire-diretso kang pumunta sa upuan mo. Chemistry ang subject ngayon at buong akala ko'y makikinig ka since fave subject mo yun. Pero I was wrong. You took out from your bag your cellphone and its earphones. Nilagay mo yun sa dalawa mong tenga at naka max ang volume, tsaka ka padabog na nagnap sa armchair.

Saglit kang tinignan ng lec at umiling-iling pa ito. "Heaven, kindly wake Ms.Marydale", turo ng Lec sayo na nakaub-ob parin ang ulo sa armchair.

Medyo nabigla pa si Heaven nun at maya-maya'y sinimulan ka nang gisingin. "Dale, Dale, wake up. Pinapagising ka ni Ma'am."

Stalker [MayWard Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon