Her name spells trouble

186 3 0
                                    

RECAP:

Nakatiim bagang naman niyang tinanggap ang biskwit na bigay nito at yumuko ulit. Maingat naman siyang tinanaw ng batang babae.

"Sa susunod wag ka kasing pumayag na saktan ka. Bakla ka ba?! Diyan ka na nga!" Dagdag pa nito sa batang lalake at patakbong lumabas sa kanilang classroom.

Matagal niyang tinignan ang biskwit at tinignan ang pintong linabasan ng batang babaeng lihim na inaalagaan niya sa bata niyang puso.

Binuksan niya ang pakete ng biskwit at kumuha ng isang piraso, kinagat niya ito at parang timang na ngumiti sa kawalan pagkatapos ay tumingin ulit siya sa pintuan.

"Arsenal Palomino, ang ganda mo!"

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Arsi! Oh ano? game ka mamaya?!" Yugyog sakin ng kaibigang kong si Mikee.

Ano ba! Istorbo!

"Shit Mikee, tamong natutulog ang tao eh! Istorbo!" Angil ko sabay upo ng maayos sa desk ko.

"Sus! Eh sino ba nagutos sayong mag-aral mag damag? Ang dami mo tuloy namiss out kagabi!" Saad naman nito sa akin.

Well, si Daddy kasi. Ayon galit na galit pagkatapos makita ang grades ko. Nasa senior high na ako ngayon. Sabi niya, pag hindi raw mag improve ang grades ko babawiin niya lahat ng gadgets ko, pati ang car ko! Naaalala ko pa ang sagutan namin kagabi.

"Arsenal! What the hell is this?! Bat ganito ang grades mo?!"

"What dad? Ok naman ah." Patay malisya kong savot sa kanya.

"Anong okay dito?! Ang bababa ng grades mo! Grade ba ito ng isang matinong babae?!"

"Dad naman. Mana lang ako sa inyo. Shocked kayo eh sabi ni Daddylo ganyan na ganyan rin nga kayo noong nagaaral pa." Cool ko pang tugon.

Hay nako, si Daddy talaga! Ang oa!

"Manuel, manuel, ano na naman yan? Ang aga aga binubulabog mo ang buong mansiyon." Maagap na tugon namn ng aking lolo out of nowhere.

Kita mo pati si Daddylo nagising tuloy dahil kay Dad. Ang ingay kasi!

"Kaya ganyan yan Dad, kinukunsinti niyo parati! Kaya di nagtitino yan eh!"

"Daddy naman ang ingay na, okay lang yan—"

"Shut your mouth, Arsenal! I'm telling you, kapag hindi ka nagtino, tatanggalin ko lahat ng mga things mo! Lahat pati credit cards mo! Sagad na sagad na pasensya ko sayong bata ka!"

"But dad! You can't be serious!."

"Daddy, don't be too hard on her." Agap naman ni mommy na nakababa na pala galing sa taas.

Iwinasiwas lang ni Dad ang kanyang kamay sa kawalan at hinilot ang sentido ng kanyang ulo. Hindi niya pinansin si mommy and that means game over for me. Ang lakas kaya ni mommy kay daddy pero mukhang hindi ito umubra ngayon. He's deadset on his plan talaga of making my life mesirable.

"I can and no buts for you young lady! Fix yourself or else i will and you'll never like it!" Pinal na sagot niya sa akin.

"Sus, di kana nasanay kay Tito, ngayon lang yan. Ano sasama ka ba o hindi? Mageenjoy ka mamaya, promise!" Ungot naman ni Mikee.

Hay ang kulit din ng isang ito eh.

"Oo na! San ba yan? Last na to ah, lie low muna ako ngayon. Seryoso kasi si dad eh. Alam mo na."

Nagkibit balikat naman ito.

"Oo nga, you'll gonna love this! swear!" Excited na tugon naman nito sakin. Her eyes glimmering with mischief.

Oh that look in her eyes, i smell trouble, well, i don't mind, my name spelled trouble anyway.

Menace (A Tanner Mata FanFic)Where stories live. Discover now