"Finally!" Chia exclaimed when she saw Luna. Kanina pa itong umaga sa airport, hindi kasi sinabi ni Luna kung anong oras ang flight nito so she panicked. She drove to the airport without considering the fact that Canada's 14 hours and 30 minutes away. Kahapon pa kasi ito bumyahe but she didn't know the exact time.
"Nangyari sayo?" Luna asked her friend nang makita nito kung gaano kabusangot ang mukha nito.
"Gutom na gutom na ako" Chia said emphasizing each word.
"Tara na, ililibre mo 'ko. Ang tagal kong naghintay" Hinila na siya nito ng kaibigan papunta sa kung saan nakapark ang sasakyan. Chia didn't bring Dan with her.
"Si Dan?"
"May meeting daw eh. Sasama sana kaso yung isa kasi jan hindi manlang nagpaabiso ng mas maaga kung kailan ang flight" Inirapan siya ng kaibigan kaya't natawa nalang siya. Ganun pa rin si Chia, she easily gets so annoyed.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ng kaibigan.
Luna tried to think of something that she wants pero mukhang imposible dahil bukod sa traffic ay past lunch na.
"Gusto ko ng seafood. Pero bukas nalang, drive thru nalang muna tayo. Gusto ko na ring matulog"
Chia nodded as she drove to the nearest food chain na may drive thru. After buying their meals, they headed straight to Chia and Dan's place. It was just a bungalow, just enough for the two of them, dito sila pansamantala habang ginagawa pa ang bahay na titirhan nila.
"Sigurado ka bang hindi ako istorbo sainyo ni Dan?" I asked since they also need some privacy. Not that I am to invade them— iba pa rin kasi kapag mag-asawa o isang pamilya iyong makakasama sa isang bahay.
"Oo naman. Don't tell me you're planning to stay in a hotel? Pagagalitan lang ako ni Tita"
"Nakakahiya sainyo eh"
"Jusko ka, Luna! Para kang others. We haven't met for four years, bawiin mo naman ngayon yun"
Inirapan niya nalang si Chia dahil alam naman niyang wala siyang laban ngayon dito dahil may kasalanan nga siya. She left her friend.
"Kailan nalang ang kasal?" Pag-iiba nito ng usapan.
"In two months na and we still haven't found someone who could make our prenup shoot. Do you know anyone?" Chia's face started to look worried and stressed.
She shrugged because apparently, she doesn't know anyone here except for Chia and Dan. All her friends from college? She doesn't know.
"Alam ko na!"
Nauntog si Luna sa bintana nang biglang sumigaw si Chia out of nowhere. Her face was lit up, looking so excited.
"Nanonood ka ba ng mga prenup videos ngayon? Yung may mga stories. Yung mukhang short film?"
Napakunot ang noo ni Luna but she nodded because that became her stress-reliever. Natutuwa kasi siya sa panonood ng mga shortfilm na katulad ng sinasabi ni Chia. Nabibigyan ng mas magandang memory iyong journey ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao. Pangarap niya ito when she was in College. Lalo na't tuwing may activity noon ay siya ang Director at Script Writer, she could actually hold the whole production. Maging musical director, wardrobe at mismong production siya ang punong-abala.
"What about it?" Luna asked.
"Make one for us!"
******
Gabing-gabi na nang magising si Luna. Dumiretso na kasi itong nagpahinga nang makauwi sila.
She stood up to tidy herself so she could go outside and get herself a snack. The only meal she had the whole day was the one they ordered.

BINABASA MO ANG
Never Not Looking Back
RomanceSolomon have always dedicated his days waiting to capture the beauty of sunsets. Luna spends her nights writing about the moon. Kung tutuusin ay walang pinagkaiba ang mundo nila. They were both buried in their passion, their dreams-that they forgot...