Pag amin
Gumawa ng paraan upang lubusan mong makilala
Sa dami ng nakapaligid para akong supot na bala
Nauutal ang bibig tuwing malapit ka
At ang planoy nasisira dahil sa pagkatangaNiregaluhan kita ng paborito mong tsokolate
Iniwan ko ito sa iyong lamesa, kakuntyaba ang mga kaklase
Kinilig lahat mapa babae o lalaki
Pero sa loob loob ko lang isa na kong nagwawalang elepanteNatanggap mo raw ito at nagustuhan
Sayang kasi di ko nasaksihan
Ano pa kaya ang aking matutuklasan
Sa iyong gandang walang katapusan.➡magkalapit
BINABASA MO ANG
Sulat
PoetryAng storya ng panliligaw gamit ang malikhaing pagtutula sa mga salita na di tataas ng isang daang salita. Maraming maling salita pagkat una ko itong gawa. Hindi ako propesyunal na manunulat. At 'di ako yung tipo na subsob sa mga aklat. Pagpasensiyah...