Maggagabi na ng makarating kami sa bahay. Oo sinama ko si cindy para kausapin si carlo pero mukhang hndi pa umuuwi yung babae.
Nandito kami ngayon ni cindy at tinutulungan si mamita na mag luto for dinner.
"Kaila anak" kalabit sakin ni mamita . Nilalagay ko yung mga ginrocery ko sa ref. Si cindy naman ay hinuhugasan yung ibang gulay at meat na gagamitin.
"Bakit po mamita? "
"Eh kanina ko pa napapansin yung kaibigan mo na mukhang asar na asar na naghuhugas doon"
Turo nya kay cindy at malapit na magkandalasug lasog yung gulay.
"Hayaan nyo na po mamita. Masama lang loob sa alaga nyo."
"Huh? Kay carlo? At bakit naman? "
"Sino po ba yung babaeng kausap ni carlo mamita? "
"Si karylle, sya yung kaibigan ni carlo na sekretarya nya na ngayon. Nag aaral din yan sa university na pinapasukan nyo. Sa totoo lang kararating lang nya galing america at dito muna sya maninirahan "
Nagiging shelter na itong bahay. Pansin ko lang naman.
"WHAT?!!! TOTOO BA YAN MAMITA?! "
nagulat kami ni mamita sa biglang pagsigaw ni cindy. Nakikinig na pala sya sa amin."Ah eh. Oo cindy. Teka yung niluluto ko."
Pumunta na si mamita sa niluluto nya."Ughh!! Tapos sa iisang bubong pa sila titira?! Lagi nila makikita at makakausap ang isa't isa. Dapat pala di muna ako nakipag bati kay dad para nandito pa ako. "
Reklamo ni cindy at mukhang mas lalong asar na asar na."Mams!!! I'm hungry! I want to eat fruits! "
"Cindy samahan mo na lang si ashley kumuha ng prutas sa kabilang ref."
Walang nagawa si cindy at sinamahan naman si ashley.
*******
Nasa hapag - kainan na kami at nandito na rim si daddy. Waah miss ko na tuloy si carl ko. Baka mamaya may ginagawa na si janice sa kanya.
"Cindy , buti at napadalaw ka dito. " sabi ni daddy.
"Opo tito. LAGI na po akong dadalaw dito. " pinagdiinan talaga yung LAGi. Tinignan naman nya si carlo na nakikopagtawanan kay karylle.
"Maganda yun iha. Para naman may kausap si kaila dito matagal tagal pa makabalik si carl. Sya nga pala kilala nyo na ba ang kaibigan ni carlo? "
Umiling naman kami ni cindy
"Ganun ba. Carlo ipakilala mo naman si karylle. "
"Ahm. Sure dad. Karylle this is kaila, kuya carl's wife. "
Inilahad nya yung kamay nya at tinanggap ko naman iyon.
"Nice to meet you kaila. I hope we can be friends ." Sya at ngumiti. Mukha namang mabait at hindi katulad ni janice.
"*ehem* and she is cindy, kaila's bestfriend."
Pakilala kay cindy na malapiy ng mabali ang tinidor.
Hindi yata narinig ni cindy kaya siniko sa tagiliran .
"What?!. Ah eh a-ano yun kaila ??" Naku naman cindy. Nginuso ko si karylle na mukhang ngalay na ang braso.
"Sorry. Nice to meet you katty."
"Cindy hindi katty, karylle."
Bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY Father's DEBT
RomanceAko si kaila ashie lopez isang laki sa hirap, nakatira sa isang squater pero masaya! Sa hirap ng buhay never akong nakaranas magkaroon ng bagay na mga nakikita ko sa mga mayayamang tao pero kuntento na ako sa mga bagay na mayroon ako. Si nanay,tatay...