Chapter 2 - Feat. Valak

195 13 24
                                    

Sashna's POV

Kanina pa ako dito hindi mapakali. Ano ba to? Hindi ko na kaya. Baka mapahiya pa ako dito kung pipigilan ko lang ito.

Napatingin ako sa baba, syet ng kalabaw. Pinawisan tuloy ako.

Di ko na kaya, kung uupo lang ako dito huhu, baka may mangyari pa sa akin.

Hindi ko to puwedeng pigilan pa, huhu. Napatayo ako bigla, syet ng kalabaw.

Waaaaa!

"Frea, samahan mo ako! Please, di ko na kaya!"

"Sashie, waaaa, bakit? Anong nangyari?" Etong best friend ko, napaka oa talaga kahit kailan.

"Naiihi na ako!"

"Akala ko ano, waaaa, Sashie, huwag mo akong ipagalala ha? Di ko kakayanin kung may mangyaring masama sa'yo." Ayt. Na touch naman ako pero syet ng kalabaw, naiihi na ako.

Tumayo siya tsaka sinamahan niya ako, nagpaalam muna kami kay Hexa, isa ko pang best friend pero as usual, tiningnan lang niya kami tapos bumalik ulit sa hawak niyang libro. Ayt naman.

Linibot na namin buong venue pero Restricted lahat, anong klaseng party to na hindi man lang puwede ang mga cr? Iihi ba ako dito sa tabi tabi, ayt, huwag na baka may magtsansing sa akin.

Ayt! Bastos nila, ipakain ko sa kanila napakagandang pwet ko.

"Waaaa, ano ba yan? Wala man lang cr dito. Aish." Napakamot siya sa ulo niya, ayt, alam ko na! Whahaha, atlast, hinila ko siya kahit di ko na talaga kaya.

Tumakbo kami tapos nakarating kami dito. Sa harap ng school, no choice, eh.

Tiningnan ko lang yung gate, huhu, kinabahan ako bigla, walang tao ngayon dito, mabuti nalang kasama ko si Frea.

Teka, asan na siya? Syet ng kalabaw, ngayon pa siya nawala, huhu, palagi nalang siya nawawala kapag kailangan ko siya.

Kakayanin ko tong mag isa.

"Whahaha!" Huhu. Parang tanga na ako, hindi lang ako nakakaihi, nagkakaganito na ako, ayt, mapapatanong nalang si twitter ng what's happening?

Linibot ko ulit paningin ko, baka sakaling makita ko ulit si Frea, hindi puwedeng umiwas pa ako kasi hindi ko na talaga kaya, huhu, life, bakit ganito?

Pumasok nalang ako dahil hindi ko nakikita si Frea, nawala bigla, hanoba yan.

Paano na kung makita ko bigla si Valak, syet ng kalabaw naman, di ko kakayanin, baka ma wushu ko bigla yang madreng pangit.

Mabagal lang akong lumalakad sa hallway habang naghahanap ng cr, ayt, mas nakakatakot pala sa cr huhu.

Nang makita ko agad ang cr, tumakbo ako, jeske, akala ko may Restricted na naman na nakalagay, nakahinga ako nang maluwag.

Pagpasok ko, sobrang dilim, huhu, may multo ba dito, magparamdam na po kayo, para maihanda ko naman sarili ko, syet ng kalabaw, huhu.

Lumabas kaagad ako, waaaa, nakakahinga na ako nang maluwag, matutuwa sana ako pero napansin kong nag iba bigla ang aura ng hallway.

Mas lalong dumilim tsaka ang lamig, mainit naman kanina, ang bad ng madreng yun, huhu, hindi naman kagandahan, ayt.

Mabagal akong naglakad pabalik ng gate pero nang nasa kalahati palang ako ng hallway, may bigla akong narinig, tapos lumamig na naman, ayt, gusto kong tumakbo pero baka madapa ako, huhu.

Dinaanan ko agad yung isang daanan, ang bilis ng tibok ng puso ko, huhu, pero nung lumingon ulit ako, syet ng kalabaw.

Waaaaa! Tangina si Valak nga, sinipa ko kaagad yung ano niya, huhu, ewan nalang kung babae ba yun o lalaki, whahahaha, medyo natuwa ako pero tumakbo ako kaagad patungo sa dulo ng hallway nito.

Our Love's DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon