Chapter 3 - Meet Mr. Cold

75 6 4
                                    

Krishna's POV

Life is short kaya mas mabuting matulog nalang tayo habang maaga pa, tamad talaga ako kaya hayaan niyo na, at least, maganda pa rin tsaka cute. Wihi!

Magpapasalamat talaga ako kay Mom sa kama ko, sana ako nalang si Aurora, para natulog nalang ako buong buhay ko. Mas masaya pa yun dahil wala kang iniisip na kahit ano tapos nasa loob ko ng iyong sariling paniginip.

You can do whatever you want. Straight english pa yan, wihi, I'm so proud.

Habang abala ako dito na natutulog, may biglang humawak ng braso ko tapos hinimas himas pa yun. Teka, hinimas himas? May rapist, psh. Hindi na ako nagulat. Hindi pa siya tumitigil tapos hinawakan na naman legs ko, siyempre umakto muna ako na natutulog.

Paano kaya nakapasok tong rapist na to? Security talaga dito sa bahay palaging palpak, bwiset, natutulog ako tapos eepal tong rapist. Hindi ako natatakot dahil alam kong cheap to.

Kailangan din ang perfect timing para hindi masablay, nang naramdaman kong parang papalapit na siya sa mukha ko. Sinapak ko agad siya bago idilat yung mga mata ko. Nag aral to ng martial arts, akala lang niya ha.

"WAAAAA!" Hala, ba't siya sumisigaw, hindi ko pa rin nakikita nang maayos yung mukha niya pero pambabae yung boses, omg, baka bakla.

"Ya! Sis, why did you that!? I was just teasing you!" Ay syet, Sis tawag niya sa akin so kapatid ko? Omg, kapatid ko, kawawa naman, malakas pa naman yung pagkakasapak ko, haha.

"Paano kong malalamang ikaw yun? Akala ko kasi rapist." Sinamaan niya ako ng tingin, aish, ang lakas naman kasi ng topak, baliw talaga itong kapatid ko.

"Look at what you've done! Come closer!" Demanding much, linapitan ko siya tapos tinanggal niya yung pagkakahawak sa pisngi niya, sakto pala na sa pisngi ko nasapak, mapula pula siya pero hindi naman talaga pula so hindi yan masakit, oa lang talaga kapatid ko.

"Ya! You evil sister, don't even blink! Keep staring at it!" Aish, meron ba akong hindi nakikita? May topak talaga tong little sister ko, bukod sa maarte na, topakin pa. Tinitigan ko lang yun, bakit ko ba titigan tong pangit na pisngi niya?

"Pandak, huwag mo nga akong sigawan tsaka ba't ko ba titigan tong pisngi mo, wala nama--" Nanliit pa ako para makita niyang tinititigan ko talaga bang mabuti. Nagulat ako nang bigla niya akong sinampal sa pisngi nang malakas, aba ang hapdi, feel ko namumula nang konti, bastos, psh.

"And now we're even" Ngumisi siya tapos tinarayan niya ako. Mapagkakamalan ko na talagang nakadrugs tong kapatid ko.

"Hoy Kishna, hindi kita tinuruan ng martial arts para maki away, para self defense lang yun!" May problema pala to sa utak kaya nagsisisi akong tinuruan ko to.

"Why? Isn't that called self defense?" Nginisian niya ako tapos lumayas na, nagshashabu na ata itong little sister ko, aish. Saan niya natutunan yung mga salita na yun, bad influence talaga mga kaibigan niya.

Hihiga na sana ulit ako sa kama nang may umepal.

"Oh by the way, evil sister, aren't you getting ready? I heard the school is having a party." Party? Anong gagawin dun? Wala namang exciting sa mga party, eh.

Our Love's DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon