chapter 7 : tula [short update]

25 0 0
                                    

(so mga bes!!!! ito muna hehe spoken word poetry or tula basta yun sana magustuhan nyo!!)

————————————————

akala ko tayo na hanggang sa dulo
akala ko minahal mo ko ng totoo
akala ko okay ang lahat
akala ko'y ikaw ay tapat
akala ko mahal mo talaga ko
yun pala intensyon mo lang na saktan ako

nakakapagod umasa
nakakapagod magpakatanga na iniisip na may pagasa pa kahit pinapamukha mo sakin na wala na
nakakapagod masaktan
nakakapagod matulog ng luhaan gabi gabi na akala mo naman naging tayo noong nakaraan.

sabi mo ako lang sabi mo di mo ko papagpalit
pero nung minahal mo ko halatang pilit
ngayon may bago ka na
haha okay lang ang gusto ko lang naman maging masaya ka

ngayon hanggang dito nalang ako, aasa na may pagasa pang magkabalikan tayo
hanggang dito nalang ako na maghihintay na bumalik ka sa piling ko
hanggang dito nalang ako hanggang tingin nalang sayo
hanggang dito lang ako bilang taong dating minahal mo

alam mo ba kung gaano kasakit?
na simula't sapol sakanya ka na naaakit?
alam mo ba kung gaano kasakit
na titiisin mo lahat ng sakit kasi wala ka namang karapatan magselos, umiyak, magalit kasi wala namang kayo.

ngayon, pagod na ko.
wala nang kukulit sayo.
wala nang pipilit sayo na sana sya'y kausapin mo.
wala nang aasa na ako'y mahalin mo.
wala na ang taong minamahal ka ng totoo, napagod na sya.

masyado na syang nasaktan
masyado nang maraming gabi na natulog sya nang luhaan
masyado nang mahirap kimkimin ang sakit na nararamdaman
masyado nang mahirap na ikaw pala'y may nararamdaman.... para sa iba.

alam kong mas maganda sya
mas kilala
mas maganda katawan
mas katuwaan
pero eto tandaan mo
na kahit di ako katulad nya minahal kita ng totoo
ngayon pagod na ko.
pagod na pagod na ko.

mahal na mahal kita.
sana nga hanggang ngayong tayo pa.
pero wala di tayo tinadhana.

gisingin mo nalang ako pag ako na ulit ang mahal mo.
gisingin mo nalang ulit ako pag naghiwalay na kayo.
gisingin mo na ko sa katotohanan na walang naging tayo.
gisingin mo na ko na hindi na ako yung taong mahal mo.

mahal kita, lahat ang aking tiniis para lang ika'y sumaya.
kahit na gustong gusto ko nang umiyak
di ko magawa kasi ano nga bang karapatan ko?
wala namang tayo
di naman ako yung mahal mo

minsan gusto ko nalang sumuko
pero may pumipigil sakin na sinasabing may pagasa pa tayo
KAHIT SINASABI NA NG LAHAT NA WALA, ANDITO PARIN AKO
WAG KA SANANG MANHID NASASAKTAN DIN AKO,
KUNG NASAKTAN KA DATI MAS NASAKTAN AKO,
NAPAKALIIT NG PROBLEMA
PINALAKI MO,
SIGURO YUN YUNG DISKARTE MO PARA MAHIWALAYAN AKO?
MAS MADALI KAYA KUNG SINABI MO,
NG HARAP-HARAPAN,
WALANG SIKRETONG TINATAGO ,
LAHAT ILALABAS,
LAHAT SASABIHIN,
MASAKIT MAN KAILANGAN TIISIN, KASI ANONG MAGAGAWA KO EH HINDI NA NGA AKO YUNG MAHAL MO!

masakit, oo. PERO PAG NAGMAHAL KA MASASAKTAN KA NG TODO, MAS LALO NA PAG MINAHAL MO NG TOTOO.
ano nakakapagod noh?
pesteng buhay toh.

paalam na.
mahal kita pero nakakapagod na.
ayoko nang makaramdam ng sakit at selos kahit wala akong karapatan.
ngayon sorry pero ngayon ika'y akin nang bibitawan.

mahal na mahal kita, pero nakakapagod na.

WALANG FOREVER (there's no such thing as forever)Where stories live. Discover now