Chapter 1: Encounter

877 20 1
                                    

Marigold, pwede bang ihatid moto sa tyahin mo. ?

Kinuha ko na kaagad ang supot na hawak hawak ni tita Celia.

Bumalik ka kaagad, madami pang gawain dito sa bahay. Baka kung saan saan ka na naman mapadpad. Tugon niya. Hindi naman ako napapadpad kung saan saan, may mga tao lang talagang ayaw akong tigilan kaya nalalate ako ng uwi.

Umalis na ako para maka uwi kaagad. Paglabas ko ng pinto parang may kung anong hangin ang dumaan na dumampi sa balat ko, sa sobrang lamig tumagos pa ito sa suot kung jacket. May nakita akong lalaki, puti ang buhok na akala mo esnow sa puti. Uso ba ganyang buhok ngayon?
Hindi ko nalang yon tinuonan nang pansin dahil sa wala naman akong paki at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nasa kabilang kanto lang naman ang bahay ni tita Helen kaya makakabalik kaagad ako.

Few minutes later

Tita, pinapapabigay po ni tita Celia.

Ahh, salamat Mari. Saktong sakto lang dating mo. Pansahog ko sa niluluto kong ulam. Maiba ako, kumain kana ba? Dito ka nalang kumain, malapit narin naman itong maluto.

Salamat nalang po tita, pinapabalik kaagad ako ni tita sa bahay.

Sige. Mag iingat ka.

Umalis na ako para maka uwi kaagad. Paglabas ko may nakita na naman akong lalaking naka itim.

"Whats happening? Kanina lalaking puti ang buhok, ngayon naman lalaking naka itim na cloak?" Sabi ko sa sarilk ko. As usual wala naman akong pakialam kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Habang naglalakad ako, may nararamdaman akong parang sumusunod sa akin. Lumingon ako ng kaunti para lang ma confirm ko na may sumusunod nga sakin at ayon meron nga. Mga lalaking naka itim. Katulad nong lalaki na naka cloak na itim. Bakit nila ako sinusundan? Nagmamadali akong naglakad. Hindi ko na napigilan at tumakbo na ako na siya namang pagtakbo nila. Malapit na ako sa bahay ng biglang sumabok anh bahay. Natulala ako. Hindi ko alam anong gagawin ko. Si Tita Celia, si Gavin at ang mga pinamana ni mama at papa lahat sila nasa loob. Hindi ko masabi at ma explain ang nararamdaman ko, may halong galit at sakit. Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ang mga nakasunod sakin kanina.

Dahil sa shock na nakuha ko, hindi ko kinaya ang nangyari at nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.

Where am I? Tanong ko sa sarili ko pero hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakasabi ko pero may sumagot.

Nasa Elementalya ka iha at tinignan ko ang nagsalita. Isang ermetanyo?

Elementalya? Nasa Luzon pa ba ako? Wait nasan sina Tita, si Gavin, nasan yong bahay namin. Sa sobrang taranta ko tumakbo ako kaagad para hanapin sila to be exact, ang daan papunta sa bahay namin, sa bahay nila tita Celia.

Iha sandali. Iha. Hindi ko na pinakinggan ang ermentanyo baka kasi taong kalsada lang siya at wala siya sa sariling pag iisip.

"Nasaan naba ako? Bat puro puno tong nasa paligid. Nasa isang bundok ba ako?"

The Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon