Chapter Six *SUZY?*

808 39 22
                                    

Chapter Six {SUZY?}

|Zeeya Park's POV|

"Monster oh." inabot ko yung coat niya. Parang tanga -- ang inet inet nakacoat. Kinuha niya lang ito at nagsimula na naman akong iwanan. TSK. TSK.

Teka? Diba sabi ko Monster -- not Master pero hindi niya ako sinaksak ng masamang tingin o sinigawan. Baka naman MASTER ang rinig niya sa MONSTER. Sabagay, magkatunog naman hindi ba? Ang tanga mo talaga Zeeya, hindi ba obvious na mabait siya ngayon kasi..... nasa isang mini concert kayo.

"pakitang tao hmp" bulong ko sa isang tabi ng tent. Nagtatago ako. Baka madiscover eh. Mabuti 'pang ayusin ko na lang yung pang-change outfit niya mamaya.

Nakatunganga lang ako dun, bute na lang maarte 'tong Kim Myungsoo na 'to at tinodo ang aircon sa tent niya para hindi ako mainitan -- more like hindi SIYA mainitan.

Narinig 'kong tumigil na yung kanta nilang Destiny.  Narinig ko din yung mga yabag nila papuntang backstage. Sisilip pa sana ako nung tumama ako sa nagmamadaling si Myungsoo. "Pwede ba wag 'kang humara."

Inabutan ko siya ng tubig at pinunasan ko yung pawis niya sa may mukha WHICH IS napagkasunduan na namin kagabi pa lang na kailangan ko talaga gawin yun. "Pangtaas na lang papalitan ko, bilasan mo P.A." nagpapantig na yung tenga ko sa naririnig ko pero wag ngayon Zeeya -- alam mo naman 'yan. Palagpasin mo na lang.

"Ito na po. ----TEKA!" agad agad akong tumalikod. Walangya. BALAK BA NAMANG MAGHUBAD SA HARAPAN KO.

"Dami 'mong kaartehan. OH." Binalibag niya lang yung pinaghubaran niya na basang basa ng pawis. Ang sarap niyang kung-fu.

**

Pack-up na daw tayo. Inaayos ko na yung mga damit niya, nauna na ako kasi magcCR pa daw yung monster. Ipapasok ko na sana dun sa Van ng Infinite kaya lang nakita ko yung Infinite may kausap na babae dun sa harap ng Van eh. "Miss mo lang ako 'no." sabi ni Dongwoo dun sa babae.

Hindi ko masyadong maaninag yung mukha 'nung babae kasi hinaharangan siya 'nung ibang Infinite members. "Bute hindi ka nakita 'ng mga press?" halata sa boses ni Hoya yung pagiging concern niya. ;-----( GIRLFRIEND NIYA KA YUN?

"Ako pa? Humalo ata ako sa million milliong fans niyo. Hahaha" Hindi ko pa siya nakikita pero narinig ko palang yung boses niya , sa tingin ko sobrang ganda niya.

"For sure may nakakita sayo. Mainit kayong dalawa ni Myungsoo sa mata ng press kaya mag-iingat, Suzy." pati si Sunggyu ay halatang nag-aalala. Pero teka? Medyo hindi ko naiintindihan?

"Magpapahinga na kami, sa loob mo na lang ng van hintayin si Myungsoo -hyung"  Ano? Pinasakay pa nila sa Van? At bakit kailangan niya 'pang hintayin si Myungsoo?

"HOY!" may humawak sa balikat ko kaya nabitawan ko yung mga damit. Nakita 'kong naglalaser beam na naman ang mata nitong Monster Myung na 'to kaya agad agad kong dinampot. Alam ko na sasabihin nito, kaya magtatakip na ako ng tainga. One, two , three, eh?

"Bilisan mo na dyan, gusto ko 'ng umuwi." Not a Myungsoo type. Anong ginawa ng CR na yun sa Monster 'kong Master? Bakit hindi niya ako sinigawan sa halip ay mahinahon niya akong kinausap. Maybe, it's the end of the world. Allelujah.

"ZEEEYA!" sumigaw na tuloy si Kuya Manong Driver. Kaya dali dali akong pumasok sa Van. Pinagtitinginan pa nga nila ako eh. Pumunta ako dun sa may sulok. Busy kasi sila sa pakikipag-usap. Hindi nga ata nila ako namalayan.

"Hi." iidlip sana ako pero may nagsalita. O_O Drop dead gorgeous. Hindi ako makapagsalita. Namemesmerize ako sa ganda niya.

Parang may isang angel na nakangiti saakin, mukhang end of the world na nga ata. Sinusundo na ako sa Heaven. "Nah, my personal ALALAY" nahulog pa ako sa lupa.

Grabe maka-empasize nga ALALAY huh. Pinilit 'kong ngitian yung babae kahit gustong gusto ko 'ng ihulog mula sa van na 'to si Kim Myungsoo. Naramdaman ko namang tumabi saakin si Hoya. At tsaka nagtalukbong ng towel. Pagod na siguro siya.

"I'm Suzy. You are?" masyado siyang down to earth. "Zeeya." makikipagshake hands na sana ako nung tinabig ni Myungsoo ang kamay ko.

"epal" bulong ko pero narinig naman ni Woohyun kaya napatawa siya.

"Ang ganda naman ng P.A. mo. Aakalain ko na sana na girlfriend siya ng isa inyo. Hahaha" Wow, thank you. Flattered ako. Nadako ang paningin ko sa mukha ni Myungsoo na may mapang-asar na ngiti.

"Seryoso? Yan? Ha-ha-ha." kung hindi lang ako nahihiya 'kay Suzy at kung hindi ko lang MINAMAHAL ang trabaho ko sasagutin ko talaga 'yang monster myung na yan eh.

**

Naalimpungatan ako nung naramdaman 'kong tumigil yung Van. "Teka Master san kayo pupunta?" pababa sila ni Suzy ng Van. Pinandilatan niya ako ng mata na para bang sinasabing "wala 'kang pakialam" pero hindi pwede. Kailangan palagi kong alam, o palagi niya akong kasama. Kung hindi malilintikan ako

Nakita 'kong lahat sila ay knock down sa loob ng Van. Naramdaman ko ding umandar na ito. Pahakbang na ako pero laking gulat ko 'ng hawakan ni Hoya yung kamay ko. *dug dug dug* Parang tumigil yung mundo ko. Namumula ata ako.

"Hayaan mo na sila."at agad niya ring binitawan yung kamay ko.

-------

DEDICATED SAYO. MARAMING SALAMAT SA SUPORTA :* MAHAL KA DAW NI KIM MYUNGSOO. =))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Kim Myungsoo's -- P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon