A/N: For those who were still complaining bakit ang tagal ng update into at bakit kulang kulang while the other series are completed already. The answer is here: This is currently under editing and soon will also get published under my Publisher. (Details about the book will be posted soon) And another thing is, I have worked also at demanding masyado ang time schedule ko. Sana po ay nauunawaan niyo ako. I really wanted this to be over para sana mabasa niyo nang lahat. Sana din po ay maunawaan niyo na Hindi ganoon kadaling mag edit. Salamat po!
------
Chapter Four
Nakatayo sa labas ng unibersidad si Regine. Hinihintay ni si Flor dahil may huling subject pa ito. Sabi ng kaibigan niya ay sabay na daw sila kaya sa labas nalang siya naghintay. Iniiwasan din kasi niya na makita pa siya ng grupo ni Mona. Pero mali yata ang ginawa niyang paghihintay doon dahil di kalayuan ay natanaw naman niya ang grupo ni Coby na papalapit sa kanya.
Naging sunod sunod ang paglunok na ginawa niya. Alam niya kasi na babawian siya ng lalaki dahil sa nangyari dito kagabi sa plaza. Nakadikit pa rin sa taas ng kilay nito ang isang band-aide pagkatapos ay sariwa pa ang pasa nito at bukol. But he still manage to grin at her. Na para bang may nakakatawa pa rin sa sitwasyon. Nang tuluyang makalapit si Coby sa kanya ay saka nito sinensyasan ang mga kasama nito na iwan sila.
"Coby please..."
Ngumisi ito. "Please what? Wala pa naman akong ginagawa sayo." Nakakalokong sabi nito.
Lalayo sana siya dito nang humarang ito. "Not so fast. May unfinished business pa tayong dalawa."
"Hindi ka ba talaga titigil? Ayaw mo ba talaga akong tigilan?" Galit na sabi nalang niya dito.
Hinaklit nito ang braso niya. "Hindi not until makuha kita."
Tila wala naman pakialam ang mga estudyante na naroroon kung makitaman sila. Wala ngang pumansin o lumingon man lang sa kanila. "A-Aray nasasaktan kasi ako. Bitiwan mo na ako."
Bahagya siya nitong hinila papalapit sa katawan nito. "Mamayang gabi sa harapan ng bahay niyo. Nandoon ako."
Bumaha ang kaba sa dibdib niya. Hindi pwede. Hindi siya papayag. "Are you going to come with me tonight or I'll present myself to your mother? Siguro naman hindi niya ako tatanggihan."
Narinig pa niya ang halakhak nito bago siya iniwan. Ngunit bakas ang daliri nito sa braso niya. Nakaramdam si Regine nang takot dahil doon. Coby is heartless fool. Alam niyang gagaiwn nitio ang banta nito sa kanya and she's sure about that. Knowing his family's influence kahit anong gawin niya ay nasisiguro niya na hindi siya mapapanigan agad nino man lalo na kung kagaya nito ang binangga niya.
Hindi siya dapat makita ni Coby mamayang gabi. Dahil nasisiguro niya na ang naudlot nitong masamang balak sa kanya noong gabi sa plaza ay hindi malabong gawin nito mamaya sa kanya. Maswerteng nakaligtas lang siya dahil sa lalaking tumulong sa kanya. And by this time, wala nang superhero ang magliligtas sa kanya kung di sarili na lamang niya.
Mabilis siyang lumakad at saka buo ang desisyon na wag magpapakita kay Coby. Tatawagan na lamang niya ang kanyang ina at sasabihin may tinatapos siyang group project. Along her way on nowhere. Naalala niya ang sinabi ni Mona. She's welcome to her party and for sure, coby won't be there. Dala ang determinasyon at lakas ng loob ay napagpasyahan niyang tunuhin na lamang ang tirahan ng mga Velasquez. Nakakahiya man pero doon lang siya hindi makikita ni Coby.
"Imbitasyon mo?" Sa mahigpit na mga gwardiya palang ay hindi na alam ni Regine kung paano siya makakapasok sa exclusive subdivision na iyon. Ayaw siyang paniwalaan ng mga gwardiya s aimbitasyong hawak niya.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN SERIES 3: Job Medina
Fiction généraleSYNOPSIS After the multiple betrayals and lies, a young and selfless love ends when they both decided to separate ways. Mas pinili ni Regine na unahin ang sarili bago pa man ang iba. Twelve years after, She has now a career to pursue. An ill mother...